Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 33

Jose P.

Rizal
• Araw ng Kapanganakan: Hunyo 19, 1861
• Lugar ng Kapanganakan: Calamba, Laguna
• Magulang: Francisco Mercado at Teodora
Alonzo
Si Dr. Jose Rizal, ang pambansang
bayani ng bansa ay gumamit ng kanyang
husay sa pagsulat at pagbigkas upang
matupad ang kanyang layunin. Ang kauna-
unahang tulang kanyang naisulat ay
tumatalakay sa pagmamahal sa sariling
wika. Ito ay ang “Sa Aking mga Kabata” na
kaniyang isinulat sa edad na walo.
Pagkaaga-aga niyang naipakita ang kaniyang
pagmamahal para sa bayan.
Jose P. Rizal
Samantala, ang dalawang nobelang kaniyang isinulat , ang
Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong Salingin) at El Filibusterismo (Ang
Pilibustero) ay maituturing na dalawa sa pinakamahusay na obra
maestro ng ating lahi. Sakdal hirap ang kanyang dinanas sa pagsulat
ng mga ito. Ito ang mga nobelang naglantad ng matinding pang-
aabuso, kasakiman at kawalang puso ng mga Espanyol kasabay ng
pagpapakita sa kahinaan ng mga Pilipino.
Itinatag niya ang La Liga Filipina sa Tondo, Maynila nang siya
ay bumalik sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892. Ito’y isang samahang
sibiko na humihingi ng pagbabago para sa bansa mula sa mga
Espanyol. Sadyang natakot ang mga Espanyol sa samahang ito.
Ipinadakip si Rizal at ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga del Norte
noong Hulyo 7, 1892. Mula sa Dapitan, siya ay ibinalik sa Maynila at
ikinulong sa Fort Bonifacio at dito niya isinulat ang kaniyang kahuli-
hulihang tulang pinamagatang “Huling Paalam.”
Siya ay nilitis at nahatulan ng kamatayan. Noong ika-30 ng
Disiyembre, 1896 binaril siya sa Bagumbayan o Luneta na ngayon ay
Rizal Park.
Sino si Dr. Jose
Rizal?
Anu-ano ang
kanyang
magagandang
katangian?
Anu-ano ang
katangian niya
na makikita sa
iyong sarili?
• Ang kauna-unahang tulang kanyang naisulat ay
tumatalakay sa pagmamahal sa sariling wika.

• Samantala, ang dalawang nobelang kaniyang


isinulat , ang Noli Me Tangere (Huwag Mo Akong
Salingin) at El Filibusterismo (Ang Pilibustero) ay
maituturing na dalawa sa pinakamahusay na
obra maestro ng ating lahi.
• Ito ang mga nobelang naglantad ng matinding pang-
aabuso, kasakiman at kawalang puso ng mga Espanyol
kasabay ng pagpapakita sa kahinaan ng mga Pilipino.

• Mula sa Dapitan, siya ay ibinalik sa Maynila at ikinulong


sa Fort Bonifacio at dito niya isinulat ang kaniyang
kahuli-hulihang tulang pinamagatang “Huling Paalam.”
•PANG-URI?

https://www.youtube.com/watch?v=mEr7-bxzVjA
PAGKIKLINO
• Ayusin ang mga salita ayon sa antas ng kahulugan nito.

___ asar ___ galit ___ inis

A. inis, galit, asar

B. galit, asar, inis

C. inis, asar, galit


PAGKIKLINO
• Ayusin ang mga salita ayon sa antas ng kahulugan nito.

___ hiyaw ___ sigaw ___ bulong

A. bulong, sigaw, hiyaw

B. sigaw, bulong, hiyaw

C. hiyaw, bulong, sigaw


PAGKIKLINO
• Ayusin ang mga salita ayon sa antas ng kahulugan nito.

• ___paghanga ___ pagmamahal ___ pagsinta

A. paghanga, pagmamahal, pagsinta

B. paghanga, pagsinta, pagmamahal

C. pagmamahal, paghanga, pagsinta


PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
• Piliin ang ginamit na paraan ng sinalungguhitang salita para
mapasidhi ang damdamin ng salita.

• Ubod ng lakas ang sigaw ng aking damdamin.

A. Pag-uulit ng Salita

B. Paggamit ng Panlapi

C. Paggamit ng Pang-abay
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
• Piliin ang ginamit na paraan ng sinalungguhitang salita para
mapasidhi ang damdamin ng salita.

• Ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa mundo.

A. Paggamit ng Panlapi

B. Paggamit ng Pang-abay

C. Pag-uulit ng Salita
PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN
• Piliin ang ginamit na paraan ng sinalungguhitang salita para
mapasidhi ang damdamin ng salita.

• Mabangong mabango ang sampaguita ng Pilipinas.

A. Paggamit ng Pang-abay

B. Pag-uulit ng Salita

C. Paggamit ng Panlapi
GAWAIN 1
•Basahing muli ang
talambuhay ni Rizal at
suriin ang mga pang-
uring makikita rito.
Pagtataya
• Panuto: Bumuo ng talata na naglalarawan sa
hinahangaan mong tao. Gumamit ng mga
pinasidhing Pang-uri sa pagbubuo ng pangungusap.
• Gamitin ang pamanatayan sa ibaba para gabayan
kayo sa gagawing pagsulat.
Binabati kita at natapos mo
ang Aralin!
Oops! Mali ka! Subukan mo
ulit…
Oops! Mali ka! Subukan mo
ulit…
Oops! Mali ka! Subukan mo
ulit…
Tama ka!
Ang galing mo!
Tumpak!
Oops! Mali ka! Subukan mo
ulit…
Oops! Mali ka! Subukan mo
ulit…
Oops! Mali ka! Subukan mo
ulit…
Tama ka!
Ang galing mo!
Tumpak!

You might also like