Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Ang Solid at ang mga

Katangian nito
Layunin:
a. Natutukoy ang sukat ng mga solid gamit
ang paghahambing.
b. Nakalalahok nang masigla sa pagtukoy
ng solid na may iba’t ibang sukat.
c. Naipapangkat ang mga solid ayon sa
sukat nito.
Anong katangian ng
solid ang ating
tinalakay kahapon?
Ano-ano ang iba’t ibang
hugis ng solid?
1. Ano-ano ang mga solid na nasa
kahon?
2. May napapansin ba kayo sa
mga solid na ito?
Kung ipapangkat natin ang mga
solid na ito sa dalawang pangkat,
paano natin ito papangkatin?
Bukod sa kulay at hugis, ang
mga solid ay may iba’t ibang
sukat. Maaari itong maging
malaki, maliit, mahaba, o
maiksi.
Paano natin malalaman na ang
isang solid ay mas malaki sa isa
ibang solid?
Isang paraan upang
mailarawan ang sukat ng solid
ay sa pamamagitan ng
paghahambing.
Ang solid na mas malaki sa
isang solid ay nakakakuha ng
mas malaking espasyo din.
Paghambingin-hambingin ang mga solid ayon sa
kanilang sukat. Bilugan ang solid na pinakamalaki.
Pagsunud-sunudin ang mga solid sa ibaba ayon sa
kanilang sukat. Isulat ang bilang 1-3 sa patlang. 1 para
sa pinakamaliit at 3 naman sa pinakamalaki.
Pangkatin ang mga solid na nasa loob ng kahon ayon
sa kanilang sukat.
Kumuha ng dalawang solid sa bag at
paghambingin ang sukat ng mga ito
gamit ang pangungusap sa ibaba.
Ang ______ na ito ay mas _______
kaysa sa _________ na ito.
Ano ang katangian ng solid
na tinalakay natin ngayong
araw?
Piliin sa loob ng panaklong ang salitang kukompleto sa
pangungusap. Salungguhitan ang angkop na salita.
1. Ang trak ay mas (malaki, maliit) kaysa sa kotse.
2. Ang lapis ay mas (mahaba, maiksi) kaysa sa
sinturon.
3. Ang cellphone ay mas (malaki, maliit) kaysa sa
laptop.
4. Ang sandok ay mas (mahaba, maiksi) kaysa sa
kutsara.
5. Ang langgam ay mas (malaki, maliit) kaysa sa
bubuyog.

You might also like