Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Buhay katiwala

Tanong at sagot tungkol sa balik-handog


1. Ano ang balik – handog?
Sagot. Ito ay isang kongkretong ekspresyon ng ating pagiging Kristianong katiwala.
Bilang mga katiwala tungkulin nating mag-sulit sa Diyos ng kabahagi na nauukol
para sa kanya bilang may-ari ng lahat.
2. Ano ang Buhay-katiwala?
Sagot. Ito ay ispiritualidad at uri ng pamumuhay na nakaugat sa paniniwalang ang
Diyos ang may-ari ng kanyang nilikha tayo ay katiwala lamang niya.
3. Ano ang saklaw ng Balik-handog?
Sagot. Saklaw nito ang limang “T” ng buhay katiwala TIME{panahon}, TALENT{talino},
TREASURE{yaman}, TEMPLO{kalikasan}, TESTIMONY[pananampalataya}.
*ang balik-handog ay hindi lang ang kinagawiang pangingilak ng pondo {fund raising}
kundi pagpapahayag ng pagtatalaga ng buhay sa Diyos{commitment}

4. Hinggil sa pagbabahagi ng yaman, mayroon bang nakatakdang halaga na dapat


ipagkaloob?
Sagot. Wala po dahil ito ay kusang loob na pagbabalik-handog ayon sa kakayahan at
kagandahang-loob ng nagbibigay.
5. Paano naisasagawa ang pagbabalik-handog?
Sagot. a] May nakalaang balik-handog envelops kung saan isusulat ng donor ang halaga ng
kanyang kaloob sa bawat buwan. Pipirmahan nya ito at lalagyan ng petsa sa nakalaang
patlang sa balik-handog envelop.
b] maaring ibigay ang inyong buwanang kaloob sa pamamagitan ng
1] pag-aalay nito sa misa tuwing huling lingo ng buwan.
2] pag-susulit sa katiwala{coordinator} ng inyong MSK.

3] pag-susulit nito sa opisina ng parokya.


c] ang sobre ng balik-handog ay ibabalik sa nagbigay upang muling magamit ito sa
susunod ng buwan. Ito rin ay magsisilbing record ng kanyang binigay sa loob ng isang
taon.
6. Tuluyan na bang aalisin ang arancel?
Sagot. Hindi kaagad lubusang maaalis ang arancel para sa lahat ng parokyano subalit ang
mga regular na nagbabalik-handog sa magkakasunod na anim na buwan ay hindi na
saklaw ng Sistema ng arancel sa mga sacramento. Sa halip ang kanilang alay ay
boluntaryo na lamang.
7. Saan mapupunta ang malilikom mula sa Balik-handog?
Sagot. Malaki ang maitutulong nito sa pag-susulong ng mga programang pastoral ng
simbahan. Babahaginan ito ayon sa sumusunod;

Prelature- 15%
Parokya- {rectory, church, priest}- 65%
MSK Chapels- 15%
Seminary- 3%
Priests Medical fund- 1%
Retirement fund-1%
Itaguyod ang Balik-Handog, Buhay Katiwala ay ating isabuhay.
Dahil ito ang tanging paraan na maipapakita natin ang ating pag-mamahal sa Diyos
at sa simbahan.

You might also like