Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Buhay, Iingatan Ko

• Gaano karaming buhay ang nawawala araw-araw sa


iba’t-ibang pamamaraan katulad ng GIYERA,
TAHASANG PAGPATAY, ABORSYON, AKSIDENTE, at
SAKIT?
• Ang buhay ng tao ay sagrado. Ang paggalang sa buhay
ng tao ay isang virtue.
• Ang pangangalaga sa buhay ng kapuwa at ng sariling
buhay ay ipinagkatiwala ng Diyos sa tao kung kaya’t
ito ay isang pananagutang moral.
• Ang buhay ay kaloob ng Diyos na dapat ingatan at
pangalagaan. Kaakibat nito ay ang ayusin ang klase
ng pamumuhay.
• Gaano kahalaga ang buhay para sa iyo?
• Ang pangangalaga sa sariling buhay at sa buhay ng kapuwa ay isang paraan ng
pasasalamat sa Diyos na may kaloob ng buhay. Madaling isagawa ang pananagutang
ito kung may tunay na pagmamalasakit para sa kabutihan ng nakararami. Hindi
lamang ang sariling buhay ang iniisip kundi pati ang kalagayan ng kapuwa.
• Ang paggalang sa karapatang-pantao ay paggalang sa buhay. Isang pagpapakita ito
ng pagkakapantay-pantay ng mga tao. Mayaman man o mahirap, ang lahat ay may
karapatang mabuhay nang maligaya ayon sa kautusan ng Diyos.

Paggalang sa Buhay ng Tao


• Sagrado ang buhay ng tao sapagkat ito ay nagmula sa Diyos. Ang paglapastangan
sa sariling buhay at sa buhay ng kapuwa ay paglapastangan sa Diyos.
• Batay sa Artikulo XIII Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng Pilipinas, kinakailangang
pag-ukulan ng Kongreso ng pinakamataas na priyoridad ang pagsasabatas ng mga
hakbangin na mangangalaga at magpapatingkad sa karapatan ng lahat ng mga
mamamayan sa dignidad na pantao.
• Ang ilan asa mga probisyong ito ay ang sumusunod:

• ARTIKULO XIII
1.SEK. 18.3. – magtakda ng angkop na mga
hakbangin na naayon sa batas para sa
pangangalaga ng mga karapatang-pantao ng lahat
ng mga tao sa Pilipinas, at gayon din ng mga
Pilipino na naninirahan sa ibang bansa, at
magtatakda ng mga karapatang-pantao ay nilabag
o nangangailangan ng proteksiyon.

2.SEK. 18.4 – tumupad ng mga kapangyarihan sa


pagdalaw sa mga piitan, mga bilangguan. O mga
pasilidad sa detensyon.
Kahalagahan ng kalusugan
• Ang buhay at kalusugan ay mahalagang handog. May kasabihang, hindi bale nang mahirap.
Basta wala lamang sakit sapagkat ang kalusugan ay isang kayamanan, kung kaya’t
kinakailangan itong ingatan. Ang pagi-ging malusog ay hindi lamang natin tungkulin sa sarili
kung hindi maging sa lipunan at sa pamilya.
• Ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng mamamayang Pilipino ay ipinahayag sa
Artikulo XIII ng Saligang Batas ng Pilipinas.

1. SEK 11 – Ipinag-uutos ang pagpapaunlad ng kalusugan at pagbibigay priyoridad


sa mga pangangailangan ng mahihirap, matatanda, may kapansanan, mga babae
at bata. Dapat sikapin ng Estado ang pagbibigay ng libreng panggagamot sa mga
pulubi.

2. SEK 12 – magtatag at magpanatili ng mabisang Sistema sa pangangasiwa sa


pagkain at gamut.

3. SEK 13 – magtatag ng isang natatanging tanggapan para sa mga taong may


kapansanan.
Ang Buhay ng Tao at ang Bayan
• Ang pagmamalasakit para sa kabutihan ng nakararami ay ipinakita ng bayan at lipunan sa pagtatatag ng mga
ahensya at organisasyon na makatutulong sa pagkakaroon ng magandang buhay ng tao. Pag-aralan ang
sumusunod na graphic organizer at tingnan ang mga halimbawang organisasyon.

Pribadong Samahan
• Gawad Kalinga
• Bantay-Bata Foundation
• Kapuso Foundation, atbp
Mga Pangunahing
Ahensya at DSWD
Samahang
Nagpapahalaga sa • National Household Targeting System for Poverty Reduction Program
BUhay • Pantawid Pamilyang Pilipino Program
• Kapit-bisig Laban sa Kahirapan Program, atbp

Pampublikong Pagamutan
• Osptital ng Maynila
• Philippine General Hospital
• QC General Hospital
• National Orthopedic Hospital, atbp
Mga Kilos na labag sa Pagpapahalaga sa Buhay
Naririto ang ilan sa mga kilos ng tao na lumalabagvsa kautusang ito:

1. Pagpapakamatay – ito ay tuwirang pagkitil sa sariling buhay. Kusang-loob o sinasadyang pagpatay sa


sarili sa iba’t- ibang pamamaraan. At ito ay labag sa utos ng Diyos.
2. Aborsyo – induced abortion- layunin nito ay ihinto ang pagbubuntis. Maituturing pagkitil sa buhay. At
labag din sa utos ng diyos.
3. Euthanasia – mula sa salitang Griyego, eu (easy) at thanatos (death); easy death. Ito ay ginagawa
upang mahito na ang paghihirap ng mga may malubhang karamdaman. Tinatawag din itong mercy killing.
Ito ay labag sa Likas na Batas Moral sapagkat ito ay laban sa dignidad ng buhay.
4. Ang mga maysakit at kapansanan ay kailangang matulungan na mabuhay nang normal kung maari
lamang.
5. Paggamit ng ipinagbabawal na gamut (Drug Addiction) – ito ay bisyo na madalas gawin. Ito ay laban
sa Likas na Batas Moral.
6. Iba pang mga Bisyo – ang pinakalaganap na pag-abuso sa kalusugan ay ang pag-inom nang subrang alak
tulad din ng paggamit ng ipinagbabawal na gamut.
7. Murder (pagpatay) – ito ay tuwirang pagkitil o pagpatay sa kapuwa. Ang mamamatay-tao at ang nakikiisa
sa pagpatay at kapuwa nagkakasala laban sa paggalang sa buhay tao.
Paraan ng Pangangalaga ng Sariling Buhay at Buhay ng Kapuwa
1. Pagiging makatarungan, metatag, at mapagtimpi
a) Katarungan – ito ay ipinagkaloob sa tao kung ano ang nararapat sa kaniya.
Karapatan ng tao ang mabuhay na may dignidad at kasiyahan. Ang tanggalin
ang karapatang ito ay kawalan ng katarungan.
b) Katatagan – ito ay virtue na nagbibigay lakas upang harapin ang mga
pagsubok sa buhay tulad ng problema sa pamilya, pinansyal, at maging sa
kalusugan o pag-ibig.
c) Pagtitimpi – ito ay virtue na makatutulong upang pamahalaan ang matinding
damdamin at paggamit ng material na bagay. Sinasabi nga na anumang labis
ay nagiging masamang bisyo
2. Pag-iwas sa bisyo
3. Pag-iwas sa hindi magandang impluwensiya ng barkada
4. Pakikinig na may tiwala sa payo ng magulang at nakakatanda
5. Patuloy na pagdarasal upang magtaglay ng mga virtue na kinakailangan upang
pangalagaan ang sariling buhay at buhay ng kapuwa

You might also like