Araling Panlipunan 8-L3

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 40

ARALING PANLIPUNAN 8

MGA REHIYON AT KLIMA SA


DAIGDIG
Mga Rehiyon ng Daigdig
Ang kontinente ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. May
mga kontinente na magkakadikit, at mayroon ding
napalilibutan ng mga anyong tubig. Ayon kay Alfred Wegener,
isang siyentipikong Aleman, ang kalupaan ng daigdig ay isang
malaking kontinente lamang noong unang panahon. Ang
malaking kontinenteng ito o supercontinent ay tinatawag na
pangaea. Dahil sa paggalaw ng mga tectonic plates, naghiwa-
hiwalay ang mga ito at saka nabuo ang pitong kontinente sa
kasalukuyang panahon. Ang tawag sa teoryang ito na isinulong
ni Wegener ay continental drift theory.
ANG PITONG KONTINENTE AY ANG
SUMUSUNOD:
● Asya
● Aprika
● Hilagang Amerika
● Timog Amerika
● Antarktika
● Europa
● Australia at Oceania
ASYA
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa
daigdig. Ito ay napalilibutan ng Karagatang
Pasipiko sa silangan, Karagatang Indian sa timog,
Karagatang Artiko sa hilaga, at Europa sa dakong
kanluran. Sa katunayan, magkarugtong ang ilang
bahagi ng Europa at Asya. Dahil dito, mayroong
ilang siyentipiko na nagsasabi na dapat tawagin
na lamang itong kontinente ng Eurasia.
Ang Asya rin ang kontinenteng may pinakamalaking
populasyon sa daigdig. Mahigit-kumulang 4.5 bilyon
ang kasalukuyang populasyon ng Asya. Ang dalawang
bansang may pinakamalaking populasyon sa mundo ay
matatagpuan sa Asya—ang Tsina at India. Magkakaiba
ang wika, relihiyon, at paniniwala ng populasyon sa
Asya. Nabibilang ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na
may sariling wika at paniniwala. Sa Asya matatagpuan
ang ilan sa mga hiwaga ng ating daigdig. Matatagpuan
sa Asya ang Bundok Everest, ang pinakamataas na
punto sa buong mundo.
Matatagpuan din sa rehiyon ang
pinakamababang punto sa buong mundo, ang
Dead Sea. Makikita rin sa Asya ang ilang mga
natatanging gawa ng tao. Ang Great Wall sa
Tsina, ang Angkor Wat sa Cambodia, ang Taj
Mahal sa India, at ang Borobudur sa Indonesia ay
ilan lamang sa mga halimbawa ng mga likhang
ito.
APRIKA

Ang Aprika ang pangalawa sa pinakamalaking


kontinente sa mundo dahil sa laki ng kalupaan at
populasyon nito. Mahigit isang bilyon ang mga
taong naninirahan dito. Ang Aprika ay
napalilibutan ng Mediterranean Sea sa hilaga, ng
Red Sea at Karagatang Indian sa silangan, at ng
Karagatang Atlantiko sa kanluran.
Ang hilagang bahagi ng Aprika ay binubuo ng
disyerto. Matatagpuan dito ang pinakamalaking
mainit na disyerto sa daigdig, ang Sahara.
Samantala, ang ibang bahagi ng kontinente ay
binubuo ng savanna at mga tropikal na gubat
kung saan matatagpuan ang mga hayop katulad
ng mga leon, elepante, usa, kamelyo, at mga
giraffe. Matatagpuan din ang pinakamahabang
ilog sa buong mundo sa Aprika, ang Ilog Nile.
Ang hilagang bahagi ng Aprika ay binubuo ng
disyerto. Matatagpuan dito ang pinakamalaking
mainit na disyerto sa daigdig, ang Sahara.
Samantala, ang ibang bahagi ng kontinente ay
binubuo ng savanna at mga tropikal na gubat
kung saan matatagpuan ang mga hayop katulad
ng mga leon, elepante, usa, kamelyo, at mga
giraffe. Matatagpuan din ang pinakamahabang
ilog sa buong mundo sa Aprika, ang Ilog Nile.
HILAGANG AMERIKA

Ang Hilagang Amerika ay ang pangatlong


pinakamalaking kontinente. Ito ay matatagpuan
sa dakong hilagang-kanluran ng daigdig.
Napaliligiran ito ng Karagatang Arktiko sa
hilaga, ng Karagatang Atlantiko sa silangan, at
ng Karagatang Pasipiko sa kanluran.
Matatagpuan ang lahat ng klase ng klima sa Hilagang Amerika, tulad
ng polar o malamig na klima sa hilaga, disyerto sa timog ng Estados
Unidos, at tropikal na klima sa sa mga bansa sa dako na malapit sa
Timog Amerika.

Ang Hilagang Amerika ay may populasyon na mahigit


579 milyon sa kasalukuyan. Marami sa mga
naninirahan dito ay gumagamit ng wikang Ingles,
Espanyol, at Pranses. Ang siyudad na may
pinakamalaking populasyon ay ang Lungsod ng
Mexico.
TIMOG AMERIKA
Ang Timog Amerika ay pinalilibutan ng Hilagang
Amerika sa itaas, ng Karagatang Pasipiko sa
kanluran, at ng Karagatang Atlantiko sa silangan.
Maraming uri ng hayop at halaman ang
matatagpuan sa mga gubat ng Timog Amerika.
Mahigit 40,000 uri ng halaman, 3,000 uri ng isda,
2,000 uri ng ibon, mammal, at reptilia ang naitala sa
Timog Amerika. Marami sa mga ito ay matatagpuan
sa mga gubat ng Amazon.
Bukod sa mga uri ng hayop, ang isa sa mga
pinakamalaki at mahabang ilog sa mundo ay
matatagpuan din dito—ang Ilog Amazon.
Karamihan sa populasyon ng Timog Amerika ay
gumagamit ng wikang Espanyol at Portuges
dahil sa kasaysayan nito bilang kolonya ng
Espanya at Portugal.
EUROPA

Ang Europa ay ang karatig na kontinente ng


Asya. Nahihiwalay ang dalawang kontinente
ng Bulubunduking Ural, Dagat Caspian, at ng
Bulubunduking Caucasus. Pinalilibutan ito ng
Karagatang Arktiko sa hilaga, ng Karagatang
Atlantiko sa kanluran, at ng Dagat
Mediterranean sa timog.
Ang malaking bahagi ng Europa ay may
temperate na klima. Ang kanlurang bahagi
ng Europa ay madalas nakararanas ng
pag-ulan, samantalang ang silangang
bahagi nito ay hindi gaanong nakararanas
ng ulan.
Sumusunod ang Europa sa Asya at Aprika sa
laki ng populasyon. Ito ay may populasyon na
mahigit 730 milyon. Ang Europa ay kilala sa
kaniyang kultura at arkitektura. Ang ilan sa
mga gawang tao na kilala sa buong daigdig ay
ang Colosseum, ang Tore ng Pisa, ang
Parthenon sa Gresya, ang Eiffel Tower, at mga
kastilyo sa iba't ibang bahagi ng Europa
AUSTRALIA AT OCEANIA

Ang Australia at Oceania ang pinakamaliit na


kontinente sa daigdig. Pinaniniwalaan na ang
Australia ay dating bahagi ng Antartika bago
ito gumalaw pahilaga. Sa kasalukuyan, ito ay
napaliligiran ng Karagatang Indian at ng
Karagatang Pasipiko.
Ang malaking bahagi ng Australia ay nasa loob
ng kontinente na tinatawag na outback. Ito ay
malayo sa mga mataong lugar. Ang outback ay
kadalasang tuyot at nagtataglay ng kaunting
anyong tubig. Ang hilagang bahagi ng Australia
ay naaapektuhan ng Karagatang Indian na
nagdadala ng pag-ulan. Maraming bukod-
tanging mammal ang matatagpuan sa Australia,
katulad ng kangaroo, koala, echidna, platypus,
at wombat.
ANTARKTIKA
Ang Antarktika ang pinakamalamig na lugar sa
buong daigdig. Ito rin ang may pinakamalaking
disyerto sa daigdig. Ang Antartika ay nakararanas
din ng napakalakas na hangin. Dahil sa klima ng
Antartika, walang permanenteng populasyon ang
kontinente. Ang mga naninirahan lamang dito ay
ang mga siyentipiko mula sa iba't ibang bansang
nag-aaral at nagsasaliksik tungkol sa buhay,
topograpiya, at klima sa kontinenteng ito.
Kahit na malamig ang klima ng Antartika,
maraming uri ng hayop ang matatagpuan dito,
katulad ng isda, penguin, seal, sea lion, at mga
balyena.
MGA KLIMA SA DAIGDIG

Ang klima ay pangmatagalang kondisyon ng


panahon sa isang lugar. Ang panahon naman
ay ang pabago-bagong kondisyon ng
atmosphere sa loob ng maikling panahon. Ang
iba't ibang bahagi ng daigdig ay nakararanas
ng magkakaibang klima.
Ang pinakaginagamit na sistema ng pag-uuri ng
klima ay ginawa ni Wladimir Koppen, isang
heograpo at meteorologist. Ayon kay Koppen,
ang uri ng halaman na matatagpuan sa isang
lugar ay batay sa klima nito. Sa sistema ni
Koppen, may limang uri ng klima: tropikal, tuyo,
katamtaman, kontinental, at polar.
TROPIKAL (TROPICAL CLIMATE)

Ang mga tropikal na klima ay nakikita sa


kahabaan ng bahagi ng ekwador. Mainit at
madalas nakararanas ng ulan ang bahaging ito.
Ang temperatura ay sumasaklaw ng mula 18
oC hanggang 23 oC at maaaring umabot ng
mahigit 30 oC hanggang 33 oC.
May tatlong uri ng tropikal na klima: tropical wet o
rainforest, tropical monsoon, at tropical wet and dry
o tropical savanna. Ilang halimbawa ng mga bansa
na may tropikal na klima ay Pilipinas at Ecuador.
TUYO (DRY)

Hindi gaanong umuulan sa mga lugar na may


tuyong klima. May dalawang uri ng tuyong klima:
arid at semi-arid. Sa mga lugar na may arid na
klima, nakararanas nang mahigit sampu hanggang
30 sentimetro ng ulan kada taon. Ang pinakamainit
na mga lugar sa mundo ay matatagpuan sa mga arid
na bahagi, at umaabot sa mahigit 58 oC ang
temperatura sa mga lugar na ito.
Marami sa mga ito ay mga disyerto. Sa mga lugar na
mayroong semi-arid na klima, nakatatanggap ng ulan
na maaaring sumuporta sa pagtubo ng damo o ilang
maliliit na halaman. Halimbawa ng mga bansang may
tuyo na klima ay Afghanistan at Azerbaijan.
KATAMTAMAN (MILD OR TEMPERATE
MARINE)
Ang mga rehiyong may klimang katamtaman ay hindi
nakararanas ng napakainit at napakalamig na
temperatura. Katamtaman din ang nararanasan nilang
presipitasyon. Mayroong tatlong uri ng katamtamang
klima: Mediterranean, humid subtropical, at marine. Ang
temperatura sa mga bahaging ito ay maaaring sumaklaw
mula -3 oC hanggang 18 oC sa mga malalamig na buwan
at mula 10 oC pataas sa maiinit na buwan. Halimbawa sa
mga bansang may ganitong uri ng klima ay Italya.
KONTINENTAL (TEMPERATE
CONTINENTAL)
Ang mga lugar na may kontinental na klima ay
nagsisilbing transisyon sa pagitan ng katamtamang
klima at polar na klima. Ang karaniwang temperatura
sa mga lugar na ito ay 10 oC at pataas sa mga maiinit
na buwan, at -3 oC pababa sa mga malalamig na
buwan. Mas malamig din ang taglamig (winter) dito
sa mga bahagi na ito kumpara sa mga lugar na may
katamtamang klima.
Mayroong tatlong uri ng kontinental na klima: warm
summer, cool summer, at sub-arctic. Ang lahat ng mga
klimang ito ay nahahanap lamang sa hilagang bahagi
ng mundo, na napapaloob sa mga kontinente.
Halimbawa sa mga bansang mayroon kontinental na
klima ay Ukraine.
POLAR
Ang polar na klima ay matatagpuan sa loob ng
Kabilugang Arktiko sa hilagang bahagi ng mundo at
sa Kabilugang Antartiko sa timog na bahagi ng
mundo. Ang polar na klima ay ang pinakamalamig sa
lahat, at kabilang dito ang ice cap at tundra. Ang
karaniwang temperature ng polar na klima ay 10 oC
pababa. Halimbawa ng bansa na may polar na klima
ay ilang bahagi ng timog Kyrgyzstan at Russia.

You might also like