Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Kabanata 36-42 Noli Me Tangere
Buod NG Kabanata 36-42 Noli Me Tangere
Buod NG Kabanata 36-42 Noli Me Tangere
KABANATA 36 -42
Inihanda ni;
Marissa M. Pascasio
Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Buod
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang
pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang
payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na
makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.
Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na
inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Pari
Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni
Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan
buhay at kaluluwa.
Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang
niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa
nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni
Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at
tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan ang Kapitan na ang pagpapalit
ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.
Buod
Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama
lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak
niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra.
Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng
kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang
liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat
lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang
sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya
itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi
nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis
ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito.
Buod
Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng
loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo,
nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang
Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni
Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria
ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng
tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang
mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni
Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa
pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.
Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Buod
Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero,
hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang sundalo na sabihin kay Sisa ang
gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa
damdamin ng Donya at nakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat
akalain na marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya ang pagkamaang ng kawal,
kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay
inutusan itong magbaile o sumayaw.
Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at
nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat.
Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa.
Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang
nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng
katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman
ito sa Donya. Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa
kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si
Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag
lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan
din.
Buod
Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa
liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring
kaguluhan.
Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay
walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog
siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan
siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni
Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria
Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa
kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Pari Salvi.
Kabanata XLI
Dalawang Dalawa
Buod
Dahil sa nangyari hindi dalawin mg antok si Ibarra, kaya naisipan nitong gumawa
sa kanyang laboratoryo. Pamaya-maya pumasok ang kanyang utusan at sinabing mayroon
siyang panauhing taga-bukid. Pinapatuloy niya ito ng hindi man lamang lumilingon. Ang
kanyang panauhin ay si Elias.
Tatlo ang pakay ni Elias sa pagpunta niya kay Ibarra. Una, ay upang ipaalam na
nilalagnat o may sakit si Maria Clara. Ikalawa, magpapaalam na siya kay Ibarra sapagkat
nakatakda siyang magtungo sa Batangas at ikatlo, itatanong niya sa binata kung wala itong
ipagbibilin sa kanya. Hinangad ni Ibarra ang maluwalhating paglalakbay ni Elias.
Hindi nakatiis si Ibarra kung paano napatigil ni Elias ang kaguluhan nangyari sa
liwasan. Sinabi ni Elias na kilala niya ang magkapatid na namumuno sa panggugulo. Ang
mga ito ay mga sibil. Ang ama ng magkakapatid na patayin sa palo ang mga sibil na
nanggulo sa liwasan. Pero dahil sa may utang na loob ang magkapatid kay Elias, sila ay
madaling napakiusapan nito. Hindi na kumibo si Ibarra, kaya nagpaalam na si Elias.
Nagbihis at nanaog na si Ibarra habang sinisisi ang sarili sa pagkakasakit ng
kasintahan. Tutungo siya sa bahay ni Kapitan Tiyago. Sa daan nakasalubong niya ang
isang maliit na lalaking nakaitim at may pilat sa kaliwang pisngi. Ito ay si Lucas at
kapatid ng taong madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Nabanas
ng husto si Ibarra sa pangungulit ni Lucas na kung magkano raw ang ibabayad sa pamilya
ng kanyang kapatid. Sinabi ni Ibarra na magbalik na lamang si Lucas dahil dadalaw ito sa
isang maysakit. Ska na nila pinag-usapan ang tungkol sa pagbabayad. Mauubos na ang
pagtitimpi ni Ibarra, kaya tinalikuran niya kaagad si Lucas.
Buod
***
Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Pari Salvi. Dati ng kakilala
ng mag-asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad
sinabakan na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at
pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder
sa estado.
Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiyago na kadadalaw lamang ng
Kapitan – Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya.
Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at
hindi kaagad nagkasakit si Mari disin sanay’y nakadaupang palad nila ang Henerl.
Naitanong naman ni Linares kay Pari Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagakat
may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya
napanatag ang loob ni Linares.
Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit
mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de
altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si
Linarez na nabigla sapagkat nakatoun ang kanyang mga mata at isip kay Maria na
lubhang nagagandahan.