Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 75

Panalangi

n
Pamantayang Pangnilalaman :
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang
teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap :
Nakasusulat ng isang panimulang
pananaliksik sa mga penomenang kultural
at panlipunan sa bansa
Pinakamahahalagang mga Kasanayan :

Natutukoy ang paksang


tinalakay sa iba’t ibang
tekstong binasa
Pinakamahahalagang mga Kasanayan :

Natutukoy ang
kahulugan at katangian
ng mahahalagang
salitang ginamit ng iba’t
ibang uri ng tekstong
binasa
Pinakamahahalagang mga Kasanayan :

Naibabahagi ang
katangian at kalikasan
ng
iba’t ibang tekstong
binasa
Pinakamahahalagang mga Kasanayan :

Nakasusulat ng ilang
halimbawa ng iba’t
ibang uri ng teksto
Handa na
ba kayo?
TEKST
Suriin ang isang halimbawang

O
Malaya man ngunit sulit ang tatlong oras na
biyahe mula Puerto Princesa City papunta sa
Munisipyo ng Quezon na matatagpuan sa
timog ng Palawan.
Mula naman sa mismong bayan,maari mong
lakbayin sa pamamagitan ng bangka o sasakyan para
makarating sa Tabon Cave Complex. Napalilibutan
halos ng dagat ang lugar kung saan natagpuan ang
mga labi ng sinaunang tao sa Pilipinas.
Napakalaki at napakalawak ng Tabon Cave
Complex. Maraming mga kuweba at nababalot ng
dilim ngunit nagliliwanag naman ang iniwan
nitong kasaysayan.
Pansinin ang mga
sumusunod na salita na
nabanggit kanina sa talata.
Malayo
Napalilibutan
Napakalaki
Napakalawak
Nagliliwanag
Nababalot
Ano ang mga salitang ito?
Tekstong
Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
• Ito ay isang uri ng tekstong
naglalarawan na gumagamit ng
mabisang pananalita upang
mahikayat ang isang mambabasa
Tekstong Deskriptibo
• Ito ay tekstong naglalarawan ng
mga bagay at pangyayari.
• Ito ay maaring Obhetibo o
Subhetibo.
Dalawang Barayti
TEKSTONG
DESKRIPTIBO
Subhetibo
• Ito ay nakabatay sa malawak na
imahinasyon ng may akda subalit
ang pakiramdam mo ay ito ay
totoong-totoo.
Si Blythe ay magandang binibini,
nakabibighani ang mga ngiti, at may
mga matang nangungusap sa mga
nakakasalamuha. Maaliwalas ang
kanyang mukha na bubungad nang
matiwasay at nakakukuha ng atensiyon
at tiwala ng iba.
Obhetibo
• Ito ay paglalarawan na nakabatay
sa katotohanan o mayroong
pinagbabatayan ng datos
Napakaganda ng Coron
matatagpuan dito ang
malinaw na mga lawa,
matataas na porma ng mga
bato, napakalinaw na tubig at
napalilibutan din ng puting
buhangin
Ilang Uri ng
TEKSTONG DESKRIPTIBO
na bahagi ng Iba pang Teksto
Paglalarawan sa Tauhan
•Ito ay paglalarawan sa
pisikal na kaanyuan, kilos,
at gawi ng pangunahing
tauhan.
Masaya si Kyle sa muling pagbabalik ng
klase. Hindi niya alintana ang hamon ng
edukasyon. Siya ay masipag sa pagsagot
ng mga aralin. Naksanayan na niyang
magtanong direkta sa mga guro kapag
may hindi naunawaan. Tuwang-tuwa
naman ang mga magulang niya sapagkat
nakikitaan nila ng sipag at tiyaga ang
kanilang anak.
Paglalarawan sa Damdamin
•Ito ay naka-pokus sa
damdamin o emosyon ng
pangunahing tauhan.
Mahalagang mailarawan ito
ng mabisa upang mapukaw
ang atensiyon ng mambabasa.
Hindi mapigilang mapalundag ni
Kyle nang malamang mataas ang
kanyang nakuhang marka. Kitang
kita ang galak sa kanyang mukha at
hindi mapatid na ngiti sa mga labi.
Espesyal ito para kay Kyle sapagkat
marami mang hamon sa kanyang
buhay ay nakamit niya ang mataas na
marka.
Paglalarawan sa Tagpuan
•Dito ay inilalarawan ng
manunulat ang lugar o
panahon ng isang akda.
Magiging mabisa ang
paglalarawan kung gagamitin
ang paningin, pang-amoy,
pangdamdam, at panglasa.
Sa maliit na kuwarto ni Kyle,
mapapansing puno ng papel sa dingding.
Isinusulat niya ang mga aralin at
pinapaskil ito. Kasama rin niya sa
kuwarto ang mga libro na nakalihera nang
maayos sa kanyang mesa. Nariyan din
ang tasa na kulay pula na nilagyan ng
balpen at lapis. Mararamdaman sa loob
ng munting silid ang pagsisikap ni Kyle
na makapagtapos ng pag-aaral.
Paglalarwan sa Isang
Mahalagang Bagay
• Ang ay akda ay pumapaksa sa isang
bagay na nagbibigay kahulugan sa
kabuuan ng isang kwento o
pangyayari. Ito ay inilalarawan
gamit ang mga salita na nagbibigay
kahulugan nito.
Makapangyarihan ang libro ni
Kyle. Ito ang sandata niya para
matuto at mapayabong ang
kaalaman sa eskwelahan.
Nagsisilbing tulay ni Kyle ang
libro upang tuklasin ang
maraming kaalaman sa iba’t
ibang aralin.
Paglalarawan sa Tagpuan
•Dito ay inilalarawan ng
manunulat ang lugar o
panahon ng isang akda.
Magiging mabisa ang
paglalarawan kung gagamitin
ang paningin, pang-amoy,
pangdamdam, at panglasa.
Mga Dapat Tandaan
sa Pagsulat ng
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Panimula
•Dito inilalahad ang magiging
paksa ng paglalarawan at
kailangang mapukaw nito ang
atensiyon ng mga mambabasa.
Panimula
•Nakakaintrigang Tanong
•Mga datos
•Nakakabiglang Pahayag
•Kwento
•Paglalarawan ng Paksa
Malaki ang nagging bahagi ng Tabon Cave
Complex sa kasaysayan ng bansa. Ang mga
labi at artifacts na natagpuan dito ay
nagsilbing tulay upang matuklasan na may
mayamang kultura
ang mga Pilipino. Bago pa man
dumating ang mga mananakop
Mga detalyeng pandama
•Ang sanaysay ay ay mga
detalyeng nasa sensory tulad
ng:
panlasa, pandama,
pakikinig, pagtingin, at pag-
amoy.
Sa Crocodile Farm sa Palawan naghahain sila
ng karne ng buwaya. Mayroong sausage,
tocino, tapa, sisig at teriyaki. Hindi nalalayo
ang lasa nito sa karne ng
baboy at manok. Ito ay may
pahintulot sa gobyerno
sapagkat ang mga buwaya
na ginamit dito ay galing
mismo sa crocodile farm.
Pagpili ng Salita
• Gumamit ng mga salita o
pangungusap na naglalarawan na
magbibigya ng pagkakataon sa
mga mambabasa na makita ang
imahe nito. Kailangang ang mga
salita ay wasto, natural, at hindi
pinilit.
Masayang magtampisaw sa
mababaw na bahagi ng
malinaw na lawa ng
Kayangan sa Coron
Paggamit ng Tayutay
• Maaaring gumamit sa
pangungusap ng pagtutulad,
pagwawangis, at
personipikasyon, sa maayos at
nauunawaang paraan.
Pagtutulad

“Parang kristal ang


tubig sa lawa ng
Kayangan sa
Coron.”
Pagwawangis

“Kristal sa linaw ang


tubig ng lawa ng
Kayangan sa Coron”
Personipikasyon
“Niyayakap ako ng
napakalinaw na tubig
ng lawa ng Kayangan
sa Coron.”
Ekstruktura ng Pangungusap
• Ang mga pangungusap ay
maayos na binalangkas at may
iba’t ibang kayarian.
Gramatika, Pagbaybay, at Pagbabantas
• Nasusunod ang wastong
gramatika sa Filipino. Maayos
din ang pagbabaybay ng mga
salita, gamit ng malalaki at
maliliit na titik at pagbabantas sa
mga pangungusap.
Pagbubuod ng
Aralin
Tekstong DESKRIPTIBO
• Kahulugan ng Tekstong Deskriptino
• Dalawang Barayti ng Deskripsyon o
Paglalarawan
• Mga Uri ng Tekstong Deskriptibo
• Mga Katangian ng Mabisang
Tekstong Deskriptibo
Pagtataya
(Gawaing
Pangkalahatan)
Panuto:
Tukuyin kung aling uri ng tekstong impormatibo
napapaloob ang mga pahayag. Isulat ang inyong sagot
sa ¼ na papel.

a. Paglalarawan sa tauhan
b. Paglalarawan sa damdamin
c. Paglalarawan sa Tagpuan
d. Paglalarawan sa isang Mahalagang Bagay
Malalim ang iniisip. Hindi
mapakali. Tinatanaw ni Kyle ang
kawalan sa kanyang silid.
Namumuo ang butil ng luha sa
kanyang mga mata. Naiisip na ang
masasayang araw na nakapaglalaro
kasama ang kanyang mga kaibigan.
May dalawang kuwarto sa bahay nila
Kyle. Ang isa ay para sa kanyang mga
magulang at ang isa naman ay para sa
kanilang limang magkakapatid.
Naglagay ng maliit na mesa si Kyle sa
isang kanto ng kanilang kuwarto para
doon mailagay ang mga libro. Pinaskil
naman niya sa dingding sa tapat ng
kanyang mesa ang mga aralin na
nakasulat sa malaking papel.
Naging malaki ang gampanin ng
bisikleta ni Kyle sa kanyang buhay.
Ito ang nagsisilbi niyang sasakyan
upang mabilis na makarating sa
paaralan. Kasama na niya ito sa
maraming panahon ng kanyang
buhay. Ngayon ay pinagmamasdan na
lamang niya ito habang ligtas na
nakatabi sa likod ng kanilang bahay.
Malaki ang tiwala ng mga
magulang ni Kyle sa kanya. Siya
ay masipag sa pagsagot ng mga
aralin na ibinibigay ng mga guro.
Gabi-gabi mang napupuyat si Kyle
ngunit hindi mo siya kakikitaan ng
pagrereklamo.
Pumasok sa kuwarto si Kyle.
Hawak niya ang mga libro para sa
aralin ngayong lingo. Umupo siya
sa kanyang mesa na hugis
parisukat at inisa-isa itong basahin.
Agad niyang kinuha ang
kuwaderno at papel upang mapag-
aralan ang mga ito sa maliit niyang
silid.
Awang-awa si Kyle sa kanyang ama
na nawalan ng trabaho dulot noong
pandemya. Imbes na malungkot,
nag-isip siya ng paraan upang

6
makatulong. Hindi niya ipinakita sa
kanyang mga magulang at mga
kapatid ang emosyon, bagkus
tumulong pa siya sa kanilang maliit
na negosyo na sinimulan nila ng
kanyang ina.
Maasahang panganay, ganyan
kung ituring si Kyle ng kanyang
mga magulang. Siya ang
nagiging katuwang ng kanyang

7 ama at ina para makapaglako ng


panindang kakanin sa mga
kapitbahay. Masipag din siya sa
pagtulong sa kanyang ina sa mga
gawain sa bahay.
May maliit na espasyo sa harap ng
bahay ni Kyle. Pinuno ito ng
pananim na gulay ng kanyang ina.
Mayroong pechay, kangkong, sili at

8
kalamansi. Katwiran ng kanyang
ina. Malaking kabawasan na rin ito
sa kanilang pang-araw-araw na
gastusin kung pipitasin na lang sa
kanilang munting hardin ang
kanilang kakainin.
Habang hawak ni Kyle ang libro,
napagtanto niyang ito ay
sumasalamin sa hirap at

9
sakripisyo ng kanyang mga guro
sa paaralan. Ang libro na ito ang
binuong sandata ng kanyang
mga guro upang tuklasin ang
maraming kaalaman.
Si Kyle ay panganay sa limang
magkakapatid. Siya ay nasa
Senior High School na. Bilib na
bilib sa kanya ang mga guro
10 sapagkayt nagagawa pa niyang
makatulong sa kanyang mga
magulang sa pagtitinda ng
pagkain.
MGA TAMANG
KASAGUTAN
1. B 8. C
2. C 9. D
3. D 10. A
4. A
5. C
6. B
7. A
Pagtataya
(Gawaing Sulatin)
Panuto:
• Sumulat ng isang halimbawa ng tekstong
deskriptibo na hindi bababa sa limang talata.
Umisip ng paksa na malapit sa inyong
puso.Sigurohin lamang na ito ay papasok sa
tiyak na uri ng tektong deskriptibo.
Pamantayan sa Pagtataya:
1.Panimula - 4 puntos
2.Mga Detalyeng Pandama - 4 puntos
3.Pagpili ng Salita - 3 puntos
4. Paggamit ng Tayutay - 3 puntos
5. Estruktura ng Pangungusap - 3 puntos
6. Gramatika, Pagbabaybay at Pagbabantas – 3 puntos
KABUUAN 20 PUNTOS
Panalanging
Pangwakas

You might also like