Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

8

Mayaman ang India sa kultura at paniniwala.


Pinaniniwalaan ng bansang ito ang kagandahan,
katotohanan, at kabutihan. Naniniwala sila na pinagpala ng
Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang ayon sa
kanilang lipunan. Napakarami rin nilang mga tradisyon.
Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago
ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito
ang pumukaw sa interes ng mga dayuhang manlalakbay.
Malimit na nababasa ang mga kultura nila sa kanilang
epiko. Bago mo basahin ang halimbawa ng epiko ng India,
alamin mo muna ang mga pangunahing katangian ng epiko.
ANO NGA BA ANG
EPIKO?
EPIKO
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay
ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos at diyosa.
Ang paksa ng epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na
nangangahulugang "awit" ngunit ngayon ito'y
tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Mga epiko ng Pilipinas: Biag ni Lam-ang.
Hudhud at Alim, Ibaloy. Ullalim, Ibalon,
Maragtas, Hinilawod, Agyu, Darangan.

Mga Epiko sa Ibang Bansa: Iliad at Odyssey ng


Gresya, Siegried ng Alemanya, Kaleva ng
Pinlandiya, Ramayana at Hiawatha ng India,
Kasaysayan ni Rolando ng Pransiya, Beowulf
ng Inglatera, El Cid ng Espanya, Epiko ni
Haring Gesar (Tibet).
Gaya ng ibang akdang ang epiko ay binubuo rin ng
ibang elemento. Ilan sa mga elementong ito ay ang
tauhan, tagpuan, banghay at mensahe. Ang tauhan ang
mga kumukilos sa epiko upang ang mga pangayayari
dito ay mabigyan ng buhay. Ang tagpuan naman ay ang
oras at lugar na pinangyarihan ng mga pangyayari. Ang
maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
isang epiko ay tinatawag na banghay. Higit sa lahat sa
tuwing nagbabasa tayo ng isang epiko, nakapupulot
tayo ng mga magandang-aral. Ang aral na ito ay ang
SALAMAT
SA
PAKIKINIG

You might also like