Review Test in Filipino

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 57

Review Test in

Filipino
LYCALYN B. CABILLO
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit mula sa pangungusap.
1. Pahiram naman ako ng pantablay ng
cellphone mo naubusan na kasi ng
baterya ang cellphone ko.
A. charger B. Headset
C. Flask drive D. connector
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit mula sa pangungusap.
2. Naku! nakabangga daw yung
batlag na bago mong bili dun sa may
kanto!
A. Motorsiklo B. Kotse
C. Bus D. Traktora
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit mula sa pangungusap.
3. Gusto ko sanang bumili ng pang-ulong
hatinig subalit hindi ko naman alam kung
saan yan mabibili.
A. charger B. headset
C. flask drive D. connector
Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may
salungguhit mula sa pangungusap.
4. Ang hirap gumamit ng abaniko’t
lalo nasanay ako sa electric fan.
A. panyo B. sombrero
C. Pamaypay D. Alampay
5. Sino ang kilala bilang pinakamahusay sa
pagkukuwento ng katatawanan sa bansang Persia. Libo-
libong kuwento ng katatawanan ang naiambag niya sa
kanilang lipunan.
A. Saadi B. Liongo
C. Sundiata D. Mullah Nassreddin
6. Ano ang tawag sa paghahambing ng
dalawang bagay na kapwa nagtataglay ng ilang
mahahalagang aspekto?
A. analohiya B. sanaysay
C. tuwiran D. di-tuwiran
7. Ano ang pahayag na may
pinagbabatayan at may ebidensiya kaya’t
kapani-paniwala?
A. Tuwirang Pahayag B. Pagsasalaysay
C. Di-Tuwirang Pahayag D. Balita
8. Sino ang mapagkakatiwalaang kawani sa
Ggogombola Headquarters at may
paniniwalang hindi para sa kanya ang
pagreretiro?
A. Kibuka B. Musisi
C. Miriamu D. Yosefu
9. Ano ang maikling kathang pampanitikang
nagsasalaysay sa araw-araw na buhay na may
isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at may
isang kakintalan?
A. maikling kuwento B. dula
C. nobela D. tula
10. Saan nagmula ang anekdotang
Mullah Nassreddin?
A. Persia B. Saudi Arabia
C. Iraq D. Kenya
11. Ano ang tawag sa isang kuwento ng
isang nakawiwili at nakakatuwang
pangyayari sa buhay ng isang tao?
A. Maikling Kuwento B. Anekdota
C. Mitolohiya D. Sanaysay
12. Ano ang tawag sa isang morpema na
ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo
ng isang bagong salita o mga salita?
A. panghalip B. pandiwa
C. pang-abay D. panlapi
13. “Hindi alam ni Rudy na mali ang pinasok
niyang trabaho.” Anong salita sa pangungusap
ang may panlapi?
A. alam B. mali
C. pinasok D. trabaho
14. Kapag nilagyan ng mga panlaping sa- at
-in ang salitang -ugat na “sambit”, ano ang
magiging bagong kahulugan nito?
A. sinabi B. sinasabi
C. sasabihin D. sinasabihan
15. Ano ang isa sa mga mapagkukunan ng
paksa na mula sa imahinasyon, katotohanan
man o ilusyon na maaaring makalilikha ng isang
salaysay?
A. nabasa B. napanood
C. narinig D. likhang-isip
Para sa bilang 16-17

Ang ilaw na iyang maganda sa mata


Na may liwanag nang kahali-halina
Dapat mong layuan, iyo’y palamura
Pinapatay bawat malapit sa kaniya
16. Ano ang sinisimbolo ng ilaw sa
saknong ng tulang binasa?
A. bisyo B. panghihikayat

C. tukso D. kayamanan
17. Anong damdamin o saloobin ng
persona sa tula?
A. nag-aanyaya B. nagbababala

C. nangangako D. nagpapayo
18. Tinatapos mo ang huling saknong ng isinusulat
mong tula. Anong matatalinghagang pananalita
ang iyong ilalapat kung nais mong ipahiwatig ang
salitang masipag?
A. bukas-palad B. kapos-palad
C. sawimpalad D. makapal ang palad
19. Marami ang nag-aagawan ng upuan
sa gobyerno. Ano ang kahulugan ng
upuan sa pangungusap?
A. posisyon B. silya
C. pahingahan D. kapangyarihan
20. Ginawang siper ang bibig sa nakasaksi
ng pangyayari. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. nakasarado B. madaldal
C. humusga D. nagbingibingihan
21. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan
sa “mabuting pagsasamahan”?
A. pagkakaintindihan C. pagiging masipag
B. paggalang sa ibang tao D. pagdadamayan
22. Alin sa mga pagpipiliang salita ang
may kaugnayan sa dakilang pag-ibig?
A. pagkakaintindihan C. pagmamahalan
B. paggalang D.
Pagsasakripisyo
23. Ano ang kaugnayan ng "tagumpay" sa "pag-
asa"?
A. Pangarap B. Pag-asam
C. Pagpupunyagi D. Ambisyon
24. Ano ang pinakamainam na deskripsyon sa kahalagahan ng akda sa
sarili?
A. Ito ay nagbibigay ng aliw at libangan sa mga mambabasa.
B. Nagtuturo ito ng mga aral at moralidad sa lipunan.
C. Binibigyan nito ng bisa ang mga batas at regulasyon sa isang bansa.
D. Nagpapakita ito ng personal na pagpapahalaga at karanasan ng
may-akda.
25. Paano nakakatulong ang akda sa paghubog ng kamalayan sa
lipunan?
A. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng personal na opinyon ng may-
akda
B. Sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng individualismo
C. Sa pagpapakita ng mga isyu at suliranin na kinakaharap ng lipunan
D. Sa pagpapalaganap ng fake news at disinformation
Para sa bilang 26-29
“LIONGO”
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying- dagat ng


Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata
sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante at hindi
nasusugatan ng anumang mga armas. Ngunit, kung siya’y tatamaan ng karayom
sa kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si Liongo at ang kaniyang inang
si Mbwasho ang nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at
Shangha sa Faza o isla ng Pate.
26. Sa mitong Liongo, ano ang ibig sabihin o pinagmulan
ng matrilinear?
A. Pamamahala ni Liogo sa Faza
B. Pamamahala ng mga kabataan
C. Pakikipaglaban ni Liongo laban sa gala
D. Pamamahala ng kababaihan sa pagsasalin ng trono
27. Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa mitong Liongo?
A. Huwag agad magtitiwala sa iba, baka ang taong nakapaligid sa atin, sila pa ang
dahilan ng ating pagkasira.
B. Tayong mga Pilipino ay likas na mapagmahal sa ating pamilya, handing
tumulong lalo na sa panahon ng problema.
C. Ang malapit na relasyon sa pamilya ay isang likas na katangian na tipikal sa
pamilyang Pilipino.
D. Ang mga nakagisnan nating Pilipino na madali tayong magtiwala lalo na sa
sa ating sariling kadugo ngunit sa huli tayo pa ang mapapahamak.
28. Batay sa akdang pinamagatang “Liongo” anong
kultura ang ipinakita ng mga tauhan?
A. Traydor sa kalaban
B. Pagpapahalaga sa kapangyarihan
C. Paglilihim ng taglay na kapangyarihan
D. Paggamit ng agimat upang magtagumpay
29. Anong kaisipan ang nais bigyang- pansin sa akdang Liongo?
A. Ang kapangyarihan na nakamit sa di makatuwirang paraan
ay nawawala sa gayunding kaparaanan.
B. Ang kapangyarihan ng tao ay di maaaring maagaw ninuman.
C. Maaaring magtraydor ang sariling anak sa kaniyang ama.
D. Itinatago ng ina ang lihim ng sariling anak.
30. Ayon kay Mandela, “A winner is a dreamer who never
gives up”. Ano ang tamang pagkakasalin sa pahayag
na sinalungguhitan?
A. Nananalo ang taong hindi sumusuko sa kanyang mga
pangarap
B. Magtatagumpay ang taong magsisikap sa buhay
C. Aahon sa hirap ang taong may pangarap
D. Magpupursigi para sa mga pangarap
31. Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-
unang pamantayan na dapat isaaalang-alang sa
pagsasalin?
“Love excuses everything believes all “Mapagpatawad ang pag-ibig,pinaniniwalaan
things, hopes all things, endures all ang lahat ng bagay,puno ng pag-asa sa mga
things”. bagay,nakakaya ang lahat ng bagay.”

A.Basahin ng paulit-ulit
B.Tingnan ang bawat salita sa isinasalin
C.Ikumpara ang ginawang salin
D.May sapat na kaalaman sa dalawang wikang
kasangkot
Para sa bilang na 32-33
ALANGANING DALAW
Minsan kadudulog pa lamang ni Lieblings, isang tanyag na musikero, sa hapag kainan nang
may isang panauhing dumating.
“Naririto si Ginoong X, na inyong kaibigan,” pagbabalita ng utusan. Gayon na lamang ang
pagkayamot ng naabalang musikero at padarag na sinabi,“Napakaalanganin naman ng oras ng
dalaw na iyan. Dalhin mo siya sa sala upangdi mainip.”
Matapos ang isang masaganang hapunan, tinungo ni Lieblings ang kinaroroonan ng kaibigan.
“Naku, dinaramdam kong napaghintay kita, pero laging eksaktong alas siyete ang aming
hapunan.”
“Alam ko,” ang tuyot na pakli ni Ginoong X, “katunayan, iyan ang sinabi mo sa akin nang
anyayahan mo akong maghapunan dito sa inyo ngayong gabi.”
32. Batay sa binasang anekdota, tama ba ang naging
pasiya ng musikero na ipagpatuloy ang kaniyang
hapunan bago harapin ang panauhin?
A. Oo, sapagkat hindi siya dapat malipasan ng gutom.
B. Hindi, sapagkat hindi mainam na paghintayin ang
panauhin.
C. Hindi, sapagkat baka maaaring mahalaga ang sadya
ng panauhin.
D. Oo, sapagkat ang pagkain ng hapunan sa ganap na
alas siyete ng gabi ay kaniyang nakagawian.
33. Anong aral ang iyong natutuhan sa anekdotang binasa?
A. Tanggapin nang maayos ang mga panauhin.
B. Iwasan ang pagbabalat-kayo, ito’y hindi mabuting gawa.
C. Hindi mabuting unahin ang pansariling
pangangailangan.
D. Tulungan nang taos-puso ang nangangailangan.
“Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka
nanghumulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay gamit namin sa pagpasok
atpagpunta sa mga lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay
hindinararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng
aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko ang aking isa
pangtsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat kasama ang dasal na mahabol
nito ang kapares na tsinelas.
Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal
34. Kung susuriin ang binasa, anong katangian ng isang mahusay na
pagsasalaysay ang taglay nito?
A. Ito ay napapanahon.
B. Mahusay ang sumulat.
C. Kawili-wili ang paraan ng pagkakasulat.
D. Pangyayari ng mga karanasang magkakaugnay sa pinakamasining na
paraan ng pagpapahayag.
35. Sa bahagi ng kuwentong binasa, anong aral
ang nais iparating nito?
A. katapatan sa bayan
B. pagpapahalaga sa kapwa
C. pagpaparaya para sa kapakanan ng iba
D. mahusay na pakikitungo sa kapwa kabataan
36. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang nagpapakita ng tamang pagdedesisyon
bilang paghahanda ng magandang kinabukasan?
A. “Ibig kunin niya ang maikli-ikling kurso nang makatapos kaagad”
B. Mabuti na nga na kunin niya nang buo ang kurso at saka siya kumarera
C. Bahala na ang aking anak kung ano ang gusto niya maging sa hinaharap
D. “Higit na magiging mayabong ang kanyang kinabukasan kung dito lamang
siya sa bukid”
Para sa bilang 37-38.

Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat


Magkaroon nawa ng kapayaan para sa lahat
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig at asin para sa
lahat.
Malaman nawa ng bawat isa na ang katawan, ang isip, at ang
kaluluwa ay dapat
lumaya upang mabigyan kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Halaw mula sa talumpati ni Nelson Mandela: Bayani ng Africa
37. Batay sa binasang pahayag, anong kaisipan ang nais
iparating ng may-akda sa mga mamamayan ng South Africa?
A. Ang magkaroon ng kalayaan ang kanilang bansa.
B. Maging masagana ang kanilang pamumuhay
C. Magkaisa ang lahat ng mamamayan
D. Umunlad ang kanilang bansa
38. Bakit kaya iyan ang mga katagang binitawan ni Nelson Mandela sa
kanyang talumpati?
A. Dahil nais niyang gisingin ang damdamin ng mga taga- Africa
B. Dahil nais niyang malaman ng mga taga- Africa ang kanyang
nararamdaman
C. Dahil nais niyang tumulong sa mga taga- Africa
D. Dahil nais maging maunlad ang bansang Africa
Para sa bilang 39-40.

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami


kaysa kaniyang sarili. Nang mawala ang aming ama,
ganoon na lamang ang pag-aalaala namin sa kaniya,
inaakala ko na manghihina ang kanyang katawang
pisikal at ispiritwal subalit nananatili siyang matatag at
nakakapit sa Diyos.
39. Anong uri ng ina ang masasalamin sa talata?
A. Malulungkutin , subalit matatag.
B. Nangungunsinti sa kakulangan ng mga anak.
C. Mapagbigay para sa pangangailangang pisikal ng anak.
D. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa
Diyos.
40. Ano ang maaaring maging bunga ng pagkakaroon ng
pananampalataya sa Diyos ng isang ina?
A. katatagan ng buong pamilya
B. pamumuhay ng masaganang materyal
C. panghihina ng espiritwal na aspeto
D. maraming pagsubok sa bawat miyembro ng pamilya
41. “Ngunit karamihan sa opinyon ng tao, nakakatulong
ang pag-inom ng alak na nakakaadik at nakalalasing
upang mabawasan at makakalimutan angproblema.
Kadalasan namang kuro-kuro, ang pag-inom ng alak ay
ginawang libanggan ng tao ngunit ayon sa limitadong
paraan ay unti-unting sinisira ng nakakaadik at
nakakalasing na alak ang kinabukasan ng isang
indibidwal. Anong uri ng pahayag ang ginamit mula sa
pahayag na ito.
A. tuwiran B. di-tuwiran C. tudling D. Taludtod
42. Ano ang antas ng damdamin na
ipinahahayag sa pahayag na
"Napakalungkot ng aking puso sa iyong
paglisan"?
A. Pagkasuklam B. Hinanakit
C. Pagmamahal D. Pag-aalala
Para 43-45, Tukuyin kung anong uri ng pahayag ang mga sumusunod. Itiman
ang A kung ito ay tuwirang pahayag at B naman kung Di-tuwirang pahayag.

43. Sinabi ni Nelson Mandela na


ang mga nananalo ay isang
nagmithi na hindi nawalan ng
Pag-asa.
44. Ayon kay Confucius na ang ating
buhay ay talagang simple, pero tayo
ang siyang nagpapakomplikado rito.
45. "Ang pagsususmikap at pagpipilit na
kumita ng ikabubuhay ay nagpapahayag
ng tunay na pagmamahal sa sarili, asawa,
kapatid at kababayan",
- Andres Bonifacio.
Para sa 46-48,
Analohiya: Pumili ng dalawang pares ng mga salita
na may magkakatulad na ugnayan
46. Araw: Buwan: : _______: _____
A. Puno: Bato B. Kape: Tsaa
C. Malamig: Mainit D. Kailan: Saan
Para sa 46-48,
Analohiya: Pumili ng dalawang pares ng mga salita
na may magkakatulad na ugnayan
47. Puno: Halaman: : ____________:____________
A. Sipag: Luha C. Kandila: Ilaw
B. Magtanim: Mag-ani D. Magbasa:
Magsulat
48. Barya: Pera: : _______________: ____________
A. Prutas: Gulay C. Paaralan: Estudyante
B. Kasaysayan: Kultura D. Bahay: Lote
Para sa bilang 24-25, Iayos ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin.
Pinakamababa hanggang pinakamataas.

1-galit 2-poot 3-inis 4-asar

49. Alin sa sumusunod ang tamang ayos ng mga salita ayon sa


tindi ng damdamin.
A. 1, 2, 3, 4 B. 2, 3, 1, 4
C. 4, 3, 1, 2 D. 3, 2, 4, 1
1- Hapis 2- lungkot 3-pighati 4-lumbay

Alin sa sumusunod ang nasa tamang ayos ayon sa tindi damdamin?


A. 1, 3, 4, 2 B. 1, 4, 3, 2
B. 2, 3, 1, 4 D. 2, 1, 3, 4

You might also like