Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 120

Pagpaplano ng

Masustansiyang
Pagkain
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
Ikatlong Markahan, Ikaanim na Linggo
Unang Araw
Learning
Competency
Naisasagawa ang pagpaplano at pagluluto ng
masustansiyang pagkain (almusal, tanghalian, at
hapunan) ayon sa badyet ng pamilya
EPP5HE-0i-24
Piliin sa kahon ang tinutukoy salita sa bawat
pangungusap.
1. Dami ng taong bumubuo rito.
2. Masarap kumain ng may sabaw at mainit sa
panahon ng tag-lamig.
3. Ginagawa ito upang magkaroon ng sapat na
panahon sa paghahanda.
4. Dito nakasalalay ang halagang iuukol sa
pamimili ng pagkain at uri ng pagkain.
5. Kailangan marunong pumili ng
masustansiya at murang pagkain ang
nagbabalak ng pagkain ng mag-anak.
Basahin ang talatang nasa ibaba at bigyang pansin ang mga
ginawa ng nanay.
Kinagabihan bago mamalengke ang Nanay, nagbabasa siya ng
aklat tungkol sa paghahanda ng pagkain. Nabasa niya ang
tungkol sa paggamit ng meal pattern at nagustuhan niya ito.
Agad-agad na kumuha siya ng bolpen at papel at nagtala ng
mga masustansiyang pagkain ayon sa kaniyang nabasa.
Tinitingnan niya ang kanyang badyet kung paano
ito pagkakasyahin. Naglaan siya nang kaunting
pera para sa matatamis at maaalat na pagkain.
Kinabukasan, pumunta siya nang maaga sa
palengke para makapamili ng sariwa at
masustansiyang pagkain.
1. Tungkol saan ang aklat na binabasa ni nanay?
2. Gaano kahalaga ang meal pattern para sa
pagplaplano ng pagkain?
3. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkain
ng masustansiyang pagkain?
Ang mga pagkaing masusustansiya tulad ng prutas,
gulay at gatas ay napakahalaga sa pagpaplano sa
pagluluto upang maibigay ang wastong nutrisyon sa
mga kasapi ng pamilya. Kaya naman, ang aralin
ngayon ay tungkol sa pagpaplano sa pagluluto ng
masustansiyang pagkain.
Paano magplano sa
pagluluto ng
masustansiyang pagkain?
Paano ang pagpaplano ng pagkain para sa pamilya? Ang
pagpaplano ng pagkain sa pamilya ay isang kasanayang dapat
pag-aralan. Maraming salik ang dapat isaalang-alang tulad ng
bilang ng mga taong kakain, kalusugan o pangangailangan ng
katawan, edad o gulang, badyet para sa pagkain at oras sa
paghahanda. Magiging matagumpay ang pagpagpaplano kung
isaisip rin ang mga sumusunod na salik.
Mga Salik sa Pagpaplano ng Masustansiyang Pagkain
Para sa Pamilya
1. Alamin ang uri ng sustansiya na kailangan ng ating
katawan. Gaya ng fats, Carbohydrates, Protein,
Vitamins and Minerals. Ito ay mga mahahalagang
sustansiya na kinakailangan ng ating katawan.
2. Isaalang-alang ang Tatlong Pangkat ng Pagkain:
Go Foods – ito ay mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya sa
katawan tulad ng fats at carbohydrates. Halimbawa nito ay
kanin, mga pagkaing may starch at mga bungang-ugat. Grow
Foods – ito ay mga pagkaing mayaman sa protina at
tumutulong ito sa paglaki at pag-unlad ng mga buto at
kalamnan. Halimbawa nito ay gatas, karne, isda at itlog.
Glow Foods – ito ay mga pagkaing pananggalang sa sakit
at impeksyon tulad ng prutas at gulay. Vitamins at
Minerals ang sustansiya na dulot nito. Kung nais ng
pamilya na manatiling malakas at malusog, kailangang
kumain ng mag-anak ng mga pagkaing nasa tatlong
pangkat. Dapat gamitin din itong gabay sa pagbabalak at
paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.
3. Talaan ng Putahe (Menu Pattern) - dito makikita ang mga
pagkain na dapat ihanda. Sa agahan, unang isusulat ang prutas
bago ang pagkaing mayaman sa protina kasunod ang kanin at
inumin. Sa pananghalian at hapunan ay nauuna ang pagkaing
may sabaw, kasunod ang pagkaing mayaman sa protina, gulay,
kanin, at prutas. Magagamit ito para sa paghahanda ng mga
kagamitan sa pagluluto, tinitingnan kung napapanahon ba ang
sangkap na kailangan sa pagluluto.
4. Pagsunod sa resipe - mahalaga ito upang masunod ang
paraan sa pagluluto at tamang dami ng sangkap upang
makuha ang inaasahang templa.
5. Kailangang tatlong beses maghanda ng pagkain: Agahan-
Ito ang pagkain na unang inihain sa loob ng isang araw at
hindi dapat ipagpaliban dahil sa mahabang oras na walang
laman ang tiyan sa buong magdamag.
Ihahain ito mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga. Tingnan ng
maigi ang mga sustansiya na kailangan ng katawan ay taglay sa
ihahanda na pagkain para sa agahan. Tanghalian- sa
paghahanda ng tanghalian tingnan kung ang mga pagkain ay
nabibilang sa tatlong pangkat ng pagkain: Go, Grow at Glow
upang makuha ang tamang sustansiya na kailangan ng
katawan. Inihain ang tanhalian mula 11:00 hanggang 1:00 ng
hapon.
Bahagi ng tanghalian ang sabaw, kanin, ulam,
na sagana sa protina, gulay at himagas.
Hapunan- Inihain mula 5:30 ng hapon
hanggang 10:00ng gabi. Katulad din ng
tanghalian ang pattern na ginagamit sa
hapunan.
Panuto: Basahin at suriin ang mga mahalagang salita sa
ibaba. Gamitin ang diksyonaryo sa pagkuha ng
kahulugan. Isulat ito sa kuwaderno. Panuto: Punan ng
tamang titik ang nasa bilang 1-5 upang mabuo ang
mahahalagang salita na tinutukoy nito. Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno. 1. b _ d _ et - Nakalaang pera para
sa paghahanda ng pagkain.
2. t _ ngh _ lian - Inihahain mula 11:00 ng umaga
hanggang 1:00 ng hapon
3. _ ga _ an - Pinakamahalagang pagkain sa buong araw.
4. p _ oti _ a - Sustansiyang taglay sa mga pagkain na
nasa Pangkat Grow.
5. r e _ i p _ - Talaan ng mga sangkap at paraan sa
pagluluto.
Bakit mahalagang maghain
ng mga masusustansiyang
pagkain sa hapag-kainan?
Ano-ano ang mga salik sa
pagpaplano ng masustansiyang
pagkain para sa pamilya?
Panuto: Basahin at suriin ang mga
kaisipan sa ibaba. Iguhit sa kuwaderno
ang hugis puso kung wasto ang
kaisipan at hugis araw ☼ kung hindi.
__________ 1. Iba-iba ang pangangailangan sa pagkain
ng bawat miyembro ng maganak ayon sa gulang,
kalusugan, kasarian, at uri ng gawaing
ginagampanan.
__________ 2. Kailangan ng mag-anak ang malaking
badyet para sa pagkain upang matugunan ang kanilang
pangangailangan.
__________ 3. Ang agahan ay mahalaga bago magsimula
sa maghapong paggawa.
__________ 4. Ang huwaran ng pagkain o meal pattern ay
nagsasaad ng mga uri ng pagkaing dapat ihain sa agahan,
tanghalian at hapunan.
__________ 5. Dapat higit na marami ang kinakain sa
hapunan kaysa tanghalian.
Panuto: Mabigay ng limang (5)
kahalagahan ng pagpaplano at
paggawa ng proyekto tulad ng
apron
1.

2.

3.

4.

5.
Ikalawang
Araw
Panuto: Iguhit ang trayanggulo kung ang mga sumusunod na
pagkain ay mainam kainin sa agahan at hugis bilog kung hindi.
_______ 1. daing na may kamatis
_______ 2. kilawin na isda
_______ 3. champorado
_______ 4. ice cream
_______ 5. hinog na papaya
Iguhit ang trayanggulo kung ang mga
sumusunod na pagkain ay mainam
kainin sa agahan at hugis bilog kung
hindi. Iguhit ito sa iyong kuwaderno.
_______ 1. daing na may kamatis
_______ 2. kilawin na isda
_______ 3. champorado
_______ 4. ice cream
_______ 5. hinog na papaya
_______ 6. halu-halo
_______ 7. nilagang itlog
_______ 8. bulalo
_______ 9. pritong isda
_______ 10. tinolang manok
Ang unang larawan ay nagpapakitan ng mga batang
kumakain ng masusustansiyang pagkain. Samantala, ang
ikalawang larawan ay nagpapakita ng mga batang hindi
kumakain ng masustansiyang pagkain. Kaya naman,
napakahalaga ang pagpaplano sa pagluluto at paghahanda
ng masustansiyang pagkain upang maibigay ang wastong
nutrisyon sa mga kasapi ng pamilya.
Huwaran ng Pagpaplano ng Pagkain
Ang huwaran ng pagpaplano ng pagkain ay isang talaan na
nagtataglay ng mga uri ng mga pagkaing-angkop sa almusal,
tanghalian at hapunan . Sa pagpaplano ng kumpletong
pagkain,tiyakin ang bawat isa sa mga pagkain sa tatlong
pangunahin pangkat ay kasama.Upang makatiyak na
maaaring gamitin ang balangkas ng pagkain bilang gabay na
susundin.
Ang mga nasa ibaba ay
balangkas ng pagkain para sa
agahan, tanghalian at hapunan.
MGA SALIK SA PAGPAPLANO NG PAGKAIN
Mahalagang matutunan ang pagpaplano ng pagkain ng mag-
anak sapagkat malaki ang matitipid na lakas, panahon at pera
sa pamimili at paghahanda ng pagkain kung marunong
magbalak.Matitiyak din kung wasto at sapat ang pagkaing
ihahanda para sa mag-anak alinsunod sa pangangailangan ng
bawat kasapi at sa tatlong pangunahing pangkat ng pagkain .
Maraming mga mga bagay ang dapat na isaalang-alang
kapag nagpaplano ng pagkain para sa mag-anak
1. Kabuuan ng mag-anak o dami ng taong bumubuo rito.
2. Gulang at uri ng gawain – ang mga pangangailangan ng
katawan ng bawat kasapi ng mag-anak ang dami ng
sustansiyang kinakailangan ng bawat isa batay sa kanyang
gulang.
Ang mga bata ay nangangailangan ng
higit na masustansiyang pagkain dahil sa
madali silang mapagod at nagagamit ang
kanilang katawan ang sustansiyang
kinakain .
Ang mga may mabibigat na gawain ay higit na maraming pagkain
kaysa sa mga gumagawa lamang sa opisina.
3. Badyet ng mag-anak – nakasalalay dito ang halagang iuukol sa
pamimili ng pagkain at uri ng pagkain. Kahit maliit ang kita
mahalaga pa rin pumili ng masustansiyang pagkain.
4. Sustansiyang kailangan ng bawat kasapi- kailangang marunong
pumili ng masustansiya at murang pagkain ang nagbabalak ng
pagkain ng mag-anak.
5. Kalinangan at pananampalataya- maari ring
batayan ito sa pagbabalak ng pagkaing bibilhin.
6. Lagay ng panahon -masarap kumain ng may
sabaw na mainit sa panahon ng tag-lamig.Kung
panahon naman ng tag-init mainam kumain ng
malalamig na meryenda.
7. Panahon sa paghahanda ng pagkain -maglaan ng
sapat na oras sa pagluluto ng pagkain kung ito ay
palalambutin o kailangang ibabad bago iluto.
8. Kaalaman sa lulutuin o ng mga resipi ng pagkain-
subukan muna ang resipi sa kaunting sangkap upang
malaman kung masusunod ang nais gayahing resipi.
9. Mga kagamitan at kasangkapang gagamitin sa
pagluluto - may mga pagkaing nangangailangan ng
wastong kasangkapan sa pagluluto.
10.Kaalaman sa paggawa ng menu -sundan ang mga
alituntunin sa paggawa ng menu upang makatulong sa
pagbabalak,pamimili at pagluluto ng pagkain.
Gumawa ng isang linggong
pagpaplano ng pagkain. Sundin ang
pormat sa ibaba. Gamitin ang rubriks
bilang batayan.
Pagpapakahulugan:
25-30 = Napakahusay
20-24 = Mahusay
15-19 = Mahusay-husay
10-14 = Nangangailangan pang magsanay at ng
patnubay
Ano ang kahalagahan ng
pagluluto at paghahanda ng
masustansyang pagkain?
Ano-ano ang mga salik sa
pagpaplano ng masustansiyang
pagkain para sa pamilya?
Panuto: Tiyaking tama ang pagkapangkat-pangkat sa mga
pagkain para sa araw ng Lunes at ilagay ang mga ito sa
tamang talaan.
A. pinya
Pritong itlog
Ginisang kanin
Tsokolate
b. spaghetti
tinapay
kanin
c. ginataang monggo
pritong isda
kanin
saging inumin
d. nilagang baka
adobond kangkong
kanin
pakwan
inum
Araw Agahan Tanghalian Hapunan
Ang inyong tahanan ay binubuo ng mga sumusunod :
1. Nanay at tatay
2. Ate at kuya
3. Bunsong kapatid
4. Lola na may edad walampu
Ano ang iyong isaalang -alang sa pagpaplano ng inyong pagkain ?
______________________________________________________
___________
Ikatlong Araw
Panuto: Ilagay ang bilog kung ang pagkain ay
maaaring ihain araw-araw, kung hindi naman.
_______ 1. halu-halo
_______ 2. nilagang itlog
_______ 3. bulalo
_______ 4. prutas
_______ 5. tsokolate
1. Sa palagay mo ba ay dapat silang kumain ng pare parehong
pagkain?
___Oo
___Hindi
2. Dapat bang pareho ang dami ng kanilang kakainin?
___Oo
___Hindi
Kung ang sagot mo sa unang
tanong ay Oo, tama ka! Kung ang
sagot mo sa ikalawang tanong ay
hindi, tama ka!
Ang pagluluto at paghahanda ng
masustansiyang pagkain ay napakahalaga
sa bawat kasapi ng pamilya upang
maging wasto ang nutrisyon at maging
masaya ang bawat isa.
Ano ang kahalagahan ng
pagpaplano ng pagkain ng
pamilya?
Kahalagahan ng Pagpaplano ng Pagkain ng Pamilya
Ang pagpaplano ng pagkain para sa buong mag-anak ay dapat
pagtuunan ng pansin sa lahat ng pagkakataon upang madulutan
sila ng masarap, masustansiya, at sapat na pagkain. 1. Nabibigyan
ng atensiyon ang sustansiyang kailangan ng mag-anak. 2.
Nabibigyang pansin ang mga gusto at ayaw na pagkain nga bawat
kasapi ng mag- anak 3. Nababalangkas nang wasto ang pagkain
ayon sa pangangailangan at kakayahan ng mag-anak.
4. Nagaganit ng maayos ang oras,
enerhiya at mga kagamitan.
5. Ang paghahanda ng pagkain ay
nagiging madali ay kasiya-siya.
Mga Salik sa Pagpaplano ng Pagkain ng Pamilya
• Talaan ng mga Putahe ( Menu Pattern ). Ginagamit ito sa
pagpaplano ng menu upang makabuo ng resipi. Ang traditional na
food based menu pattern ay ang (Agahan, Tanghalian, At
Hapunan )Natitiyak din na ito ay masustansiya at naaayon sa
kalusugan at pangangailangan ng bawat kasapi ng pamilya.
Nagagamit hangga’t maari ang mga kailangan kasangkapan,
napapanahong prutas o gulay at natatantiya ang inaasahang badyet
• Resipi. Ito ang talaan ng mga sangkap at
pamamaraan para sa paghahanda ng isang
lulutuing putahe. Tiyaking kompleto ang mga
gagamiting sangkap.
• Menu. Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming
ihahain sa oras ng kainan.
• Sustansiyang nakukuha sa pagkain. Kailangan
masustansiya ang mga pagkain ihahanda. Mahalagang
bigyan ng pansin ang food pyramid.
• Badyet. Ibabatay ang pagkaing ihahanda sa perang kinikita
ng pamilya. Ang matalinong pagpaplano ay mahalaga. Di
lahat ng pagkain ay kailangan mahal. Maraming pagkain ang
sagana sa bitamina ngunit mura tulad ng gulay.
• Bilang ng Kasapi. Isaalang-alang ang bilang, edad, kasarian ng
bawat kasapi ng pamilya.
• Kagustuhan ng Mag-anak. Mas mainam kung ang pagkaing
ihahanda ay gusto ng mag-anak.
• Oras ng gugugulin sa paghahanda. Mainam kung ang pagkaing
ihahanda ay one-dish meal na kumpleto ang sangkap na
pagkukunan ng sustansiya. Lahat ng sangkap ng Grow, Glow, at Go
maaring ipaghalo upang makatipid sa oras ng paghahada.
Halimbawa: Sinigang, Pakbet, Chop suey, nilagang
baka o baboy, at iba pa.
• Haing-hapag sa maghapon. Ang mga Pilipino ay
madalas kumakain tatlong beses sa maghapon:
almusal,tanghalian, at hapunan. Pinakamahalaga sa
tatlo ang agahan.
Ang food pyramid ay ang gabay sa pagluluto ng
masustansiyang pagkain upang maging wasto ang pagkaing
ihahain. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi.
Grow Foods - Ito ay ang mga pagkaing tumutulong sa paglaki
ng katawan. Mayaman ito sa protina na siyang tumutulong sa
paghubog ng katawan paglaki ng mga kalamnan at gayun din
sa paglakas ng buto.
Ang Protina din ang nagpapapula ng dugo at
nagpapatibay ng mga ngipin ang pagkain ng grow
foods ay nakakatulong din sa pagpapanumbalik ng
lakas ng katawan kung ikaw ay galing sa sakit ang mga
halimbawa ng pagkaing ito ay karne, gatas, keso, itlog
at iba pa. Glow Foods - ito ang mga pagkaing
pananggalang sa sakit at impeksyon.
Ang mga halimbawa ng pagkain ito ay ang lahat
ng uri ng mga gulay at prutas, Ang bitamina A,
calcium at Iron ay ang mga sustansyang
mahalaga upang magkaroon tayo ng malinaw na
mata, makinis na balat at matibay na buto at
ngipin.
Ang Bitamina C naman ang kailangan natin upang
lumakas ang ating resistensya upang may pang laban
tayo sa ibat-ibang uri ng sakit. Go Foods - Ito ang mga
pagkaing nagbibigay ng lakas init at sigla. Ang mga
sustansyang nakukuha sa pagkain ng Go Foods ay
masagana sa carbohydrates ang ilang halimbawa nito
ay ang pasta, grains, cereals, bread, crackers at iba pa.
Tandaan Natin !
• Ang pagpaplano ng pagkain para sa buong mag-
anak ay dapat pagtuunan ng pansin upang
madulutan sila ng masarap, masustansiya at sapat na
pagkain.
• Dapat sundin ang mga tuntuning pangkalusugan sa
pagluluto ng masustansiyang pagkain.
• Ang menu ay isang talaan ng pagkain o
lulutuin na makakatulong sa paghahanda ng
pagkain para sa mag-anak.
• Ibatay sa tatlong pangkat ( grow,glow,go )
ang paghahanda ng agahan, tanghalian at
hapunan.
• Ibatay ang budyet para sa pagkain
sa kita ng pamilya at isaalang-alang
ang kasarian, edad at bilang sa dami
ng lulutuing pagkain.
Panuto: Magbigay ng halimbawa
ng pagkain nabibilang sa tatlong
bahagi ng food pyramid.
Go Grow Glow

1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4.
Bakit kailangang pagtuunan ng
pansin ang pagpaplano ng
ilulutong pagkain para sa buong
mag-anak?
Ano ang kahalagahan ng
pagluluto at paghahanda ng
masustansyang pagkain?
Panuto: Hanapin sa puzzle ang
mga masusustansiyang pagkain
tuwing agahan, tanghalian at
hapunan.
Panuto: Gumawa ng Talaan ng
Putahe o Menu Pattern para sa
isang lingo. Gawing basehan ang
mga natutunan sa aralin.
Ikaapat na
Araw
Panuto: Lagyan ng Tsek ( √ ) kung
ang pagkain ay kabilang sa Grow,
Glow, Go foods.
Pagkain Go Grow Glow

1. gatas
2. kanin

3. gulay
4. prutas

5. itlong
Ano ang napapansin mo
sa larawan?
Ipinapakita ng larawan na ito ang sitwasyon sa ating
bansa na kung saan napakalaking porsyento ng mga
bata na nakararanas ng malnutrition dahil sa kahirap.
Kaya naman, napakahalaga na masustansiya ang mga
pagkaing nakahain sa ating hapag-kainan kahit mura
lang ang sangkap o galing sa bakuran tulad ng mga
gulay at prutas upang maiwasan ang malnutrisyon.
Ano ang kahalagahan ng
pagpaplano ng pagkain ng
pamilya?
Kahalagahan ng Pagpaplano ng Pagkain ng Pamilya
Ang pagpaplano ng pagkain para sa buong mag-anak ay dapat
pagtuunan ng pansin sa lahat ng pagkakataon upang
madulutan sila ng masarap, masustansiya, at sapat na pagkain.
1. Nabibigyan ng atensiyon ang sustansiyang kailangan ng
mag-anak.
2. Nabibigyang pansin ang mga gusto at ayaw na pagkain nga
bawat kasapi ng mag- anak
3. Nababalangkas nang wasto ang pagkain ayon sa
pangangailangan at kakayahan ng mag-anak.
4. Nagaganit ng maayos ang oras, enerhiya at mga
kagamitan.
5. Ang paghahanda ng pagkain ay nagiging madali
ay kasiya-siya.
Mga Salik sa Pagpaplano ng Pagkain ng Pamilya
• Talaan ng mga Putahe ( Menu Pattern ). Ginagamit ito sa
pagpaplano ng menu upang makabuo ng resipi. Ang traditional na
food based menu pattern ay ang (Agahan, Tanghalian, At
Hapunan )Natitiyak din na ito ay masustansiya at naaayon sa
kalusugan at pangangailangan ng bawat kasapi ng pamilya.
Nagagamit hangga’t maari ang mga kailangan kasangkapan,
napapanahong prutas o gulay at natatantiya ang inaasahang badyet
• Resipi. Ito ang talaan ng mga sangkap at
pamamaraan para sa paghahanda ng isang
lulutuing putahe. Tiyaking kompleto ang mga
gagamiting sangkap.
• Menu. Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming
ihahain sa oras ng kainan.
• Sustansiyang nakukuha sa pagkain. Kailangan masustansiya
ang mga pagkain ihahanda. Mahalagang bigyan ng pansin ang
food pyramid.
• Badyet. Ibabatay ang pagkaing ihahanda sa perang kinikita
ng pamilya. Ang matalinong pagpaplano ay mahalaga. Di lahat
ng pagkain ay kailangan mahal. Maraming pagkain ang sagana
sa bitamina ngunit mura tulad ng gulay.
• Bilang ng Kasapi. Isaalang-alang
ang bilang, edad, kasarian ng
bawat kasapi ng pamilya.
• Kagustuhan ng Mag-anak. Mas mainam kung ang pagkaing
ihahanda ay gusto ng mag-anak.
• Oras ng gugugulin sa paghahanda. Mainam kung ang pagkaing
ihahanda ay one-dish meal na kumpleto ang sangkap na
pagkukunan ng sustansiya. Lahat ng sangkap ng Grow, Glow, at Go
maaring ipaghalo upang makatipid sa oras ng paghahada.
Halimbawa: Sinigang, Pakbet, Chop suey, nilagang baka o baboy, at
iba pa.
• Haing-hapag sa maghapon. Ang mga
Pilipino ay madalas kumakain tatlong
beses sa maghapon: almusal,tanghalian,
at hapunan. Pinakamahalaga sa tatlo ang
agahan.
Ang food pyramid ay ang gabay sa pagluluto ng
masustansiyang pagkain upang maging wasto ang pagkaing
ihahain. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi.
Grow Foods - Ito ay ang mga pagkaing tumutulong sa paglaki
ng katawan. Mayaman ito sa protina na siyang tumutulong sa
paghubog ng katawan paglaki ng mga kalamnan at gayun din
sa paglakas ng buto.
Ang Protina din ang nagpapapula ng dugo at nagpapatibay ng
mga ngipin ang pagkain ng grow foods ay nakakatulong din sa
pagpapanumbalik ng lakas ng katawan kung ikaw ay galing sa
sakit ang mga halimbawa ng pagkaing ito ay karne, gatas,
keso, itlog at iba pa. Glow Foods - ito ang mga pagkaing
pananggalang sa sakit at impeksyon, Ang mga halimbawa ng
pagkain ito ay ang lahat ng uri ng mga gulay at prutas,
Ang bitamina A, calcium at Iron ay ang mga sustansyang
mahalaga upang magkaroon tayo ng malinaw na mata,
makinis na balat at matibay na buto at ngipin. Ang
Bitamina C naman ang kailangan natin upang lumakas
ang ating resistensya upang may pang laban tayo sa ibat-
ibang uri ng sakit. Go Foods - Ito ang mga pagkaing
nagbibigay ng lakas init at sigla.
Ang mga sustansyang nakukuha sa
pagkain ng Go Foods ay masagana sa
carbohydrates ang ilang halimbawa nito
ay ang pasta, grains, cereals, bread,
crackers at iba pa.
Tandaan Natin !
• Ang pagpaplano ng pagkain para sa buong mag-anak ay dapat
pagtuunan ng pansin upang madulutan sila ng masarap,
masustansiya at sapat na pagkain.
• Dapat sundin ang mga tuntuning pangkalusugan sa pagluluto ng
masustansiyang pagkain.
• Ang menu ay isang talaan ng pagkain o lulutuin na makakatulong
sa paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.
• Ibatay sa tatlong pangkat ( grow,glow,go ) ang
paghahanda ng agahan, tanghalian at hapunan.
• Ibatay ang budyet para sa pagkain sa kita ng
pamilya at isaalang-alang ang kasarian, edad at
bilang sa dami ng lulutuing pagkain.
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa
kahon na tinutukoy sa bawat
bilang. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
Grow Foods
Agahan
One Dish Meal
Glow Foods
Go Foods
Resipi
Food Pyramid
Badyet
Menu
Talaan Ng Putahe (Menu Pattern)
______________1. Mayaman ito sa protina na siyang
tumutulong sa paghubog ng katawan paglaki ng mga
kalamnan at gayun din sa paglakas ng buto.
______________2. Ang mga halimbawa ng pagkain ito
ay ang lahat ng uri ng mga gulay at prutas.
______________3. Ang mga pagkaing ito ay masagana
sa carbohydrates.
______________4 Ibabatay ang pagkaing ihahanda sa perang
kinikita ng pamilya.
______________5. Ito ang talaan ng mga pagkain at inuming
ihahain sa oras ng kainan.
______________6. Ginagamit ito sa pagpaplano ng menu upang
makabuo ng resipi.
______________7. Ito ang talaan ng mga sangkap at
pamamaraan para sa paghahanda ng isang lulutuing putahe.
______________8. Ito ang gabay sa pagluluto ng
masustansiyang pagkain upang maging wasto
ang pagkaing ihahain.
______________9. Ito ang pagkain kumpleto
ang lahat ng sangkap halimbawa nito ay ang
pakbet.
______________10. Ito ang
pinakamahalagang pagkain sa
buong araw.
Bakit kailangang pagtuunan ng pansin
ang pagpaplano ng ilulutong pagkain
para sa buong mag-anak?
Ano ang kahalagahan ng pagluluto
at paghahanda ng masustansyang
pagkain?
Panuto: Gumawa ng Talaan ng
Putahe o Menu Pattern para sa
isang lingo. Gawing basehan ang
mga natutunan sa aralin.
Araw Agahan Tanghalian Hapunan
Lunes

Martes
Miyerkoles

Huwebes
Biyernes

Sabado

Linggo

You might also like