Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

Noli Me Tangere

• Ang pabalat ng Noli Me Tangere


naglalahad ng mga bagay,
damdamin, kaisipan sa
pamamagitan ng mga sagisag.
• Sa pamagat pa lamang ay mayroon
ng simbolismong ginamit. Ang
katagang “Noli me Tangere” ay
nagpapahiwatig ng isang babala sa
maaaring mangyari sa buhay ng
mababasa noong panahon ng kastila.
• Ang Noli me Tangere ay isang
nobelang naglalahad ng mga
paghihirap ng mga kababayan sa
ilalim ng mga kastila.
• Ito rin ang nagmulat sa mga
Pilipino upang labanan ang mga
mapang-abusong kastila.
Naglalahad ng mga bagay,
damdamin, at kaisipan sa
pamamagitan ng mga sagisag.
• Kanang Bahagi ng Pabalat:
• 1. Paa ng Prayle – nilagay ni Rizal sa
pinaka ibabang bahagi ng tatsulok ang
paa ng prayle. Iot ay upang ilarawan sa
mga mambabasa kung ano ang
pinakabase ng kolonyal na lipunan sa
nakyang kapanahunan. At bilang
pagpaparamdam sa mga mambabasa
kung sino ang tunay na nagpapalakad ng
bayan.
• 2. Sapatos
• Ang sapatos ay simbolo ng pagiging
maluho ng mga prayle at ang
pagtalikod nila sa aral ni kristo.
• Nakalabas na binti sa ibaba at
ang mga sa abanito at mga
balahibo, pagpapahiwatig ni Rizal
sa kalaswaan ng pamumuhay ng
mga prayle .
• 2. Helmet(Capacete) ng Guardia
Sibil
• Ito ay sumisimbolo ng
kapangyarihan ng kolonyal na
hukbong sandatahan na nang-
aabuso sa karapatang pantao ng mga
Pilipino sa kanyang kapanahunan.
• 3. Latigo ng Alperes
• Simbolo ng kalupitan ng mga opisyal ng
kolonyal ng hukbong sandatahan.
Maging si Rizal ay nakaranas ng hagupit
ng latigo ula sa isang alperes. Ang
paglalagay ng latigo ni Rizal ay
nagpapahiwatig na hindi niya
malilimutan ang ginawang pananakit sa
kanya ng alperes ng Calamba noong
kanyang kabataan.
• 4. kadena
• Inilagay ni Rizal ang kadena bilang
simbolo ng kawalan ng kalayaan ang
mga Pilipino sa ilalim ng pamumuno
ng kastila.
• 5. Suplina (Pamalo sa Penitensya)
• Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa
kolonyal na simbahan upang saktan ang
kanilang mga sarili dahilan sa kanilang
paniniwala na ito ay makapaglinis sa kanilang
mga nagawang kasalanan. Sa paningin ni Rizal,
ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia
sibil sa mga Pilipino ay hindi sapat para sa
kanila, kailangan pang sila na mismo ang
magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
• 6. Punong Kawayan
• Ang punong kawayan ay isang mataas
ngunit malambot na puno na kadalasang
sumasanay lamang sa ihip ng hangin.
Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang
ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino
sa pakikibagay sa mga nagaganap na
kalupitan sa pagsasamantala ng mga
kastila sa kanilang lupain.
• Kaliwang Bahagi ng Pabalat

• 1. Sunflower – Ang Sunflower ay isang


natatanging bulaklak na may kakayahan
na sumunod sa sikat ng araw.
Sinisimbolo nito ang mga Pilipino na
naliliwanagan sa pamamagitan ng
pagbabasa ng Noli me Tangere ukol sa
ginawang pananamantala ng mga kastila.
• 2. Sulo
• Ang sulo naman ang nagsisimbolo
ng Noi me Tangere na nagbibigay
ng liwanag o kamalayan sa mga
tao. Pinapahiwatig nito ang
pagtatapos ng kamangmangan at
simula ng panibagong uri ng
pamumuhay na hindi mag papaapi
sa mga kastila.
• 3. Ulo ng Babae
• Ang sinisimbolo ng ulo ng babae ay
walang iba kundi ang inang bayan. Kung
mapapansin, ito ay malapit sa pinag-
uukulan niya ng paghahandog sa nobela.
Ang “A Mi Patria” na malapit sa ulo ng
babae ay nangangahulugang inang bayan
kung isasalin ito.
• 4. Krus
• Ang krus ang siyang simbolo ng pagiging
relihiyoso ng mga Pilipino. Mapapansin
na inilagay ni Rizal ang Krus sa halos
pinakamataas na lugar sa pabalat. Ito at
para ipakita na Diyos ang nasa itaas ng
lahat ng bagay. Simbolo rin ito ng
paggamit ng mga kastila ng relihiyon sa
pananakop.
• 5. Supang ng suha/kalamansi
• Ang suha ay sumisimbolo sa kalikasan.
Ang masakit na katotohanan, ang
paglalagay ni Rizal ng supang ng suha
tabi ng krus ay isang mataas na anyo
kanyang insulto para sa kolonyal na
katolisismo na umiiral sa kanayang
kapanahunan. Itinabi nya iyon sa krus
para ipahiwatig ang kawalan ng kalinisan
sa paggamit ng katolisismo ng mga
kastila.
6. Dahon ng Laurel
• Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa
matatandang sibilisasyong kanluranin, Ito ay
ginagawang korona para sa kanilang mga
mapagwagi, matatapang, matatalino, at
mapanlikhaing mga mayayaman. Isang
paglalarawan ni Rizal ng kanyang pag-asa na
ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang
mga laurel na ito upang gawing korona ng inang
bayan. Ang dahon laurel na nagpapahiwatig ng
korona ay sumisimbolo ng kapurihan at
karangalan ng ating inang bayan.
• 7. Lagda ni Rizal
• Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa
kapanahunan na kanyang inilarawan.
• Mapapansin ninyo ang salitang
“Berlin” – ang lugar kung saan
ipinalimbag ni Rizal ang Noli me
Tangere. Subalit ang paglalagay ni
Rizal ng “Berlin” sa pabalat ay
mayroon din nais na ipaalam sa
kanyang mambabasa ang mayamang
• Koleksyon ng lungsod sa mga
materyales ukol sa Pilipinas. Ang bagay
na ito ay sinabi mismo ni Rizal sa
kaniyang kaibigang si Blumentrit.
Pansining mabuti na ang sulo ay nag-
ooverlap sa manuskristo ng
paghahandog ni Rizal sa kanyang
nobela.
• Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na
ang kaniyang sinulat na nobela ay
magsilbing liwanag ng bayan, upang
makita natin ang ating kahinaan na
siyang nagiging dahilan ng ating
pagiging huling sa karera ng
kaunlaran.
• O maaring ang mga taong mayroong
maliwanag na isipan lamang Ang
makakatuklas ng tunay na kahulugan
ng nobela.
• TAGALOG VERSKUNT

• JOSE P. RIZAL

You might also like