Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

SIKOLOHIKAL NA

PAGDULOG SA
PAGPAPAUNLAD NG
KAKAYAHAN SA
PANANALIKSIK
Tanging mga Pilipino lamang
ang makakabasa nito
B, K, W, L, K, M, G, W, P,
R, M, S, Y, K, T, W, K, H,
H, H!, T, W, P, H, H, H!, T,
M, N, P, R, K, N, T, NG!.
Ano ang Sikolohiya?
- Ang sikolohiya ay ang pag-aaral ng
kilos, gawi at pag-uugali ng bawat tao.
Ano ang kahalagahan ng sikolohiya sa
ating pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan?
- Mahalaga ang sikolohiya sa pang-
araw-araw nating pakikipagtalastasan
Sapagkat sa pamamagitan ng sapat n
kaalaman, mababatid natin kung ang
ating mga nakakasalamuha ay
sumasang-ayon o hindi sumasang-
ayon sa ating mga opinyon o kuro-
kuro.
Totoo bang nakakatulong ang
kaalamang sikolohikal sa
pagpapaunlad ng kakayahan nating
manaliksik?
- Malaki ang maitutulong ng tamang
kaalaman sa sikolohikal sa
pagpapaunlad natin sa pananaliksik
dahil;
• Makakalap tayo ng mga kasagutan
sa mga katanungang ating
itinatanong sa mga personalidad na
ating iniinterbyu.
• Makokontrol natin ang mga
emosyon sa mga sitwasyong
nakakairita at nakakabagot; at
• Maihahanda natin ang ating sarili
Pumili ng isa sa mga hiyas na nasa
ibaba;
1. Ginto (Gold) - Makasarili
2. Pilak (Silver) - Tapat sa Karelasyon
3. Diyamante (Diamond) - Maunawain
4. Tanso (Bronze) - Kakaiba / Wirdo
5. Perlas (Pearl) - Mapagmahal
6. Rubi (Ruby) - Misteryoso
Ano ba ang Wika?
- Ang wika ay salamin ng kaluluwa
sapagkat sa pamamagitan nito ay
mababanaag ang pag-iisip, damdamin
at pangarap ng mga tao.
Ilan sa mga Sikolohikal na pag-
uugaling Pilipino
Ang kaisipang “KASI” o “KASI
MENTALITY”
- Karaniwang hindi matanggap ng
mga Pilipino ang kanyang
pagkakamali, pagkabigo, pagkukulang
o kaya’y pagkatalo.
“Ang totoo ayaw lamang kasi ng
Pilipino na harapin ang katotohanan.”
Laging mayroong idinadahilan upang
mapagtakpan lamang ang kanyang
mga pagkukulang.
“Kasi ganito… Kasi ganu’n?”
Halimbawa:

“Bakit ka absent o lumiban sa klase?”

- Kasi po nagkasakit iyong alagang aso


ng kapitbahay ng kapatid ng kaibigan
ng pinsan ko…”
Kung ating bibigyang-pansin, ang
kawikaang “Kasi” nating mga Pilipino
ay hindi lantarang palatandaan ng
pag-iwas sa realidad sapagkat ito ay
isang uri ng mekanismong pagtakas
(escape mechanism) o mas kilala
bilang pagpapalusot (rationalization)
ng mga sikolohista.
halimbawa:

“Ikaw kasi…”
“Siya kasi…”
“Sila kasi…”
“Kayo kasi…”
Sa kabilang dako naman, ang
kawikaang “Kasi” ay nagpapahayag
ng pagkamapaghanap ng paliwanag at
kabuluhan (explanation conscious,
meaning conscious) ng mga Pilipino.
Naniniwala kasi ang Pilipino na bawat
bagay, bawat kalagayan, at bawat
pangyayari ay may sanhi.
Ang kaisipang “Okey lang” “Ok
mentality”
Ang salitang “Okey” ay hiram. Subalit
kaiba sa orihinal ang
pagpapakahulugan nating mga
Pilipino. Ang salitang okey ang
nagpamalas ng magaan at walang
ligalig na saaloobin ng Pilipino sa…
buhay. Halimbawa,

“Pareng Arvin, kumusta ang buhay


natin. Mabuti yata’y nakaririwasa na
kayo ngayon?”
“Okey lang naman, Pare, kahit
papaano’y kumakain pa rin ng tatlong
beses sa isang araw.”
“Ang iyong pag-aaral, Maine,
kumusta naman? Ikaw ba kaya’y
makakapasa o ano?”
“Okey lang, ho. Hindi naman ako
nagpapabaya. Hindi kayo
manghihinayang sa pagpapa-aral sa
akin.
Ang anyo ng kaisipang okey lang ay
nagpapahayag ng kawalang-pangamba
na saloobin nating mga Pilipino. Sa
gitna ng anumang hirap ay kagipitan,
tayo ay nananatiling may tiwala sa
mabuting kahihinatnan ng mga
pangyayari.
Ipinapahiwatig din ng kaisipang okey
lang ang matatag na pananalig ng
Pilipino sa kaniyang sariling
kakayahan. Kahit na ang Pilipino’y
niloloko na kung minsan, hindi parin
nawawala ang pag-asa na sa bandang
huli makakamit din niya ang kanyang
ninanais.
Ang kaisipang “Pasensya ka na” o
“Pasensya mentality”
Hango sa wikang Espanyol ang
paciencia = tiyaga, tiis… Kung
tutuusin, maaari nating sabihin na,
“ Ang mga Pilipino ay mapagpasensya
(Ibig sabihin, tayo ay matiisin at
matiyaga.)”
Subalit ang kahulugan ng kawikaang
pasensya ka na, ayon sa paggamit
natin ay nangngahulugang
pagpapatawad o pagpapaumanhin.
Halimbawa; “Alden, pasensya ka na
kung hindi ako nakadalo sa parti mo.
Sana maunawaan mo ako. Sorry ha?”
“Maine, pasensya ka na sa regalo ko sa
iyo, ha? Iyon lang kasi ang aking
nakayanan. Babawi na lang ako sa’yo
sa ibang araw.”
Masasalamin natin sa pag-uugaling ito
na bukod sa diwa ng kapatawaran,
may kalakip na element ng pagsisisi…
makikita pagiging pagkamakatao.
Sa mga sikolohikong pag-uugali na ito
nating mga Pilipino, katanggap-tanggap
sa mundo ng pananaliksik ang pag-
uugaling “Pasensya kana”sapagkat,
tulad ng halimbawa ninanais nating
maibigay ang pinakamaganda at
pinaghirapang papel na naglalaman ng
isang de-kalidad na pananaliksik.

You might also like