Hakbang Sa Pagsulat NG SINOPSIS

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Fact o Bluff

1.Ang layunin ng sinopsis ay mapaikli ang


isang kwento
2.Isa sa katangian ng sinopsis ay maisulat sa
sariling salita ang kwento.
Layunin:
Nakasusulat ng Sinopsis ayon sa
mga hakbang nito.
Hakbang sa pagsulat ng Sinopsis

1.Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang


makuha ang buong kaisipan o paksang diwa.
2.Suriin at hanapin ang pangunahing kaisipan at di-pangunahing kaisipan
3.Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas.
4.Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o
kuro-kuro ang isinusulat
5.Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
6.Basahin ang unang ginawa at suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na
buod.
Pagsulat ng Sinopsis/ Buod Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Sinopsis:
1. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod:
Sino? Ano? Kailan Saan? Bakit? Paano?
2. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito. - siya, niya, kanya, sila, nila, kanila
3. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot, dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
4. Kailangan mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga
gampanin at mga suliraning kinaharap.
5. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod
lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
6. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
7. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi
ng akda
Pangkatang Gawain: Think-Pair-Share

Kunin ang mahahalagang pangyayari sa kuwentong ang kalupi at


balangkasin ito.
Pangkatang Gawain:
Gabay na tanong
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento at ang kanilang gampanin?
2. Ano ang simula ng kuwento?
3. Kailan at saan nangyari ang kuwento?
4. Paano nagtapos ang kuwento?
5. Ano ang pangunahing kaisipang taglay ng akda?
Basahin ang kuwentong
“Kalupi”

Tukuyin ang sunod-sunod na


mahahalagang pangyayari
sa Kuwento
Mahahalagang pangyayari sa Kuwentong “Kalupi”
1. Maagang umalis si Aling Marta upang mamili ng
ihahanda sa pagtatapos ng kaniyang anak.
2. Habang papasok sa loob ng palengke nabunggo siya ng
batang gusgusin.
3. Nang magbabayad na si Aling Marta sa kanyang
pinamili wala ang kanyang kalupi naisip niya ang batang
nakabunggo sa kanya ang kumuha ng kanyang kalupi.
4. Hinahanap ni Aling Marta sa loob ng palengke ang bata
5. Nakita ni Aling Marta ang bata agad niya itong hinaltak
at pilit na pinapaamin na ito ang kumuha ng kanyang
kalupi
Mahahalagang pangyayari sa Kuwentong “Kalupi”

6. Dinala ng pulis ang dalawa sa outpost, doon pilit na


pinapaamin ni aling Marta ang bata.
7. Sinaktan ni aling Marta ang bata para umamin ito sa
takot ng bata nakapiglas ito sa pagkakahawak ni aling
Marta at mabilis na tumakbo
8. Hindi napansin ng bata na may paparating na sasakyan
kaya ito nasagasaan na naging dahilan ng pagkamatay
nito.
9. Pag-uwi ni aling Marta nagtaka ang kanyang asawa
kung bakit nakapamili ito ganoon naiwan ang kalupi sa
bahay.
10. Pagkarinig ni Aling Marta, nawalan ito ng ulirat.
Anong mga hakbang mo sa buhay
para maayos mong maisakatuparan
ang pinili mong larang?
Estratehiya: What I’ve learned and What I’m
thinking
Pagsunod-sunorin ang Hakbang sa pagsulat ng Sinopsis

Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.

Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o kuro-kuro ang isinusulat

Suriin at hanapin ang pangunahing kaisipan at di-pangunahing kaisipan.

Basahin ang unang ginawa at suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan
ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.

Habang nagbabasa, magtala at kung maari ay magbalangkas.

Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksang diwa.
Takdang-aralin:

Isulat ang buod ng Ang


kalupi.
Ika-apat na araw
● Tukuyin kung ang pahirin/pahiran ang angkop na gamitin sa pangungusap.
Nina- sinusundan ng mga pangalan ng
tao.
Nila- pinapalitan naman ng sila at nila ang
pangalan ng tao.

You might also like