Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

TALATA

Ano ang talata?


Ang talata ang isang mahalagang bahagi ng
pangungusap na ginagamit upang maghatid ng ideya o
saloobin, at impormasyon.
Ito ay binubuo ng isang pangungusap o higit pa na
naglalaman ng iisang ideya o kaisipan. Sa
pamamagitan ng mga talata, nagiging malinaw at
organisado ang mga ideya na nais ipahayag ng
manunulat.
Katangian ng isang Mahusay na Talata
KATANGIAN KAHULUGAN
KAISAHAN Ito ay tumutukoy sa mga pangungusap
na nagkakaisang umiikot sa diwa

KAUGNAYAN Ang mga pangungusap ay magkakaugnay o


magkakadugtong ang kaisipan upang
magkaroon ng maayos na daloy ng
kaiisipan mula una hanggang dulo.

KAANYUAN Ang talata ay maaring buuin,ayusin, at


linangin ayon sa lugar o hegrapiya, ayon sa
kahalgahan o kasukdulan.
Mga bahagi ng isang Talata
1. Panimulang pangungusap o Introduksiyon- ito ay dapat
tumayawag ng pansin t umaanting sa damdamin ng mambabasa
upang tuluyang basahin ang talata.
Narito ang mga hakbang sa pgbuo ng panimulang Talata:
a. Maaring magsimula sa isang katanungan(rhetorical queastion).
Halimbawa: Ano ang ngiti? Ang ngiti ay nagtataglay ng 5 titik
subalit punong-puno ng hiwag. Ito ay nagsasabing palaisipan sa
isang tao.
b.Maaring gumamit ng pangungusap na nakakatawag ng pansin.
Halimbawa: Ang buhay ng tao ay maihahalintulad sa gulong. Kung
minsan ay nasa ibabaw at kung minsa’y nasa ilalim.
c. Maaring gumamit ng tahasang paglalahad sa suliraning
ipapaliwanag.
Halimbawa: Ang buhay ng makabaging kabataan ngayon ay ibang-
iba sa paraan ng pamumuhay ng kabataan noon.
d. Maaring gumamit ng pagsasalaysay.
Halimbawa: Matagal kaming nagsama sa isang paaralan. Naging
matalik na magkaibigan, subalit nakadama ako ng kakaibang
pintig sa aking puso. Nagbago ang init ng damdamin ko para
sa kanya.
2. Panggitnang pangungusap- ang mga pangungusap na
kaugnay ay sumusunod sa panimulang pangungusap.
Halimabawa: Ano ang ngiti at ano ang kahulugan nito?
Ang ngiti ay isang hiyas na di-nahihiram at di-nauutang, di-
nabibili at lalong di maaring nakawin. Ito’y nagpapahirap sa
nagbibigay ngunit nagpapayaman sa kinahanguan.
Mula sa “ Ang Ngiti”
Ni Socorro Veron-Cruz
3. Pangwakas na pangungusap o konklusyon- ang
layunin nito ay upang ibigay ang huling detalye, mga aral at
opinyon ng manunulat o ng paksa mismo. Binubuod din dito
lahat ng nabanggit sa buong paksa o ang ilang mahahalagang
bahagi nito. Karaniwang maikli lang ang isinusulat dito at
nagiging epektibo ito kung niiwan sa isipan ng mambabasa ang
mga aral ng paksang isinulat.
Halimabawa: Para sa pilipino ang sukatan ng magandang
pakikipagkapwa ay pakikisama o pakikibagay. Ang pilipino ay
madamdamin. Masyadong sensitibo sa kahihiyan kung kaya’t
hangga’t maaari’y huwag mong hihiyain sa harap ng tao. Huwag
kang maghahatol upang hindi ka rin mahatulan. Huwag kang
magmataas upang ikaw ay pagkatiwalaan. Ito ang iba sa mga
lihim ng pakikipagkapwa-tao para sa pilipino.
Mga anyo ng Talata
MALAYANG TALATA
- Kapag ang talata ay nagpapahayag ng isang paksa lamang, ito ay
tintatawag na malaya. Ito’y para nang isangbmaikling
komposisyon. Madalas gamitin ito ng mga manunulat ng
pangulong tudling, mga komunista at sa mga sumusulat ng
patalastas.
TALATANG NAGLALARAWAN
-Layunin ng talatang ito ang ipamalas sa bumabasa o nakikinig ang
isang nakikinig na larawan sa kabuuan sa hangad na ipinakita ang
isang bagay ay naiiba sa mga katulad nito.
TALATANG NAGLALAHAD
- Ito ay talatang nagpapaliwanag,nagbibigay katuturan at
pakahulugan
TALATANG NANGANGATWIRAN
- May layunin ang talatang ito na patunayan sa tulong ng mga
katibayan o katwiran ang mga katotohanan ng isang palagay o
proposisiyon.
TALATANG NAGSASALAYSAY
- Ang layunin ng ganitong uri ng talata ay bumuo ng isang malinaw
na larawan ng mga mambabasa o nakikinig. Naglalaman ng
nakikita at nadarama ng isang tao.
MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA
PAGGAWA NG TALATA
1. Alamin ang kaisipan o ideya na nais ibahagi.
2. Sumulat ng pangungusap tungkol dito.
3. Sumulat ng ikalawa hanggang ikaapat na pangungusap na
nagbibigay suporta sa unang pangungusap
4. Ang huling pangungusap ay naglalaman ng konklusyon

You might also like