Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Cohesive Device o Kohesyong

Gramatikal Ano nga ba ito?

❖ Ang kohesyong gramatikal ay mga salitang nagsisilbing pananda


upang hindi paulit-ulit ang mga salita.

❖ Ito ay mga salitang tulad ng panghalip at pang-ugnay na


nagkakawing sa mga salita, parirala at sugnay.

❖ Nakakabagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na


ginagamit sa isang texto o pahayag.

❖ Maiiwasan na pagbanggit na pag-uulit kung gagamit tayo ng


panghalip tulad ng siya, sila, tayo, kanila, kaniya, ito, iyan, iyon, dito,
doon, diyan ,at iba pa.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatikal sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

Upang maging mas mahusay ang pagkakahabi ng tekstong


deskriptibo bilang bahagi ng iba pang uri ng teksto o kaya’y maging mas
malinaw ang anomang uri ng tekstong susulatin, kinakailangan ang
paggamit ng cohesive device o kohesyong gramatikal. Ang mga ito kasi ay
mahalaga sa pagbibigay ng mas malinaw at maayos na daloy ng mga
kaisipan sa isang teksto. Ang mga teksto ay hindi lang basta binubuo ng
magkakahiwalay na pangungusap, parirala, o sugnay, bagkus ang mga ito ay
binubuo ng magkakaugnay na kaisipan kaya’t kinakailangan ang mga
salitang magbibigay kohesyon upang higit na lumitaw ang kabuluhan at
kahulugan ng bawat bahagi nito.
1. Reperensiya ( Reference ) – Ito ang paggamit ng mga salitang
maaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan
sa pangungusap. Maaari itong maging anapora ( kung kailangang
bumalik sa teksto upang malaman kung sino ang tinutukoy )o kaya’y
katapora ( kung nauna ang panghalip at malalaman lang kung sino o
ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa teksto ).
Halimbawa: Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting
kaibigan.

-Si Rita ay nakapagturo sa Europa, doon na rin siya nanirahan.


Katapora – mga panghalip na matatagpuan sa unahan ng
pangungusap bilang pamalit sa pangngalang nasa hulihan.

Halimbawa: Siya ay hindi karapat-dapat sa aking apelido. Si Juan


ay kahiya-hiya.

-Sila ay palaging nag-aaway sa pila kapag kainan na. Makikita sa


mga kalahok na gutom na gutom na sila
2. Substitusyon ( Substitution ) – Paggamit ng ibang
salitang papalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa: Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng


bago.
3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit
inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa: Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama’y


tatlo
4. Pang-ugnay – Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “ at “
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugmay, parirala sa parirala, at
pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na
mauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa
pagitan ng mga pinag-uugnay.

Halimbawa: Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa


mga anak at ang mga anak ay dapat magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. Kohesyong Leksikal – Mabibisang salitang ginagamit sa teksto
upang magkaroon ng kohesyon. Maaari itong mauri sa dalawa:
ang reiterasyon at ang kolokasyon.
a. Reiterasyon- Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
maari itong mauri sa tatlo: pag-uulit o repetisyon, pag-iisa-isa, at
pagbibigay – kahulugan
(1) Pag-uulit o repetisyon – Maraming bata ang hindi nakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay
nagtatrabaho na sa murang gulang pa lang.

(2) Pag-iisa- Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,
sitaw, kalabasa, at amplaya.

(3) Pagbibigay-kahulugan – Marami sa mga batang manggagawa ay nagmula sa mga


pamilyang dukha. Mahirap sila kaya ang pag-aaral ay naisasantabi kapalit ng ilang
baryang naiaakyat nila para sa hapag- kainan.
b. Kolokasyon- Mga salitang karaniwang nagagamit nang
magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya’t kapag
nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maari magkapareha o
maari ding magkasalungat.

Halimbawa: nanay – tatay guro- mag-aaral hilaga –timog doctor-


pasyente puti-itim maliit-malaki

You might also like