Pang Uri at Kaantasan Nito

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Pang-uri at

Kaantasan Nito
Aralin 5.2 - Gramatika
Pang-uri
• Ang tawag sa mga salitang
naglalarawan o nagbibigay-turing sa
mga pangngalan at panghalip.
Antas ng Pang-uri
• Lantay
• Pahambing
- Pahambing na Magkatulad
- Pahambing na Di Magkatulad
• Pasukdol
Lantay
• Ito ay naglalarawan lamang ng isa
o payak na pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang makulay na guryon ay
Magandang pagmasdan.
Pahambing

• Ang pang-uring ginagamit sa


pagtutulad ng dalawang pangngalan
o panghalip.

• Ito ay may dalawang uri.


Pahambing na Magkatulad
• Ang paghahambing kung patas sa
katangian ang pinagtutulad.
• Ginagamit dito ang panlaping ka,
magka, sing, gaya, tulad, at iba pa.
Halimbawa:
Magkasing-yaman ang mag-ama
sa kuwento.
Pahambing na Di Magkatulad

• Ang paghahambing kung


nagbibigay ito ng diwa ng
pagkakait, pagtanggi, o
pagsalungat.
Palamang
• May higit na positibong katangian ang
inihahambing sa bagay na pinaghahambing.
• Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit
ng mga salitang lalo, higit, di hamak, mas, at
iba pa.
Halimbawa:
Ang ganitong panuntunan ay maaaring
maging daan ukol sa lalong maunlad na
kabuhayan.
Pasahol
• Kapag may higit na negatibong
katangian ang pinaghahambingan.
• Gumagamit ng di gaano, di gasino,
di masyado.
Halimbawa:
Di gaanong istrikto ang anak
kompara sa ama.
Pasukdol
• Nasa pinakadulong digri ang
kaantasan ng pasukdol.
• Ito ay maaaring positibo o negatibo.
• Ang paglalarawan ay masidhi kung
kaya maaaring gumamit ng mga
katagang sobra, ubod, tunay, talaga,
saksakan ng, hari ng, at kung minsa’y
pag-uulit ng pang-uri.
Pasukdol
Halimbawa:
Pinakamaganda ang panuntunang
ito na nagbigay-daan sa lalong
maunlad na kabuhayan.
Gawaing Upuan Blg. 5
Salungguhitan ang mga pang-uring
makikita sa bawat pangungusap at
isulat sa linya ang kaantasan nito.
__________ 1. Ang aking magulang ay
sobrang mapagmahal.
__________ 2. Simple lamang ang
aming buhay ngunit masaya.
Gawaing Upuan Blg. 5
__________ 3. Ang aking ina ay
masasabi kong ulirang ina.
__________ 4. Ang aking ama ay
saksakan ng sipag.
__________ 5. Mataas na mataas ang
pagtingin ko sa kanila.
Gawaing Upuan Blg. 5
__________ 6. Magsimbait ang aking
nanay at tatay.
__________ 7. Higit na maganda ang
relasyon naming pamilya pagkatapos
ng nangyaring trahedya sa amin.
__________ 8. Nagkaroon ako ng bagong
kaalaman kung paano mapauunlad ang
aking buhay.
Gawaing Upuan Blg. 5
__________ 9. Di na gaanong magulo
ang aking isip tungkol sa mga bagay
na nais kong mangyari sa aking
buhay.
__________ 10. Ang maliit na tampuhan
ay madaling nalulutas sa ngayon.

You might also like