Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Aralin 5: Matalinong

Pagpapasiya para sa
Kaligtasan
ESP 3rd Grading
Layunin:
Nakasusunod ng may masusi at
matalinong pagpapasiya para sa
kaligtasan; paalala para sa panoorin at
babasahin, pagsunod sa mga alituntunin
tungkol sap ag-iingat sa sunog at paalala
kung may kalamidad (EsP5PPP-IIIc-26).
PANIMULA
Ang pagpapasiya ay
nangangailang ng masusing
pag-aaral ng mga bagay o
isyung nakapaloob sa
suliranin o katanungan.
TANDAAN
Ang mabuting pagpapasya ay
pinag-aaralan muna:
damdamin at epektong dulot
nito sa iba ay bigyang
halaga.
Ang Matalinong Haring si Solomon
TIN-EDYER lang si Solomon nang siya’y maghari. Mahal niya si Jehova at
sinusunod niya ang payo ng tatay niyang si David. Natuwa si Jehova kay
Solomon. Isang gabi, sinabi niya sa kaniya sa panaginip: ‘Solomon, ano ang
gusto mong ibigay ko sa iyo?’

Sumagot si Solomon: ‘Jehova aking Diyos, batang-bata pa ako at hindi ako


marunong maghari. Kaya bigyan ninyo ako ng talino para mapagharian ko ang
inyong bayan sa tamang paraan.’

Natuwa si Jehova sa hiling ni Solomon. Kaya sinabi Niya: ‘Dahil sa humingi ka


ng karunungan at hindi ng mahabang buhay o kayamanan, gagawin kitang mas
marunong kaysa sinomang tao na nabuhay. Bibigyan din kita ng kayamanan at
karangalan.’
Ang Matalinong Haring si Solomon
Hindi nagtagal, dalawang babae na may mabigat na problema ang lumapit
kay Solomon. Sabi ng isa: ‘Nakatira kami sa iisang bahay. Nanganak ako, at
dalawang araw makaraan nanganak din siya. Isang gabi namatay ang anak
niya, pero samantalang natutulog ako, kinuha niya ang aking anak at iniwan sa
akin ang patay na sanggol.’
Sinabi ng ikalawa: ‘Hindi! Ang buhay na bata ay akin, ang patay ay kaniya!’
Nagtalo sila. Ano ang gagawin ni Solomon?
Nagpakuha siya ng espada, at sinabi: ‘Hatiin natin ang bata sa dalawa, at
bigyan ang mga babae ng tigkakalahati!’
Ang tunay na ina ay sumigaw: ‘Huwag! Huwag ninyong patayin ang bata!
Ibigay na lang ninyo sa kaniya!’ Pero ang ikalawa ay nagsabi: ‘Sinoman sa
amin ay huwag ninyong bigyan; sige hatiin ninyo ang bata.’
Ang Matalinong Haring si Solomon
Ang Matalinong Haring si Solomon
Kaya sinabi ni Solomon: ‘Huwag ninyong patayin ang bata! Ibigay siya sa
unang babae. Siya ang tunay na ina.’ Alam ito ni Solomon kasi mahal-na-mahal
ng tunay na ina ang bata kaya payag siyang ibigay ito sa ikalawang babae huwag
lang itong mamatay. Nang mabalitaan ito ng bayan, tuwang-tuwa sila sa
pagkakaroon ng gayon katalinong hari.

Nang si Solomon ang hari, pinagpala ng Diyos ang bayan. Marami silang
pagkain. Nagsusuot sila ng magagandang damit at nakatira sila sa
magagandang bahay. Sagana sila.

1 Hari 3:3-28; 4:29-34.


Tanong
1. Anong isyu ang pingatatalunan sa kwentong
ito?
2. Ano ang unang pasya ni Haring Solomon?
3. Paano ito tinanggap ng dalawang babae?
4. Sa nagging reaksyon ng dalawa, ano ang
ginawa ng hari?
5. Tama baa ng desisyon ng hari? Bakit?
Isagawa Natin
Ilagay ang sarili sa sitwasyon. Ano ang gagawin mong
pagpapasya?

1. Nakita mong nagbabasa ng malaswang


babasahin ang mga kaklase mo.

2. Kaarawan g matalik mong kaibigan. May


handaan sa kanila at imbitado. Ngunit may
sakit ang iyong ina. Wala ibang kasama sa
bahay kundi ikaw.
Isagawa Natin
Ilagay ang sarili sa sitwasyon. Ano ang gagawin mong
pagpapasya?

3. Lumapit ang dalawa mong kapatid. Ang


isa ay nagsumbong na sinira ang kanyang
laruan. Itinanggi naman noong isa.

4. Bagong bili ang iyoong paying. Hinihiram


ito ng iyong kuya. Umuualan at ihahatid ang
bisitang kaibigan sa sakayan.
Isagawa Natin
Ilagay ang sarili sa sitwasyon. Ano ang gagawin mong
pagpapasya?

5. Toka ang iyong kapatid sa paghuhugas ng


pinggan. Pero masakit ang ulo nito. Nakita
mong nakatambak sa kusina ang hugasan.
Isabuhay Natin
Ano gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon.
1. Naiwan kang mag-isa sa bahay ng biglang lumindol.
2. Nakita mong pinaglalaruan ng nakababata mong
kapatid ang posporo.
3. Hindi nakikinig ang iyong kaklase habang
nagpapaliwanag ang inyong guro sa mag alintuntunin
para sa kaligtasa kapag may kalamidad.
4. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita moa ng
iyong kapatid na nanonood ng malaswang panoorin.
5. Nakita mong may nagbebenta ng malaswang
babasahin sa internet.
TAMA O MALI

1. Nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa ng


mga malalaswang gawain.
2. Isusumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda
ng mga malalswang panoorin at babasahin.
3. Isipin ang magiging epekto ng gagawing
pagpapasya.
4. Hindi dapat lumahok sa mga kampanya laban sa
mga malalaswang panoorin at babasahin.
5. Makisiksik ka sa mga kaklase palabras ng silid
kapag may fire o earthquake drill.

You might also like