Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

Disenyo at Pamamaraan ng

Pananaliksik
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs):
1.Nabibigyang-kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng
pananaliksik (Halimbawa: balangkas konseptwal,
balangkas teoretikal, datos empirikal, atbp.). (F11PT–
Ivcd–89); at
2.Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat
ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika ng pananaliksik. (F11PU–IVef–91).
Mga Tiyak na Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan ng Metodolohiya bilang isang bahagi ng
pananaliksik;
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang tuntuning dapat taglayin ng mga
bahaging bumubuo sa Metodolohiya;
3. Naibibigay ang sariling pagpapakahulugan at pag-unawa sa gampanin
ng Metodolohiya;
4. Nagagamit ang mga konseptong natutuhan sa pagsusuri ng teksto;
5. Nakasusuri at nakagagawa ng balangkas ng isang maka-Pilipinong
pananaliksik batay sa paksang pinili;
6. Nakasusulat ng simpleng Kabanata II ng isang maka-Pilipinong
pananaliksik.
Balik-Tanaw
4
Ano nga ba ang disenyo ng
pananaliksik?
n g P a n a n a l i k s i k
D i s e n y o

Ang disenyo sa pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik


upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at lohikal na
paraan. Ito ang nagtitiyak na masasagot ng pananaliksik ang suliranin at matutupad ang layunin
na itinakda nito.

6
n g P a n a n a l i k s i k
D i s e n y o

Ayon sa Business Dictionary (2011), ang disenyo ng pananaliksik ang detalyadong balangkas
kung paano isasagawa ang imbestigasyon. Kadalasang nilalaman nito kung sa paanong paraan
mangangalap ng datos ang mananaliksik, ano at paano gagamitin ang napiling instrumento, at ang
mga pamamaraan kung paanong susuriin ang datos.

7
n g P a n a n a l i k s i k
D i s e n y o

Ang suliranin ng pananaliksik ang nagtatakda sa uri ng disenyong gagamitin ng mananaliksik.


Kailangang tiyakin na ang kabuuang disenyo ay lohikal na sasagot sa mahahalagang tanong ng
pananaliksik. Ayon kay David de Vaus (2011), kung mailalatag nang maayos ng isang
mananaliksik ang sistema at disenyo ng pananaliksik, tiyak na makakamit nito ang sumusunod:

8
o n g P a n a n a l i k s i k
Dise n y

 Matutukoy nang malinaw ang suliranin ng pananaliksik at mapangangatuwiran ang pagkakapili nito;
 Madaling makabubuo ng rebyu at sintesis ng mga naunang pag-aaral na may kinalaman sa paksa at
suliranin ng ginagawang pananaliksik;
 Malinaw at tiyak na matutukoy ang mga haypotesis na pinakasentral sa pag-aaral;
 Epektibong matutukoy at mailalarawan ang datos na kailangan sa pagsubok ng mga haypotesis at
maipaliliwanag kung paanong makakalap ang mga datos na ito; at
 Mailalarawan ang mga pamamaraan ng pagsusuri na gagamitin upang alamin kung tama o mali ang mga
haypotesis.

9
Mga Disenyo ng Pananaliksik

10
T I T A T I B O
K W A N

Ang kwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na


imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng
komputasyon. Kadalasang ginagamitan din ito ng mga nasusukat at nakabalangkas
na pamamaraan sa pananaliksik gaya ng sarbey, eksperimentasyon, at pagsusuring
estadistikal.

11
A T I B O
K W A L I T

Ang kuwalitatibong pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri ng


pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng
mga tao at ang dahilan na gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng
paniniwalang ang pag-uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na
kontekstong pinangyayarihan nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura,
institusyon, at ugnayang pantao na hindi maaaring mabilang o masukat.

12
I P T I B O
D E S K R

Pinag-aaralan sa mga palarawang pananaliksik ang pangkasalukuyang ginagawa,


pamantayan, at kalagayan. Nagbibigay ito ng tugon sa mga tanong na sino, ano,
kailan, saan, at paano na may kinalaman sa paksa ng pag-aaral. Hindi ito
makatutugon sa mga tanong na “bakit” sapagkat naglalarawan lamang ito ng tiyak at
kasalukuyang kondisyon ng pangyayari at hindi ng nakalipas o hinaharap.

13
M B A W A
H A L I

• Antas ng paggamit ng apat na core values ng UST ng mga guro sa


kanilang pagtuturo.

14
E A R C H
A C T I O N R E S

Inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang isang tiyak na kalagayan,


pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pa sa layuning palitan ito ng mas epektibong
pamamaraan. Habang isinasagawa ang pananaliksik ay bumubuo rin ng mga plano at
estratehiya ang mananaliksik kung paanong makapagbibigay ng makabuluhang
rekomendasyon. Kailangan din ang mga serye ng ebalwasyon kung nakakamit o
hindi ang ideyal na awtput.

15
M B A W A
H A L I

• Anong estratehiya sa pagtuturo ang pinakaepektibo sa pagkatuto ng


mga mag-aaral na may suliranin sa pandinig?

16
R I K A L
H I S T O

Ang historikal na pananaliksik ay gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan ng


pangangalap ng datos upang makabuo ng mga kongklusyon hinggil sa nakaraan.
Batay sa mga datos at ebidensya, pinalalalim ang pag-unawa sa nakaraan, kung
paano at bakit nangyari ang mga bagay-bagay. At ang pinagdaanang proseso kung
paanong ang nakaraan ay naging kasalukuyan.

17
M B A W A
H A L I

• Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas

18
C A S E S T U D Y

Ang pananaliksik na nasa ganitong disenyo ay naglalayong malalimang unawain ang


isang partikular na kaso kaysa magbigay ng pangkalahatang kongklusyon sa iba’t
ibang paksa ng pag-aaral. Ginagamit ito upang paliitin, maging ispesipiko, o kaya’y
pumili lamang ng isang tiyak na halimbawa mula sa isang napakalawak na paksa.

19
M B A W A
H A L I

• Antropolohikal na Pag-aaral ng Iglesia Watawat ng Lahi ni Prospero


Covar (1978)
• Kaso ng isang doktor na piniling maging caregiver sa Estados Unidos

20
A T I B O
K O M P A R

Ang komparatibong pananaliksik ay naglalayong maghambing ng anomang


konsepto, kultura, bagay, pangyayari, at iba pa. Madalas na gamitin sa mga cross-
national na pag-aaral ang ganitong uri ng disenyo upang mailatag ang mga
pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng mga lipunan, kultura at institusyon.

21
M B A W A
H A L I

• Komparatibong pagsusuri ng mga panitikang pambata ng mga Tagalog


at Bisaya
• Komparatibong pagsusuri ng mga editorial cartoon ng Philippine Star
at Philippine Daily Inquirer sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas

22
A T I V E S T U D Y
N O R M

Madalas na inihahanay sa deskriptibong uri ng pananaliksik ang disenyong


normative dahil naglalayon itong maglarawan ng anomang paksa. Gayunpaman,
naiiba ang disenyong ito sapagkat hindi lamang simpleng deskripsyon ang layunin
nito, kundi nagbibigay-diin sa pagpapabuti o pagpapaunlad ng populasyong pinag-
aaralan batay sa mga tanggap na modelo o pamantayan.

23
M B A W A
H A L I

• Pagsusuri ng Kakayahan sa Matematika ng mga Mag-aaral ng


Magsaysay High School Batay sa Itinakdang Kompetensi ng DepEd
• Bumababang kakayahan ng mga guro sa Ingles sa pagsasalita at
pagtuturo ng wikang Ingles

24
I K O N G P
R A P
E T N O G - A A R A L
A G

Ang etnograpiya ay isang uri ng pananaliksik sa agham panlipunan na nag-


iimbestiga sa kaugalian, pamumuhay at iba’t ibang gawi ng isang komunindad sa
pamamagitan ng pakikisalamuha rito. Nakabatay ito sa pagtuklas ng isang
panlipunang konteksto at ng mga taong naninirahan dito sa pamamagitan ng pag-
unawa sa kanilang mga pagpapahalaga, pangangailangan, wika, kultura, at iba pa.

25
M B A W A
H A L I

• Pagpapakahulugan kay Rizal ng mga Milinaryong Kilusan sa Banahaw

26
O R A T O R I
E K S P L

Isinasagawa ang disenyong eksploratori kung wala pang gaanong pag-aaral na


naisagawa tungkol sa isang paksa o suliranin. Ang pokus nito ay upang magkaroon
ng mas malawak na kaalaman sa isang paksa na maaring magbigaydaan sa mas
malawak at komprehensibong pananaliksik.

27
M B A W A
H A L I

• Panimulang Pagu-nawa sa Masaker sa Mamasapano Kaugnay ng


Usapang Pangkapayapaan sa Mindanao

28
Metodolohiya ng Pananaliksik

29
n g P a n a n a l i k s i k
Metod o l o h i y a

Ang metodolohiya ay sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng


imbestigasyon na ginagamit sa pangangalap ng datos sa isang pananaliksik.

30
t P a m a m a r a a n n g
1. Dise n y o a
P a n a n a l i k s i k

Ang DISENYO ng pananaliksik ay tumutukoy sa kabuuang balangkas at pagkakaayos ng


pananaliksik, samantalang ang PAMAMARAAN naman ay kung paanong mabibigyang-katuparan
ang disenyo. Narito ang iba’t ibang pamamaraan na ginagamit sa pananaliksik.

31
S A R B E Y

Isang metodo na ginagamit upang mangalap ng datos sa sistematikong pamamaraan sa isang


tiyak na populasyon o sampol ng pananaliksik. Ito rin ay ginagamit sa mga siyentipikong
layunin tulad ng marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina, at sosyolohiya. Ang
katagumpayan nito ay nakabatay sa husay ng pagpilo ng representatib ng buong populasyon.

32
M B A W A
H A L I

• Ilang bahagdan ng mga Pilipino ang nagtitiwala pa sa pangulo ng Pilipinas?


• Gaano karaming mag-aaral ang nakauunawa sa syu ng Charter Change?

33
I P A N A Y A M
P A K I K

Ito ay pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal
na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik. May tatlong uri ng pakikipanayam ang structured,
semi-structured at unstructured.

34
I P A N A Y A M
P A K I K

Structured interview o nakabalangkas na pakikipanayam kung saan halos eksakto o tiyak ang
pagtatanong gaya ng mga talatanungan na ginamit sa sarbey. Ang kaibahan nito ay sinasagawa
ito ng pasalita at binabasa ng mananaliksik ang mga tanong sa tagasagot.

35
I P A N A Y A M
P A K I K

Semi-structured interview o pakikipanayam na bahagyang nakabalangkas naman ay mas


nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam. Ito’y
gumagamit ng mga gabay na tanong upang maging maayos at sistimatiko ang daloy ng
panayam ngunit hindi strikto ang pagsunod dito at nagpapaubaya sa pagpapalalim at
pagpapalawak ng tanong na nagmumula sa impormasyong ibinigay ng kinapanayam.

36
I P A N A Y A M
P A K I K

Unstructured interview o walang estruktura ito’y naglalayong galugarin ang nararamdaman ng


kalahok tungko sa paksa ng panayam. Maari ding maging paksa ng panayam ang kuwentong-
buhay o partikular na karanasan ng kalahok.

37
I P A N A Y A M
P A K I K

Mga paalala sa pagsasagawa ng pakikipanayam:


• Maging maagap sa itinakdang oras ng panayam.
• Ihanda ang gabay sa panayam at iba pang kakailanganing materyales gaya ng recorder, camcorder
o anomang kasangkapan sa pagtatala.
• Magsagawa ng inisyal na pananaliksik tungkol sa kakapanayamin.
• Magsalita ng malinaw kung nagtatanong o nagpapaliwanag at maging magalang sa bawat kilos at
pagsasalita.
• Magbigay ng simpleng token o sulat ng pasasalamat sa taong kinapanayam, hindi bilang suhol,
kundi pagpapakita ng pagpapahalaga sa oras na inilaan ng kalahok.

38
A R Y O N G P
E N T
D O K U M S U S U R I
A G

Ito ay isang pamamaraan sa pananaliksik na ginagamit upang kumalap ng impormasyon na


susuporta at magpapatibay sa mga datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng analitikal na
pagbasa sa mga nasusulat na komunikasyon at mga dokumento upang malutas ang mga
suliranin. Ilan sa mga uri ng dokumentaryong pagsusuri: pagsusuri sa nilalaman (content
analysis), pagsusuring semyotiko (semiotics), pagsusuring diskorsal (discourse analysis), at
interpretatibong pagsusuri (interpretative analysis).

39
N G K A S N A
NAKABALA N
OBS E R B A S Y O

Ginagamit ito sa mga uri ng pananaliksik na nangangailangan ng field study gaya ng


etnograpiya. Ang nakabalangkas na obserbasyon ay pagmamasid ng mananaliksik sa mga
kalahok na pokus ng pag-aaral habang sistematikong itinatala ang kanilang pagkilos,
interaksiyon, at pag-ugali sa pamamagitan ng gabay sa obserbasyon.

40
A M U H A N G
PA K I K I S A L N
OBS E R B A S Y O

Ito ay pag-aaral sa kilos, pag-uugali, at interaksiyon ng mga kalahok sa isang likas na


kapaligiran. Kasabay ng sistematikong obserbasyon, ang mananaliksik ay nakikisalamuha at
nakikisali sa karaniwang mga proseso o pamumuhay ng mga tao sa komunidad.

41
a P o p u l a s y o n n g
2. L o k a l n
P a n a n a l i k s i k

Sa bahaging ito ng metodolohiya, nakasaad ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok
ng pananaliksik. Kabilang sa mga ito kung sino, tagasaan, o kaya ay kung sa anong istitusyon o
organisasyon may kaugnayan ang kalahok. Ipinapaliwanag dito ang proseso ng sampling na
pinagdaanan at kung ano ang dahilan o pinagbatayan ng pamimili ng kalahok.

42
n s a P a g l i k o m n g
3. Kasang k a p a
Datos

Sa bahaging ito ng metodolohiya, ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong gagamitin


upang maisagawa ang pamamaraan ng pananaliksik. Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang
instrumento.
Binubuo ang instrumento bago ang aktuwal na pangangalap ng datos. Nagsisilbing bahagi ng
apendiks ng pananaliksik ang mismong talatanungan, checklist, o anomang gabay.

43
g l i k o m n g D a t o s
4. Paraa n n g P a

Nilalaman naman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng


datos.

44
n g P a g s u s u r i n g
5. P a r a a n
Datos

Nakapaloob sa bahaging ito kung paano gagawing sistematiko ang presentasyon ng datos para
sa mas madaling interpretasyon at pagsusuri.

45
Maraming Salamat
May mga katungan?
Kumento?
Klaripikasyon?

You might also like