katawan sa sitwasyong ating kinakaharap • Ang pagkakaroon ng emosyon ay nakakasiya at sadyang malaki ang epekto sa kung paano tayo nakikitungo sa ating kapwa. • Sa pagkakataong nakadarama tayo ng pagkalungkot at kawalan ng pag-asa ay kailangan natin ng katatagan ng kalooban o fortitude upang magawa nating malagpasan ang mga hirap at takot na ating maaring maramdaman mula sa mga pagsubok na ating maaring harapin sa ating buhay. • Mahalaga din na matutunan natin ang birtud ng kahinahunan (prudence) at maging mahinahon, pagnilayan ang sitwasyon, at pag-isipan ng mabuti ang pinakatamang gawin upang maiwasan na makagawa ng maling pasya dahil sa kasalukuyang nararamdaman. • Ayon kay Sto. Tomas de Aquino na ang matalinong paghuhusga ay hindi lamang nagpapatungkol sa kung ano ang nararapat na gawin ng isang tao sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay, kinakailangan na magkaroon tayo ng kakayahang gumawa ng pasiya na napapanahon sa ating kasalukuyang sitwasyon. AYON KAY FELDMAN (2005, PH.346), SA PAMAMAGITAN NG EMOSYON AY: Diskripsyon Halimbawa a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa Ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na kanyang paligid at nabibigyan ito ng sasaktan kung hindi mo ibibigay ang iyong katuturan ng kanyang isip. baon sa kanya. Dahil dito ikaw ay mapipilitan nalang na ibigay ang iyong baon sa kanya b. Nakatutukoy ng higit na angkop na kilos Ikaw ay iiwas na sa mga taong maaring kung sakaling maramdaman ulit ang makapanakit sa iyo o gumawa ng hindi damdamin. mabuti dahil sa naramdaman mo mula sa dating karanasan mo mula sa kanila. c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at Pagsuntok sa pader pag, pag-iyak, o pagtawa pakikipag-ugnayan sa kapwa nang malakas NAISASAGAWA ANG MGA ANGKOP NA KILOS UPANG MAPAMAHALAAN NG WASTO EMOSYON. (ESP8PIIF-7.4) • Napaka laki ng impluwensya ng ating emosyon sa kung ano ang ating kasalukuyang ikikilos at paraan ng pagpapasiya sa harap ng mga sitwasyong may krisis, suliranin, o pagkalito. ANG LITERASIYANG PANDAMDAMIN AYON KAY SEEBURGER, (1997 PH.30), AY TUMUTUKOY SA DALAWANG BAGAY.
• Una ay ang kakayahang alamin at unawain ang mga
sariling emosyon • Pangalawa ay kakayahang matukoy at maramdaman ang damdaming nababagay o akma para lamang sa sitwasyong kasalukuyang kinakaharap • Malinaw sa mga pananaw ng mga siyantipikong kaya nina Salovey, Gardner, at Goleman na sadyang napakahalaga para pagpapaunlad ng sarili at ng pakikipagkapuwa sa tao ang mapamahalaan ng wasto ang emosyon. Mataas ang EQ o Emotional Quotient ng isang taong kayang matagumpay na pamahalaan ang kanyang emosyon. ITO ANG LIMANG PARAAN PARA PAMAUNLAD ANG EQ (GOLEMAN, D.,1998)
• 1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na may
kamalayan sa sariling damdamin dahil malaki ang maitutulong nito upang maunawaan ang iyong sarili. Nagagawa mong gumawa ng pasiya nang hindi naaapektuhan ng pasiya ng ibang tao. • 2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang taong may ganitong kakayahan ay madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit ang sariling mithiin sa buhay. • 3. Motibasyon. Ito ay kakayahan ng isang tao na magpigil at magtimpi na gawin ang isang bagay na hindi nararapat upang maisulong ang ikabubuti ng mas nakararami. Sila ay may disiplina at hindi pabigla-bigla ang pagpapasiya. Sila ay madalas na nagninilay sa kanilag mga gagawing pasiya. • 4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ang mga taong mayroo nito ay marunong bumasa at bigyang kahulugan ang kilos ng iba. Kaya nilang madama ng damdamin at pangangailangan ng ibang tao • 5. Pamamahala ng ugnayan. Ibig sabihin nito at napapamahalaan nang tama ang emosyon sa pakikipagugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan. Mahalga na may tiwala sa sarili , malawak at bukas ang isipan at kalooban. Pati narin ang paggalang at pagtanggap sa mga pangyayari, at pagiging tapat sa sarili. NATUTUKOY ANG KAHALAGAHAN NG PAGIGING MAPANAGUTANG LIDER AT TAGASUNOD PINUNO
• Sila ang mga tao na handang
tumayo at humarap sa lahat upang magsimula ng kaayusan, pagbabago at maghanap ng tamang layunin na tatahakin ng lahat TAGASUNOD • Sila ang mga nagsasakatuparan ng layunin sa pamamagitan ng wasto at tapat na pagsasakilos ng kanilang gampanin sa isang samahan, grupo o organisasyon. • Ang mga pinuno ay mga taong binigyan ng karapatan at responsibilidad na gampanan ang pamumuno, magbigay direksyon o pangunahan ang buong grupo, isipin ang wastong layunin na isasabuhay ng lahat at gumawa ng tamang pasya o desisyon pagkatapos ng masusi at maingat na pag-aaral o pag- aanalisa ng iba’t ibang sitwasyon na kinakaharap o kakaharapin ng buong grupo • Nagpapanatili ng pagkakaisa at pagiging buo ng kaniyang pinamumunuan. • Nagsasa-ayos at pagbibigay ng direksyon sa mga pinamumunuan ay may pagkakataon na kailangan ng ilang miyembro ng magbibigay sa kanila ng lakas ng loob at inspirasyon upang maisakatuparan nila ang kanilang mga layunin. • Nagsisilbing modelo ng pagiging matatag at Mabuti • Mahalaga na handa siyang tanggapin ang mga responsibilidad na ipinagkaloob sa kanya ng bukal sa puso. • Ang mga tagasunod ay ang iba pang mga kasapi ng isang samahan, grupo o organisasyon. • Sila ay binigyan ang karapatan at responsibilidad na suportahan, sundin at isakatuparan ang mga akmang layunin na inilahad ng pinuno na tatahakin ng buong samahan. • Sila ang nagsisilbing kamay at paa upang maisagawa ang mga mithiin na inilahad ng pinuno para sa kapakanan, ikabubuti o ika-uunlad ng buong samahan. • Ang mga mahuhusay na pinuno ay nagmula sa pagiging tagasunod NASUSURI ANG KATANGIAN NG MAPANAGUTANG LIDER AT TAGASUNOD NA NAKASAMA, NAOBSERBAHAN O NAPANOOD. (ESP8PIIG-8.2) PAMUMUNONG INSPIRASYUNAL, TRANSPORMASYONAL, AT ADAPTIBO AYON KAY DR. EDUARDO MORATO (2007)) PAMUMUNONG INSPIRASYUNAL PAMUMUNONG PAMUMUNONG ADAPTIBO TRANSPORMASYUNAL Nagbibigay direksyon at inspirasyon. Nais na pagbabago ang pinakatuon. Ang pamumuno ay ibinabatay sa sitwasyon. Nakikita ang kahahantungan ng Ginagamit ang mga karanasan ng May mataas na antas ng pagkilala sa pangarap ng kasamahan. nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap sarili (selfawareness). upang makamit ang mithiin. Nakikinig sa mga miyembro. Kaya niyang gawing kalakasan ang May mataas na antas ng pagkilala sa mga kahinaan. sarili (selfawareness). Namumuno sa kabutihang panlahat. Nakakahanap ng magagandang May mataas na emotional quotient oportunidad para sa tagumpay ng (EQ). pinamumunuan. Modelo at halimbawa ng mabuting Tinutukoy ang pinakamahalaga at May mataas na emotional quotient pagpapahalaga pinakaunang dapat gawin sa paglutas (EQ). ng suliranin. Mahusay makipag-ugnayan sa kapwa Umaalalay bilang mentor. APAT NA KATANGIAN ANG ADAPTIBONG LIDER • 1. Kakayahang pamahalaan ang sarili (self-mastery o self-adaptation). • 2. Kakayahang makibagay sa sitwasyon. • 3. Kakayahang makibagay sa personalidad. • 4. Kakayahang makibagay sa mga tao. ILANG MAHAHALAGANG KATANGIANG NG TAGASUNOD
• 1. Nakikiisa at aktibo sa pagtupad ng layunin ng
pangkat. • 2. Matalino sa pagpili ng pinuno. • 3. May tiwala sa pinuno. • 4. Halimbawa ng tamang pag - uugali • 5. Ulirang tagasunod • 6. Tapat na naglilingkod • 7. Ang kabutihang panlahat ay isinasaalangalang. • 8. Mabuting impluwensya ng pakikiisa at pagsunod sa pamumuno ng lider URI AT ANTAS NG PAGIGING TAGASUNOD
• 1. Uliran – Mataas ang antas ng kritikal na paraan ng pag-
iisip at aktibo makilahok. • 2. Hiwalay – Mataas ang antas ng kritikal na paraan ng pag- iisip ngunit hindi aktibo makilahok. • 3. Umaayon – Mababa ang antas ng kritikal na paraan ng pag-iisip ngunit aktibo makilahok. • 4. Pragmatiko (Praktikal) – May katamtamang antas na kritikal na paraan ng pag-iisip at mayroon ding katamtamang antas sa pakikilahok. • 5. Pasib (Hindi Aktibo)- Mababa ang antas ng kritikal na paraan ng pag-iisip at hindi aktibo makilahok.