Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

IKALAWANG

PAGLALAKBAY
HONGKON
G
Ang biyahe sa hongkong
Pebrero 1888 – Tinutugis si Rizal ng mga makapangyarihang
kaaway kaya umalis siya sa bansa sa ikalawang pagkakataon.

Pebrero 3, 1888 - Nilisan ni Rizal ang Maynila patungong


Hongkong lulan ng Zafiro.
Hindi siya nakababa sa barko nang sandaling tumigil ito sa
Amoy noong Pebrero 7, 1888.
Dahil sa mga sumusunod:

1. Hindi mabuti ang kaniyang pakiramdam


2. Malakas ang ulan noon
3. Narinig niyang marumi ang lungsod

Dumating siya sa HongKong noong Pebrero 8, 1888.

Sumulat si Rizal kay Blumentritt noong Pebrero 16, 1888, para ipahayag
ang kapaitang nararamdaman niya sa buhay.
Tumuloy si Rizal sa OTEL VICTORIA nang dumating sa
Hongkong

Sinalubong siya ng mga Pilipinong Residente, kabilang sina:


Jose Maria Basa
Balbino, Mauricio
Manuel Yriarte( anak ni Francisco Yriarte- Alkalde
Mayor ng Laguna)

Jose Sainz de Varanda- isang Espanyol na dating kalihim ni Gob. Hen.


Terrero, ay kinomisyon ng mga awtoridad na Espanyol para subaybayan o
tiktikan si Rizal habang nasa Hongkong
MACAO
PAGBISITA SA
MACAO
Noon Pebrero 18, si Rizal ay sinamahanni Basa, ay lulan ng barkong Kiu-
Kiang patungong Macao. Nagulat siya nang makita rito ang isang pamilyar
na lalaki – si Sainz de Veranda.

“Ang Lungsod ng Macao”, isinulat ni Rizal sa kaniyang talaarawan na


maliit, mababa, at malungkot. Marami itong junk,sampan,at kaunting barko.
Mukha itong malungkot at tila patay na.

Tumuloy sina Rizal at Basa sa tahanan ni Don Juan Francisco Lecaros.


Pebrero 20 – Bumalik sina Rizal at Basa sa HongKong lulan ng Kiu-Kiang.
MGA KARANASAN SA
HONGKONG
1. Maingay na selebrasyon ng Bagong Taon na nangyari ika- 11 ng Pebrero
hanggang ika-13.
2. Maingay na teatrong Tsino, na may maingay na manonood at maingay sa
musika.
3. Ang salu-salong lauriat. Ang pinakamahabang kainan sa buong mundo.
4. Ang Ordeng Dominiko – ang pinakamayamang ordeng panrelihiyon sa
HongKong
5. Sa mga sementeryo saHongKong na sa mga Protestante, Katoliko, at
Muslim.
PAGLISAN SA
HONGKONG
Noong Pebrero 22, 1888, nilisan ni Rizal ang HongKong lulan ng SS
Oceanic, barko ng Estados Unidos.

Tinawag si Rizal na “mabuting tao” ng isang Ingles na Protestanteng


misyonero na naninirahan sa Tsina ng 27 taon at marunong ng wikang Tsino.

Ang ilang pasaherong kinausap ni Rizal sa kani-kanilang wika ay dalawang


Portuges, dalawang Tsino, ilang Ingles, at isang Amerikanong Protestanteng
misyonero.
JAPAN
ROMANTIKONG PAGBISITA SA JAPAN, 1888
Isa sa pinakamasayang bahagi ng buhay ni Rizal ang kanyang isa’t kalahating
buwang (Pebrero 28 – Abril 13, 1888) pagbisita sa Land of Cherry Blossoms.

Umibig siya sa isang Haponesa, na ang ganda’y nagdulot ng ligaya at romansa


sa nagdurugo niyang puso. Ang tunay nitong pangalan ay Seiko Usui. Ang
tawag sa kanya ni Rizal ay O-Sei-San.

Dumating si Rizal sa Yokohama ng araw ng Martes, Pebrero 28, 1888. Tumigil


siya sa Otel Grande
ROMANTIKONG PAGBISITA SA JAPAN, 1888
Nang sumunod na araw, nagtungo siya sa Tokyoo at
kumuha ng silid sa Otel Tokyo mula Marso 2-7

Humanga siya sa lungsod, sa sulat niya kay Blumentritt:


Mas mataas ang antas ng pamumuhay sa Tokyo kaysa
sa Paris. Malalapad at malalaki ang kalsada.
SI RIZAL SA
TOKYO
Inanyayahan si Rizal ni Juan Perez Caballero, kalihim ng Legasyong Espanyol
na tumuloy sa Legasyong Espanyol.

Tinanggap niya ang imbitasyon dahil


1. Makapagtitipid siya sa kaniyang gastusin
2. Wala naman siyang dapat itago sa mga Espanyol

Sa unang araw ni Rizal sa Tokyo, nahihiya si Rizal dahil hindi siya marunong
ng wikang Hapon.
Para maiwasan ang kahihiyan, nagpasya si Rizal na pagaralan ang wikang
Hapon.
MGA IMPRESYON NI RIZAL SA
JAPAN
1. Ang kagandahan ng bansa
2. Ang kalinisan, pagiging magalang, at kasipagan ng mga Hapon
3. Kakaunti ang magnanakaw sa Japan
4. Bihira ang mga pulubi

May isang bagay na hindi nagustuhan ni Rizal, ito ay ang popular na


transportasyon, ang rick-shaw, na hinihila ng kalalakihan.
PAKIKIPAGROMANSA KAY O-SEI-
SAN
Nakita ni Rizal na naparaan ang isang magandang Haponesa.
Inabangan ni Rizal at ng hardinerong Hapon ang dalaga sa may tarangkahan ng
legasyon

Nakita ni Rizal sa magandang si O-Sei-San ang magagandang katangiang


hinahanap niya sa babae.

Ang ganda at pag-ibig ni O-Sei-San ay muntik nang magpabago ng pasya ni


Rizal.
SI O-SEI-SAN PAGKARAAN NG PAG-ALIS NI RIZAL
Noong 1897, isang taon pagkaraan ng pagbitay kay Rizal, ikinasal si O-Sei-San
kay G. Alfred Charlton, isang Ingles na guro ng kimika sa Peers’ School sa
Tokyo. Nagkaroon sila ng anak na babaing pinangalanang Yuriko.

Namatay ang asawa ni O-Sei-San noong Nobyembre 2, 1915.


Ang kanilang anak ay napangasawa ni Yoshiharu Takiguchi, anak ng isang
senador na Hapon.

Namatay siya noong Mayo 1, 1947 sa edad na 80. Inilibing siya sa Sementeryo
ng Zoshigawa.
SAYONARA
JAPAN
Noong Abril 13, 1888, sumakay si Rizal sa SS Belgique (Belgic), barkong
Ingles, sa Yokohama, patungong Estados Unidos.

PAGTAWID SA
PACIFIC
Maraming nakilala si Rizal habang lulan ng barko.
Isang pasahero ng Belgic na kinaibigan ni Rizal ay si Tetcho Suehiro, isang
palabang Hapon na mamamahayag, noblista at karapatang pantao na pinalayas
ng pamahalaang Hapon.

Noong Disyembre 1, 1888, pagkaraan ng huli’t mahigpit na kamayan,


nagpaalam sa isa’t isa ang dalawa.
SI
TETCHO
Noong 1889, pagkabalik ni Tetcho sa Japan, inilathala ni Tetcho ang kanyang
talaarawan tungkol sa biyahe niya. Pagkatapos ay nagretiro si Tetcho bilang
patnugot ng Choya, pahayagan sa Tokyo, at pumasok sa larangan ng politika.

Nang sumunod na taon (1891) ay inilathala niya ang nobelang political na


Nankai-no-Daiharan na nahahawig sa Noli Me Tangere. Pagkaraan ng tatlong
taon (1894), nailathala niya ang isa pang nobela, na O-unabara, na hawig sa El
Filibusterismo.

Namatay si Tetcho sanhi ng atake sa puso noong Pebrero 1896 sa Tokyo. Siya
ay 49 taong gulang.
Si rizal
at
Ang
La solidaridad
Pebrero 15, 1889, itinatag ni Graciano Lopez Jaena ang makabayang
pahayagang La Solidaridad sa Barcelona

Layunin ng pahayagan ng Kilusang Propaganda


1. Makapagtrabaho nang mapayapa para sa repormang panlipunan at
pampolitikal.
2. Mailarawan ang mga kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas nang ang
Espanya ay makagawa ng remedyo ukol dito.
3. Labanan ang masasamang puwersa ng reaksyonaryo at pagkasinauna.
4. Magtaguyod ng mga ideyang liberal at kaunlaran
5. Maging kampeon ng mga lehitimong aspirasyon ng mga Pilipino sa buhay,
demokrasya, at kaligayahan
Ang unang artikulo ni Rizal na nailathala sa La
Solidaridad ay pinamagatang “Los Agricultores
Filipinos” (Mga Magsasakang Pilipino). Nailathala ito
noong Marso 25, 1889, anim na araw pagkaalis niya sa
London patungong Paris. Nailarawan niya ang kalunos-
lunos na kalagayan sa Pilipinas na siyang sanhi ng
pagkaurong ng bansa
Mga isinulat sa london
Natanggap ni Rizal ang balita tungkol sa panunuligsa ni Padre
Rodriguez sa kanyang Noli. Bilang pagtatanggol, isinulat niya
ang polyetong La Vision del Fray Rodriguez (Ang pananaw ni
Padre Rodriguez)

Sa La Vision del Fray Rodriguez, ipinakita ni Rizal ang


dalawang bagay: (1) ang kanyang malalim at malawak na
kaalaman sa relihiyon at (2) ang kaniyang matalim na
santirika.
Sa London, isinulat niya ang bantog na “Liham sa mga Dalaga ng
Malolos” (Pebrero 22, 1889) sa Tagalog upang purihin ang
kadalagahan ng Malolos kung saan hinihiling ng mga dalaga ang
pagtatag ng isang paaralan kung saan nila mapag-aaralan ang wikang
Espanyol.

Si Dr. Rost ay humiling kay Rizal na magbahagi ng ilang pag-aaral.


Bilang tugon, inihanda ni Rizal ang “Specimens of Tagal Folklore”
(Mga Halimbawa ng Alamat ng mga Tagalog) na nailathala noong
Mayo 1889; at “Two Eastern Fables” (Dalawang Pabula ng
Silangan) na nailathala noong Hunyo 1889.
Nagkaroon ng romansa si Rizal kay Gertude. Ang kanilang pagiging
magkaibigan ay nauwi sa pag-iibigan. “Gettie” ang tawag ni Rizal at “Pettie”
naman ang tawag ni Gettie kay Rizal. Ngunit pinigil niya ang kanyang puso at
nagpasyang lumayo nang malimutan na siya ni Gettie.

Bago lisanin ang London, tinapos ni Rizal ang apat niyang eskultura:
1. Prometheus Bound
2. The Triumph of Death over Life
3. The Triumph of Science over Death
4. Busto ng mga magkakapatid na Beckett
Biglang-bigla, noong Marso 19, 1889, umalis si Rizal sa London patungong
Paris.
Estados
unidos
Abril 28, 1888- unang nakita ni Rizal ang Amerika

San Francisco- dumaong ang Barko Belgic na lulan si Rizal, Sabado


• hindi pinayagang bumaba ang lahat na pasahero
• Ikinuwarentinas ng mga Amerikano sila dahil sa isyung pangkalusugan,
dahil ang barko ay galling sa Dulong Silangan kung saan diumano’y may
epidemya ng kolera
• Natuklasan ni Rizal na may kinalaman sa politika ang nangyari.

Mayo 4, 1888, Biyernes nang hapon ng payagan si Rizal na makababa ng


barko.
• Otel Palace-dito siya nagparehistro, na siyang itinuturing na primera
klaseng otel sa lungsod.
Tumigil si Rizal sa San Francisco ng 2 araw- Mayo 4-6, 1888.
Grover Cleveland- ang pangulo ng Amerika noon

KONTENINTENG AMERIKA
Mayo 6, 1888-Linggo,4:30 n.h nilisan niya ang San Francisco at at tumungo ng
Oakland, 9 na milya ang layo , lulan ng bangkang pantawid

Sa Oakland sumakay ng tren para sa kabuuan ng kanyang biyahe sa kabuuan ng


kontinente, naghapunan sa Sacramento sa halagang 75 cents at natulog sa
kamarote
Mayo 7- nag-agahan sa Reno, Nevada na ngayon ay glamorosong tinaguriang-
ANG PINAKAMALAKING MALIIT NA LUNGSOD SA BUONG
MUNDO
NEW YORK- Mayo 13, Linggo n.u niya narating. Tumigil siya ng 3 araw sa
lungsod na ito na tinagurian niyang MALAKING BAYAN
Mayo 16, 1888 nilisan niya ang New York at pumunta ng LIVERPOOL lulan ng
City of Rome
=Ang barko ayon sa kanya ay pangalawang pinakamalaking barko sa
buong mundo sundo sa Great Eastern
= Nakita niya ang higanteng Statue of Liberty sa Isla ng Bedloe nang
mapadaan ang kanilang barko sa daungan ng New York

Mga magandang Impresyon niya sa AMERIKA:


1.material na kaunlaran ng bansa na makikita sa malalakingblungsod, lupaing
Agrikultural, mga umuunlad na industriya at mga abalang pagawaan
2. Ang enerhiya at pagpupursige ng mga Amerikano
3. Likas na kagandahan ng bansa
4. Mataas na antas ng pamumuhay
5. Mga oportunidad para sa mabuting buhay para sa mahihirap na
imigrante

PANGIT NA IMPRESYON:
1. Kawalang ng pantay-pantay na pagtrato sa mga lahi
sa sulat kay Ponce “wala silang tunay na kalayaang sibil”. Sa ibang estado,
hindi maaaring ikasal ang isang negro sa isang puti.
Ang pagkamuhi sa mga Tsino ang siyang dahilan kaya nahihirapan ang ibang
Asyano rito. Tulad ng hapon na lagging napagkakamalang Tsino kaya sila
ay kinamumuhian din
Nang tanungin siya tungkol sa impresyon niya sa Amerika= “ANG AMERIKA
AY ISANG BANSANG MAY NAPAKAGALING NA KALAYAAAN
NGUNIT PARA LAMANG SA MGA PUTI
LONDON
BIYAHE PA-ATLANTIK
Ang El Filibusterismo ang pangalawang nobela ni Rizal. Inilathala ang El
Filibusterismo sa Ghent, Belgium noong 1891, apat na taon matapos ang
paglalathala ng Noli Me Tangere.

Sa kaniyang pagbabalik sa Europa, sinimulan niya ang pagsusulat ng kaniyang


El Filibusterismo noong Hunyo 1888 at dito inilarawan niya ang sigalot na
nagaganap sa Pilipinas at ang nakikita niyang solusyon dito.

Ipinagbawal ang Noli Me Tangere ng Komisyon ng Sensura noong Disyembre


1887 sa pagpapatibay ng mga prayle batay sa sensura ng Komisyon ng
Unibersidad ng Sto. Tomas. Nagpatuloy din ang pagkastigo sa mga kaanak at
kaibigan ni Rizal.
Sinagot ni Rizal ang kanilang mga panunuligsa sa
pamamagitan din ng mga panulat tulad ng paglikha ng
kaniyang El Filibusterismo.

You might also like