Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 39

MAGANDANG HAPON

GRADE 9
PICS W RD
Panuto:
Hulaan ang mga sumusunod na
larawan.
PANAHON
LUGAR
PARAAN
LAYUNIN:
• Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan
at pamaraan sa pagbuo ng alamat
• Naisusulat muli ang maikling kuwento nang may
pagbabago sa ilang pangyayari at mga katangian ng
sinuman sa mga tauhan; ang sariling wakas sa naunang
alamat na binasa
IRAN
• Ang kultura ng bansang Persia na ngayo'y
tinatawag na Iran ay isa sa pinakaluma at
pinakatanyag na bansa na may maraming
kilalang kultura.
• Ito ang may pinakamayamang pamana ng sining sa
kasaysayan ng mundo at sumasaklaw ng maraming mga
disiplina kabilang na ang arkitektura, pagpipinta, habi,
kaligrapiya at iba pang kontemporaryong sining.
• Ang lungsod ng Tehran ay ang kabisera ng Iran.
• Zoroastrianismo ang relihiyon sa bansang Persia, ito'y
batay sa mga katarungan ng propetang si Zoroaster.
ALAMAT
• Ang alamat ay salaysaying nauukol sa
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig.
• Ito ay karaniwang kathang-isip o hubad sa
katotohanan ngunit sinasabing maaaring
hango din sa tunay na pangyayari.
• Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di- kapani-
paniwala o kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan
ng lugar, bagay at iba pa.
• Ang alamat ay isa sa kauna-unahang panitikan ng mga
Piipino bago pa dumating ang mga Español.
• Sa tulong ng bawat bahagi ng alamat ay
naipapakita ang mga pangyayari na sumasalamin
sa kultura, tradisyon, kaugalian at kalagayang
panlipunan.
MGA TALASALITAAN:
• Sumibol
• Katauhan
• Kaligtasan
ANG MAALAMAT NA BUHAY
NI
ZARATHUSTRA”
Alamat mula sa Iran
• Zarathustra- nag impluwensiya ng Relihiyong
Abrahamaniko na naniniwala sa pagkakaroon ng
Diyos.
• Ipinanganak bandang 800 BCE
• At namuhay sa Talampas ng Persia
• Zoroasterianismo- Relihiyong tinatag ni
zarathustra at pinakamatandang relihiyon sa
mundo.
• Ayesha Spentas- ay mga banal na katangian ng
Diyos na waring mga anghel na kumakatawan sa
kabutihan, pananampalataya at mahabang buhay.
• Ahura Mazda - ang kinikilalang Diyos ni
Zarathustra
• Ahriman - kasamaan
• Bactria - lugar na naging opisyal na
relihiyon ang Zoroasterianismo
• Haring Vishtaspa - ang haring na tumanggap
ang ideya at paniniwala ng Relihiyon ni
Zarathustra
• Maalamat ang kaniyang kwento
sa pagpapamalas ng bisyon ng
diyos at ng kaniyang tinatawag
na Ayesha Spentas.
Mga Katanungan:
• Ano ang alamat?
• Bakit sinasabing maalamat ang kwento ni
Zarathustra?
• Mababakas ba sa alamat ang mga kaugalian
Asyano sa kasalukuyan?
PANG-ABAY NA
PAMANAHON,
PANLUNAN AT
PAMARAAN
• Pang-abay ang tawag sa salitang
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at
kapwa pang-abay.
MGA URI NG PANG-ABAY
• Pang-abay na Pamanahon
• Pang-abay na Panlunan
• Pang-abay na Pamaraan
• Pang-abay na Pamanahon
• Nagsasaad kung kailan ginanap,
ginaganap, o gaganapin ang kilos ng
pandiwa.
Dalawang uri Pang-abay na Pamanahon
• Pananda - gumagamit ito ng nang, sa, noong, kung,
tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang bilang
mga pananda ng pamanahon.
• Walang pananda - gumagamit ng kahapon, kanina,
ngayon, mamaya, bukas, sandali , at iba pa.
Halimbawa:
• Tuwing Pasko isinasabit ang parol.
• Kahapon ay ginanap ang pagdiriwang ng
pagkakatatag ng paaralan.
2. Pang-abay na Panlunan
• Nagsasaad ito ng lugar o pook ng
pinangyarihan ng bagay o gawaing
sinasabi ng pandiwa.
Halimbawa:
Sa paaralan ginanap ang paligsahan sa pagsulat ng tula.
3. Pang-abay na Pamaraan
• Nagsasaad ng paraang ipinangyari ng
sinasabi ng pandiwa.

Halimbawa:
Matagal-tagal ding nagsasanay ang mga mag-aaral para
sa nalalapit na pagdiriwang.
Tanong:
• Paano makatutulong ang pang-abay na pamanahon
panlunan at pamaraan sa pagsasalaysay?
Pangkatang Gawain:
Pagsulat ng Sariling Wakas ng Salaysay
Panuto:
Basahing muli ang akdang “Ang Maalamat na Buhay ni Zarathustra”
magsaliksik ng mga impormasyon may kinalaman sa kaniya. Isulat ang
mahahalagang pangyayari sa kaniyang buhay sa tulong ng kasunod na
tsart sa baba. Isa-isahin ang mga pangyayari sa tulong at gamit ng mga
pang-abay mula sa kaniyang kapanganakan hanggang kamatayan.
Pagkatapos, bigyan ito ng inyong sariling wakas.
Kapanganakan

Mahahalagang
Pangyayari

Sariling Wakas
Pamantayan sa Pagsulat ng Sariling Wakas ng Kuwento
Mga Pamantayan
1. Kahawig sa akdang tinalakay 10%
2. Orihinal 5%
3. Angkop ang kaisipan/aral sa akda 5%
Kabuuan 20%
PO
SA PAKIKINIG!

You might also like