Filipino Week 7

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

Paghahambing ng

Tao, Bagay at
Lugar
Minsan ay nagpunta sa parke sina Amor,
Minda, at Linda.
Amor: Ang gaganda ng mga bulaklak!
Linda: Mas maganda ang mga rosas.
Amor: Aba, hindi! Ang sampagita ay
mas maganda kaysa sa rosas. Higit na mabango ito sa rosas. Puti ang
kulay nito.
Linda: Ang rosas ay mas makulay kaysa sampagita. Iba’t iba ang kulay
nito.
Mas malalaki pa ang mga rosas.
Minda: Naku! Huwag na kayong magtalo.
Magkasingganda at magkasimbango ang dalawang bulaklak. Pagmasdan
na lang natin silang mabuti. Tingnan ninyo ang nakasulat na paalala.
“Huwag pumitas ng mga bulaklak,” at “Huwag tapakan ang mga damo.”
Sundin na lamang natin ang mga ito upang manatiling maganda ang
plasa.
Linda: Tama!
1. Ano-ano ang bagay na
pinaghahambing sa kuwento?
2. Paano pinaghambing ang
magkakatulad na bagay?
3. Paano nagkaiba ang rosas
at sampaguita?
Laging sundin ang
mga paalaala na
makikita sa ating
kapaligiran.
Subukin

Paghambingin ang mga


bagay sa bawat pares.
1. plato at platito
2. unan at bulak
Unang Pangkat – Tukuyin ang salitang
naghahambing sa bawat pangungusap.
1. Mas matanda ang tatay ko kaysa sa nanay
ko.
2. Ang bahay nila ay mas matibay kaysa sa
amin.
3. Magkasintapang ang leon at tigre.
4. Higit na magara ang kotse ni G. Ibunan
kaysa kay G. Paraiso.
5. Mas sagana ang ani ng palay noong
nakaraang taon kaysa ngayon.
TUKLASIN

Ikalawang Pangkat –
Isulat ang A kung ang pang-uri ay
naghahambing ng magkatulad at B kung hindi magkatulad.
1. Magkasintamis ang atis at lansones.
2. Mas mayaman sina Rona kaysa kina Rey.
3. Higit na malayo ang Baguio sa Pampanga.
4. Mas makintab ang sahig sa sala kaysa sa kusina.
5. Mas malakas ang hangin noong nakaraang bagyo kaysa sa
ngayon.

Ikatlong Pangkat
Iguhit ang inilalarawan ng bawat pangungusap.
1. Ang lobong pula ay mas maliit sa lobong puti.
2. Magkasingganda ang rosas at kamya.
3. Si Kuya at si Ate ay magkasinlusog.
4. Ang bulkan ay kasintaas ng bundok.
5. Magkasinghaba ang lapis at krayola.
Ang mga salitang magkasing, sing-, at
kasing- ay naghahambing ng dalawang
magkatulad na tao, hayop, bagay, o
lugar.
Kung magkaiba naman ang
pinaghahambing, ginagamit ang higit
na at mas. Ginagamit lamang ang mga
ito kung ang paglalarawan ay nasa
kaantasang pahambing.
Ibigay ang angkop na antas ng pang-uring nasa loob ng panaklong
upang makumpleto ang pangungusap.

.1 (mahalaga)
Ang aklat at diksiyunaryo ay _________.

. (masustansiya)
Ang gatas ay __________ kaysa sa kape.

3. (maamo)
Ang maya ay___________ kaysa sa lawin.
4. (pula)
Ang rosas at gumamela ay _________.

5. (matamis)
________ ang atis kaysa pinya.
Isaisip
Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilugan
ang mga letra ng larawang nagpapakita ng
pagpapanatili sa kalinisan at kaayusan ng
pamayanan.
Isaisip
Isaisip
Isagawa

1. Itinatapon ko ang
mga basura sa tamang lalagyan.

2. Ibinubukod ko ang
basurang nabubulok sa di
nabubulok bago ko ilagay sa
tamang lalagyan.
Kulayan ang bituin ayon sa
kung gaano mo kadalas
ginagawa ang sumusunod
na gawain. Gamitin ang
pamantayan sa ibaba:
Pula - Palagi kong
ginagawa
Dilaw - Paminsan-minsan
kong ginagawa
Berde - Hindi ko ginagawa
Isagawa

3. Tinatapakan ko ang
bagong tanim na halaman sa
aming bakuran.

4. Sinusulatan ko ang
pader ng aming kapitbahay.

5. Itinatapon ko ang
aming basura sa tabing ilog.
Basahin ang sumusunod na sitwasyon.
Bilugan ang letra ng nararapat mong
Tayahin
gawin upang maipakita ang pakikiisa
mo sa pagpapanatili ng kalinisan at
kaayusan ng pamayanan.
1. Kumakain kayong magkakaibigan
ng lansones habang nanonood ng
larong basketball sa palaruan. Nang
matapos ang laro, iniwanan ng
kasama mo ang balat ng lansones sa
upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ikakalat ko ang mga balat sa
palaruan.
B. Iiwanan ko ang mga balat sa
upuan.
C. Pupulutin ko ang mga balat at
itatapon ko sa basurahan.
Tayahin

2. Isang Sabado ng umaga, tulong-


tulong na naglinis ng bakuran ang
inyong pamilya. Ano ang dapat
mong gawin sa basura?
A. Sasabihin ko kay tatay na sunugin
na lang ang mga basura.
B. Paghihiwalayin ko ang nabubulok
at di nabubulok na basura.
C. Itatapon ko sa tabi ng ilog ang
mga basura para ipaanod.
3. Pumunta sa isang resort ang
inyong pamilya. Matapos kumain,
iniligpit ng iyong nanay ang mga
ginamit sa pagkain at hinakot ng
iyong tatay ang ibang gamit sa
inyong sasakyan. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Panonoorin ko sila tatay at
nanay sa kanilang ginagawa.
B. Pupulutin ko ang mga basurang
nakakalat at itatapon sa tamang
lalagyan.
C. Tatawagin ko ang janitor upang
linisin ang lugar na aming ginamit.
4. Pumunta ang pinsan mo sa
inyong bahay upang manghingi
ng bote para sa gagawing
proyekto sa YES-O. Ano ang dapat
mong gawin?
A. Hindi ko siya bibigyan dahil
ibebenta ko iyon sa magbabasura.
B. Sasabihin ko na wala kaming
bote.
C. Bibigyan ko siya.
Tayahin
5. Nakita mo ang bagong
tanim na gulay sa inyong
paaralan na nalalanta dahil
nakalimutan itong diligan. Ano
ang dapat mong gawin?
A. Didiligan ko ito para
mabuhay.
B. Pababayaan ko itong lalong
matuyo.
C. Bubunutin ko na lang ito
para wala nang didiligan.
Basahin ang sumusunod na
pangungusap. Isulat sa patlang
ang Tama kung ito ay
nagpapakita ng pakikiisa sa
kalinisan at kaayusan ng
pamayanan at Mali kung hindi.

__________1. Itinatapon ko ang


basura kung saan ko
magustuhang ilagay.
__________2. Inaalagaan ko ang mga
halaman sa aming bakuran.
__________3. Pumupunta ako sa
palikuran kapag ako ay umiihi o
dumudumi.
__________4. Tumutulong ako sa
pagwawalis sa aming paligid.
__________5. Tinitingnan kong mabuti
kung sa tamang basurahan ko
itinapon ang basura.
Subukin
1. pagre-recycle ng
basura, paggamit uli sa
mga papl na pwede
pang gamitin
2 – 3. (sasagot ang mga
bat base sa karanasan)
Suriin
(guguhit ang mga bata)
Pagyamanin
(sasagot ang bata
base sa karanasan)
Isaisip
1. A
2. B
3. A
4. A
5. A
Isagawa
(sasagot ang bata
base sa karanasan)
Tayahin
1. C
2. B
3. B
4. C
5. A
Karagdagang Gawain
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama

You might also like