Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ILARAWAN AT MAGBIGAY NG KANYA KANYANG

KARANASAN NG NASA LARAWAN:


Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-
etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang
arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinas ay ang
kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang
bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.

Ang karatig na gusali sa Agrifina Circle ng Liwasang Rizal na dating gusali para sa Kagawaran ng Pananalapi ay siya ngayong
nagbabahay sa Dibisyon ng Antropolohiya at Arkeolohiya na kinikilala bilang Museo ng Lahing Pilipino (Museum of the Filipino People).
Itinatag ang Pambansâng Muséo ng Filipinas o National Museum of
the Philippines noong 1901 upang magsilbing tagapangalaga ng
kasaysayang kultural, likás na agham, at agham panlipunan ng
bansa. Ang neoklasikong gusali ng lumang Kongreso sa Kalye
Padre Burgos sa tabi ng Liwasang Rizal, malapit sa Intramuros,
Lungsod Maynila ang nagsisilbing pangunahing gusali ng
Pambansang Museo. Sa gusaling ito matatagpuan ang National Art
Gallery, samantalang matatagpuan ang Museo ng Lahing Pilipino
(mga dibisyon ng antropolohiya at arkeolohiya ng Pambansang
Museo) sa katabing gusali sa Agrifina Circle na dáting opisina
tahanan ng Kagawaran ng Pananalapi.
Bahagi ang dalawang gusali sa disenyo ng arkitektong Americano na si Daniel Burnham
para sa kapitolyo ng Maynila. Sinimulang ipatayô ang gusali ng lumang Kongreso noong
1918 ayon sa disenyo nina Ralph Harrington Doane at Antonio Toledo upang maging
tahanan ng Pambansang Aklatan ng Filipinas. Noong 1926, pinagpasiyahang gawin itong
gusali ng lehislatura ayon sa pagbabago sa plano ni Juan Arellano. Nasira ang gusali
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at nang maayos ay nagsilbing tanggapan ng
Kongreso, Pangalawang Pangulo, Senado, Sandiganbayan, at Ombudsman. Inilipat ito sa
Pambansang Museo noong 1998 at ipinahayag bilang Pambansang Palatandaang
Pangkasaysayan (National Historical Landmark) noong 2010.
Ilan lamang sa mga pag-aaring yaman ng Pambansang Museo ang bantog
na pinturang Spoliarium ni Juan Luna, ang Tapayang Manunggul, at ang
mga artifact na naiahon mula sa lumubog na galeong San Diego. Bilang
isang organisasyon, ang Pambansang Museo ay pinangangasiwaan ng
isang direktor na nása ilalim ng Kalupunan ng mga Gobernador(Board og
Governors) at ulo ng isang network ng mga museo sa buong Filipinas.
Nangangasiwa din ito sa mga paghuhukay na arkeolohiko at ibang
eksplorasyon sa iba’t ibang pook sa bansa. (PKJ)
Bilang isang Pilipino
paano mo ipinamalas
ang iyong
pagmamahal sa ating
mga likhang sining?

You might also like