Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 34

ARALIN : 3

MIGRASYON: KONSEPTO
AT KONTEKSTO

Inihanda ni:
Gng. Mary Ann P. Cardenas
Guro sa AP 10
Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman ang
dahilan at epekto ng migrasyon sa aspeto ng pamilya at
ekonomiya ng bansa.

Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:


1. Matutukoy ang mga dahilan at epekto ng migrasyon;
2. Maipaliliwanag ang mabuti at di mabuting epekto ng
migrasyon sa lipunan at ekonomiya ng bansa; at
3. Maisabubuhay ang bukas na isip sa mga isyung
pangkabuhayan na nakaaapekto sa pang araw-araw na
pamumuhay.
GLOC-9 SONG INTERPRATION ANALYSIS
Gabay na Tanong

1. Magbanggit ng mga manggagawang tintutukoy sa


awitin?

2. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit marami


ang umaalis ng bansa ayon sa awit?

3. Ano-ano ang mga isyung kinakaharap ng mga


Pinoy na nag-aabroad ayon sa awitin?
ARALIN 5:
MIGRASYON: KONSEPTO
AT KONTEKSTO

Inihanda ni:
Gng. Mary Ann P. Cardenas
Guro sa AP 10
Ano ang Migrasyon?
FLOW at STOCK
Ano-ano ang pangunahing dahilan ng
Migrasyon?
Pangunahing Dahilan ng Migrasyon

• Hanapbuhay - upang makapagbibigay ng malaking kita


na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay

• Asylum - Paghahanap ng ligtas na tirahan;


• Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na
matagal nang naninirahan sa ibang bansa;

• pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman


partikular sa mga bansang industriyalisado
Ano ang epekto ng Migrasyon?
Ano ang epekto ng Migrasyon?
Aralin 3 : Migrasyon: Perspektibo at Pananaw , Mga
Isyung Kalakip ng Migrasyon
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:

1. Malalaman ang isyung kalakip ng migrasyon;


2. Magkaroon ng kamalayan sa kalagayan ng mga
domestic workers sa ibang bansa; at
3. Matutuhan ang ilang pamantayang internasyonal
dala ng globalisasyon at tugon ng Pilipinas dito.
Migrasyon: Perspektibo at Pananaw

Globalisas
Mabilisang paglaki ng
yon Migrasyon
ng
Pagturing sa Migrasyon bilang
migrasyon
Pagkakaiba-iba Isyung Politikal
ng uri ng
migrasyon
Paglaganap Peminisasyon
ng ng migrasyon
‘migration
transition’
Globalisasyon
ng migrasyon
Tumataas ang bilang ng mga bansang nakararanas at
naaapektuhan ng migrasyon. Ang mga bansang madalas
dayuhin: Australia, New Zealand, Canada, at United States.
Malaking bilang ng mga migrante ay mula sa mga bansa sa
Asya, Latin America, at Aprika.
Mabilisang paglaki ng
Migrasyon
Ang dami ng mga nandarayuhan ay patuloy
ang pagtaas sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig.
Malaki ang implikasiyon nito sa mga batas at
polisiya na ipinatutupad sa mga destinasyong
bansa.
Pagkakaiba-iba ng
uri ng migrasyon
May mga bansang nakararanas ng labour migration, refugee
migration at maging ng permanenteng migrasyon nang sabay-sabay. Bukod sa
nabanggit, ang irregular migrants ay ang mga mamamayan na nagtungo sa
ibang bansa na hindi dokumentado, walang permit para magtrabaho at
sinasabing overstaying sa bansang pinuntahan.

• Temporary migrants naman ang tawag sa mga mamamayan na nagtungo


sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang magtrabaho
at manirahan nang may takdang panahon. Ang ilan sa halimbawa nito ay
mga foreign students na nag aaral sa bansa at mga negosyante na maaari
lamang manirahan pansamantala ng anim (6) na buwan.

• Samantala, ang permanent migrants ay mga overseas Filipinos na ang


layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay hindi lamang trabaho kundi ang
permanenteng paninirahan sa piniling bansa kaya naman kalakip dito ang
pagpapalit ng pagkamamamayan o citizenship
Pagturing sa Migrasyon bilang
Isyung Politikal
Malaki ang naging implikasyong politikal ng migrasyon
sa mga bansang nakararanas nito. Ang usaping pambansa,
pakikipagugnayang bilateral at rehiyunal at maging ang polisiya
tungkol sa pambansang seguridad ay naaapektuhan ng isyu ng
migrasyon. Kaya naman, higit kailanman kinakailangan ang
higit na kooperasyon at ugnayan sa pagitan ng mga bansang
kasangkot sa usaping ito
Ang migration transition ay nagaganap kapag
ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga
manggagawa at refugee mula sa iba’t ibang bansa.
Partikular dito ang nararanasan ng South Korea,
Poland, Spain, Morocco, Mexico, Dominican
Paglaganap
Republic, at Turkey.
ng
‘migration
Peminisasyon
ng migrasyon
Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa
usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa
nagdaang panahon, ang labour migration at
refugees ay binubuo halos ng mga lalaki.
Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang
ginampanan ng kababaihan sa labour
migration. Sa kasalukuyan ang mga
manggagawang kababaihan ng Cape Verdians
sa Italy, Pilipina sa Timog-Kanlurang Asya at
Thais sa Japan ay nagpapatunay rito.
Sa kaso sa Pilipinas tila nagkaroon na ng konseptong
“house husband” kung saan inaako na ng lalaki ang lahat
ng responsibilidad sa tahanan pati ang gawain ng isang ina
(kung ang ina ang nangibang bayan o bansa) upang
mapangalagaan ang buong pamilya lalo na ang mga anak.
Hindi ito marahil nakakaapekto sa kalagayang panlipunan
ng mga lalaki at unti unti nang natanggap ng lipunan sa
kadahilanan na mas tinatanggap na dahilan ay upang
mapaunlad at maiangat ang katayuan ng kani- kanilang
pamilya.
 Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng
proteksyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na
sa kondisyon ng bansa na nais nilang puntahan.
Halimbawa na lang ang bansang Bangladesh na
nagpanukala ng tamang edad ng mga babaeng
manggagawa, pagbabawal sa pagpasok ng mga
domestic workers. Ito ay upang maiwasan ang mga
undocumented workers na laganap sa iba’t ibang
panig ng mundo.
 Sa bansang Nepal, nagkaroon din ng panukala na ang
lahat ng employer o recruitment agency ay dapat na
magkaroon ng approval permit mula sa kanilang
embahada bago kumuha ng mga Nepalese worker
upang maprotektahan ang kanilang mga mamamayan
PAKSA 3: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Ano ang pinakamahalagang
natutunan mo tungkol sa araling
ito?

You might also like