Filipino 4 q2-w2 Cot

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 59

Welcome

ONLINE
CLASS
sa Filipino 4
Ako ang iyong guro,
Bb.
Tayo’y manalangin!
ALITUNTUNIN SA ONLINE

1. Mag SIGN-IN ng mas maaga sa itinakdang oras ng klase.


CLASS
2. Iwasan ang kumain habang nakaharap sa camera kapag may
online class.

3. Respetuhin ang guro at kapwa mag-aaral sa lahat ng pagkakataon.

4. Dapat naka MUTE ang mic, i-ON lamang ito kung kinakailangang
magsalita.
HELLO GRADE 4!

HANDA NA BA
KAYO SA ATING
ARALIN NGAYON?
Pagbabaybay
o Spelling
Pakinggan nang Mabuti ang mga
sasabihin kong salita.

1. 4.

2. 5.

3.
Mga sagot:

1. pasyal 4. perpekto

2. lakbay-aral 5. tanawin

3. bulkan
BALIK-ARAL
Piliin ang tamang larawan na nagpapakita ng kahulugan ng
BALIK- mga nasalungguhitang di-pamilyar na salita.

ARAL
1. Si Tony ay sumakay ng salipawpaw noong pumunta siya sa America.

ibon eroplano saranggola

salipawpaw = eroplano
Piliin ang tamang larawan na nagpapakita ng kahulugan ng
BALIK- mga nasalungguhitang di-pamilyar na salita.

ARAL
2. Magkakaroon ng piging sa aming bahay mamaya dahil kaarawan ng
aking ina.

handaan pulong eleksyon

piging = handaan
Piliin ang tamang larawan na nagpapakita ng kahulugan ng
BALIK- mga nasalungguhitang di-pamilyar na salita.

ARAL
3. Muntik nang hindi mapuno ang mga upuan sa harap ng entablado.
Piliin ang tamang larawan na nagpapakita ng kahulugan ng
BALIK- mga nasalungguhitang di-pamilyar na salita.

ARAL
4. Inilagay ni Rosa ang kanyang pera sa kaniyang pitaka.
Piliin ang tamang larawan na nagpapakita ng kahulugan ng
BALIK- mga nasalungguhitang di-pamilyar na salita.

ARAL
5. Sina Beth at Lita ay magkatoto simula nang bata pa sila.

magkaibigan magkaaway magkapatid


Naranasan niyo na bang sumama
sa isang
lakbay-aral o field trip ?
Aral sa Pamamasyal
Ma. Theresa I. Cortez

Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral


sa ikaapat na baitang sa kanilang ‘field
trip’ sa Albay. Natulala sila sa ganda at
perpektong hugis ng Bulkang Mayon
ng sila ay pumunta sa Cagsawa
Daraga, Albay. Kahit ilang beses na
itong sumabog ay tila perpekto pa rin
ang hugis nito. Kaya naman, isa ito sa
mga magagandang pasyalan na
ipinagmamalaki ng mga Bikolano.
Tinungo rin nila ang ‘Wild
Life’. Namangha ang mga mag-
aaral nang makita nilang mas
malawak ang pasyalan sa Wild
Life kaysa sa Casagwa. May
maliliit at malalaking iba’t
ibang uri ng hayop na kanilang
nakita at nalaman ang mga
katangian nito.
Pinuntahan din nila ang
bulubundukin ng Kawa-Kawa sa Ligao.
Napagod ang mga bata sa pag-akyat sa
Kawa-Kawa dahil sa sobrang taas nito.
Ngunit sulit naman dahil nakita nila
ang iba’t ibang “Station of the Cross”.
Nang makarating sila sa tuktok nito,
natanaw nila ang napakagandang
tanawin at preskong hangin ang
kanilang nalanghap.
Pagod man ang mga bata sa
kanilang ginawang lakbay-aral ay
makikita sa kanilang mga mukha ang
tuwa at saya dulot ng kakaibang
karanasan sa pagkatuto.
•Sagutin Natin
1. Ano-ano ang lugar na pinuntahan ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang
sa kanilang ‘field trip’? Ilarawan mo ang mga ito.

2. Ilarawan ang damdaming ipinakita ng mga mag-aaral sa kuwentong


napakinggan.

3. Gusto mo rin bang maranasan ang maglakbay-aral? Bakit?

4. Anong mga lugar ang nais mong puntahan? Ilarawan ang mga ito.
Basahin ang mga pangungusap.

1. Natulala sila sa ganda at perpektong hugis ng Bulkang Mayon.

salitang naglalarawan inilalarawan o


binibigyang-turing
Basahin ang mga pangungusap.

2. Namangha ang mga mag-aaral nang makita nilang


mas malawak ang pasyalan sa Wild Life kaysa sa Casagwa.

inilalarawan o
salitang naglalarawan binibigyang-turing
Basahin ang mga pangungusap.

3. Napagod ang mga bata sa pag-akyat sa Kawa-Kawa


dahil sa sobrang taas nito.

inilalarawan o
salitang naglalarawan binibigyang-turing
Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?

ganda at perpektong hugis

mas malawak
Pang-uri
sobrang taas
Ano ang pang-uri?
Pang-uri
Ang Pang-uri ay salitang naglalarawan sa tao, hayop,
bagay, lugar, at pangyayari.
Ilarawan mo ang mga ito. Mag-isip ng mga pang-
uri.
Ilarawan.
Ilarawan.
Ilarawan.
Antas ng Pang-uri
Suriin ang mga larawan.

Mabilis tumakbo ang bisikleta.

Matangkad si Lorna.
Ang lapis ay mahaba.
Ano ang antas ng
matangkad pang-uri?

mabilis 1 Lantay
Lantay kung naglalarawan ng
isang pangngalan lamang at
mahaba walang paghahambing.
Iba pang halimbawa ng Lantay

malakas mabait
masipag matalas
matalino mura
mayaman makinang
Suriin ang mga larawan.

Mas matangkad si Fe kaysa kay Lorna.


Suriin ang mga larawan.

Mas mabilis tumakbo ang kotse kaysa sa bisikleta.


Suriin ang mga larawan.

Mas mahaba ang kurbata kaysa sa lapis.


Ano ang antas ng
mas matangkad pang-uri?

mas mabilis 2 Pahambing


Pahambing kung naglalarawan
mas mahaba ng dalawang pangngalan at may
paghahambing.
Pahambing
Mga salitang ginagamit sa paghahambing:
magka- higit na…kaysa lubhang…kaysa
magsing- lalong…kaysa di-gaano
magkasing- mas…kaysa di-masyado
sing- di-hamak na…kaysa di-gasino
Iba pang halimbawa ng Pahambing

mas malakas mas mabait


mas masipag magsingtalas
magkasingtalino di masyadong mura
higit na mayaman mas makinang
Suriin ang mga larawan.

Si Carla ang pinakamatangkad sa lahat ng magkakaibigan.


Suriin ang mga larawan.

Ang tren pinakamabilis sa tatlong sasakyan.


Suriin ang mga larawan.

Ang lubid ang pinakamahaba sa tatlong bagay.


Ano ang antas ng
pang-uri?
pinakamatangkad
Pasukdol
pinakamabilis
3+ Pasukdol kung naglalarawan sa
pinakamahaba tatlo o higit pang bilang ng
pangngalan ang pinaghahambing.
Pasukdol
Mga salitang ginagamit sa pasukdol:
pinaka- sukdulan nang-
napaka- ubod nang-
tunay na- talagang-
saksakan nang-
Iba pang halimbawa ng Pasukdol

pinakamalakas talagang mabait


pinakamasipag pinakamatalas
napakatalino napakamura
ubod nang yaman pinakamakinang
Subukin Natin!
Tukuyin ang pang-uri sa pangungusap at sabihin ang antas nito.
lantay
1. Si Macky ay masipag sa mga gawaing bahay .

pasukdol
2. Si Ricky ang may pinakamataas na grado sa kanilang klase.

pahambing
3. Mas matulin tumakbo ang kabayo kaysa sa aso.
Pangkatang-
Gawain
Panuto:
1. Pumili ng iyong kapareha.
2. May ibibigay na mga larawan ang guro.
3. Ilarawan at paghambingin ang mga naibigay na
larawan.
4. Bumuo ng pangungusap gamit ang
tatlong antas ng pang-uri (lantay,
pahambing, pasukdol.
Pangkat 1:

bahay

ospital
Wil Tower
Pangkat 1:

araw

hotdog kalan
Pangkat 2:

palaruan
palayan soccer field
Pangkat 2:

elepante
buwaya balyena
Pagbabahagi ng
Output sa klase

Pangkat 1 Pangkat 2
Ano ang Pang-uri? ?
Ano ang ang tatlong antas ng
Pang-uri?
Ebalwasyon:
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri. Isulat sa patlang ang L kung Lantay, PH
kung pahambing at PS kung pasukdol.
1. _______ Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong.
2. _______ Maganda ang tanawin sa Manila Bay.
3. _______ Ang Burj Khalifa ang pinakamataas na gusali sa mundo.
4. _______ Si Bochoy ang pinakamatalinong bata sa aming barrio.
5. _______ Mas matingkad ang kulay dilaw kumpara sa pula.
6. _______ Si Mang Pandoy ang may pinakakonting huli ng isda sa mga
umuwing mangingisda.
7. _______ Mas mahusay magluto si Ate Myrna kaysa kay Ate Joy.
8. _______ Bukas ay sasakay ako sa higanteng bola sa peryahan.
9. _______ Si Fernando Amorsolo ay sikat na pintor.
10. _______ Higit na marikit ang rosas kaysa sa calachuchi.
MGA
SAGOT:
Panuto: Salungguhitan ang pang-uri. Isulat sa patlang ang L kung Lantay, PH
kung pahambing at PS kung pasukdol.

1. PH Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong.

2. L Maganda ang tanawin sa Manila Bay.

3. PS Ang Burj Khalifa ang pinakamataas na gusali sa mundo.

4. PS Si Bochoy ang pinakamatalinong bata sa aming barrio.

5. PH Mas matingkad ang kulay dilaw kumpara sa pula.


MGA
SAGOT:
6. PS Si Mang Pandoy ang may pinakakonting huli ng isda sa mga
umuwing mangingisda.

7. PH Mas mahusay magluto si Ate Myrna kaysa kay Ate Joy.

8. L Bukas ay sasakay ako sa higanteng bola sa peryahan.

9. L Si Fernando Amorsolo ay sikat na pintor.

10. PH Higit na marikit ang rosas kaysa sa calachuchi.


Takdang-aralin:
Sumulat ng pangungusap gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.

1. (matalas)
lantay - _________________________________________________________
pahambing - _________________________________________________________
pasukdol - _________________________________________________________
2. (masarap)
lantay - _________________________________________________________
pahambing - _________________________________________________________
pasukdol - _________________________________________________________
3. (mabango)
lantay - _________________________________________________________
pahambing - _________________________________________________________
pasukdol - _________________________________________________________
Ano ang iyong nadama mula sa
ating talakayan?
SALAMAT
SA PAKIKINIG!
REFERENCES O
SANGGUNINAN
SLM Filipino 4 – Module 2
MELC
at www.youtube.com

You might also like