Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Pagbibigay ng

Pamagat sa Akda o
Teksto
BALIK-ARAL

Bigyan ng angkop na pamagat?


1. Ang pating ay isang uri ng karniborong
isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na
limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri
ng pating ay nananatili sa tubig dagat ngunit
may iilang nabubuhaybsa yubig tabang. Ang
pinakamaliit na pating ay may habang anim
na pulgada.
Ang pinakamahaba naman ay ang
butanding. Ito ay umaabot sa haba na
labindalawang metro.
PAGGANYAK

Anong katangian ang ipinapakita sa


sumusunod na mga larawan.
magiliw na pagtanggap pagkakaisa
sa bisita pagtutulungan
PAGLALAHAD

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga


katangian nating mga Pilipino.
PAGLALAHAD

Basahin ang tekstong:

Mga Katangiang Filipino


Mga Katangiang Filipino
Kilala tayong mga Filipino sa buong
mundo sa pagtataglay ng mga mabubuting
katangian. Isa sa mga katangiang
maipagmamalaki natin ay ang mabuti nating
pagtanggap sa mga panauhin.
Mahusay tayong magpatuloy ng bisita at
mag-asikaso sa kanila.
Tayong mga Filipino ay matatag sa ano
mang pagsubok na hinaharap. Taglay rin
natin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at
pagmamahalan.
TANONG:

Ano ang pamagat ng teksto?


Anu-ano ang mga katangiang nabanggit sa
teksto?
Taglay mo pa rin ba ang mga katangiang ito?
Ano ang nararapat gawin sa sa mga
katangiang ganito ng mga Pilipino?
Pamagat:
Mga Katangiang Filipino

Ano ang kaugnayan ng pamagat sa


nilalaman ng teksto?
“Mga Katangiang Filipino” ang naging
pamagat sapagkat mababasa mo sa
nilalaman kung ano-ano ang mga
katangiang binanggit.
TANDAAN

Pagbibigay ng Pamagat sa Akda o


Teksto
Mahalagang tandaan na sa pagbibigay
ng pamagat, mabuting gawin itong maikli
at nakatatawag ng pansin.
• Kalimitang humihikayat ito sa mga
mambabasa na ituloy ang pagbabasa ng
akda.

• Kailangang simulan sa malaking letra


ang mahahalagang salita sa pamagat.
Ang bawat akda, teksto o informational
text ay maaaring magkaroon ng iba pang
pamagat.

Tingnan ang halimbawa sa ibaba kung


paano ito ginagawa.
PAGLINANG

Basahin ang mga talata. Piliin ang


angkop na pamagat na nakasulat sa
ibaba.
Ang Halamang Ugat
Si Apolinario Mabini
Ang Batang Masipag
Ang Pagbabalik
Kumain nang Tama
Ang Butanding
1. Masayang- masaya ang pamilya Cortes.
Maya-maya lang ay sasalubungin na nila sa
paliparan ang kanilang panganay na anak na si
Kuya Rex. Labinlimang taon nagtrabaho sa
ibang bansa ang mabait na kuya. Ngayon ay
makababalik na siya upang makasama ang
kanyang pamilya.
2. Si Apolinario Mabini ay isa sa mga dakilang
bayani ng ating bansa. Sa kabila ng kanyang
kapansanan, ang pagiging lumpo, patuloy siyang
naglingkod sa bansa noong panahon na nasakop
tayo ng mga Kastila. Siya ay naging mabuting
tagapayo ng ating mga lider sa himagsikan.
Dahil dito, siya
ay tinaguriang “Dakilang Lumpo” at “Utak ng
Himagsikan”. Dahil dito siya ay tinaguriang
“Dakilang Lumpo” at “Utak ng Himagsikan”.
3. Mahalaga sa isang lumalaking bata ang
pagkain ng tama. Kailangan ng mura niyang
katawan ang mga pagkaing mayaman sa protina,
mineral, bitamina, at iba pang elementong
pampalusog. Nararapat na siya ay makakain ng
karne, gulay, at prutas. Maari ring uminom ng
gatas at katas ng prutas.
4. Si Leny ay isang mag-aaral sa ikatlong baitang.
Likas sa kanya ang pagiging masipag. Hindi na
siya inuutusan pa ng kanyang nanay o tatay. Kusa
niyang ginagawa ang mga gawaing kaya niyang
gampanan. Siya ang nagwawalis at naghuhugas ng
pinggan. Siya rin ang nag-aalaga sa kaniyang
nakababatang kapatid kapag abala ang kaniyang
nanay.
5. Ang kamote, gabi, uraro, at kamoteng-
kahoy ay mga halamang- ugat. Itinatanim ang
mga ito sa mga lugar na malimit daanan ng
bagyo sa dahilang bunga ng mga halamang ito
ay matatagpuna sa ilalim ng lupa. Hindi sila
madaling matangay ng tunig at hangin. Dahil
sila ay nasa ilalim ng
lupa, ang mga halamang-ugat ay nakasisipsip
ng labis na sustansiya kaya’t mainam silang
kainin. Sagan rin ang mga ito sa antioxidants.
PAGLALAPAT

Bigyan ng angkop na pamagat.


Ang jeepney ay kilalang-kilalang paraan
ng transportasyong pampubliko sa ating
bansa. Naging simbolo na ito ng kultura ng
Pilipinas sa buong mundo. Isa pang sikat na
pampublikong transportasyon sa ting bansa
lalo na sa probinsiya ang tricycle. Ang tren
gaya ng LRT at MRT
ay kilala na rin lalo na sa Maynila. Ang
Philippine National Railways ay tren na
ginagamit sa ilang bahagi ng Luzon at iba
pang karatig na lalawigan sa Maynila. Ang
taxi at ang mga bus ay mahahalagang ring
paraan ng pampublikong transportansyon sa
Pilipinas.
PAGLALAHAT

Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng


pamgat sa isang kwento o eksto?
Sa pagsulat ng pamagat sinisimulan ito sa
malaking letra. Mahalagang tandaan na sa
pagbibigay ng pamagat, mabuting gawin
itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay
kalimitang humihikayat sa mambabasa na
ituloy ang pagbabasa sa akda.
PAGTATAYA

Piliin ang angkop na pamagat.


1. Ang matibay na Pamilya ay dapat na may
pagmamahalan,
pagkakaisa at pagtutulungan ang bawat isa.
Ano mang problema ang
dumating, kailangan mapanatiling buo at
matagtag ang pamilya.
A. Ang matibay na Pamilya
B. Ang Pamilyang Masaya
C. Pagmamahalaan
2. Isa sa mga naging mahalagang personalidad
sa People Power ay si
Hilario G. Davide Jr. Siya ang punung-hukom
ng katas-taasang Hukuman ng
Pilipinas. Siya rin ang nagtalaga kay dating
Pangalawang Pangulo Gloria,
Macapagal-Arroyo bilang bagong Pangulo ng
Bansa.
A. People Power
B. Gloria M. Arroyo
C. Hilario G. Davide Jr.
3. Si Pablo Planas ay isang dating tsuper at
mekaniko siya ang naka- imbento ng khaos
Super Turbo Charger (KSTC) na isang tipid-
gas na
gamit para sa mga de-gasolinang sasakyan.
Hindi siya nasilaw sa multi- milyong pisong
alok ng bansang Amerika para lamang ibenta
ang
kanyang imbento.
A. Super Turbo Charger
B. Si Pablo Planas
C. Tsuper at Mekaniko
4. Ang Pasko sabi ni Lola Mameng ay para sa
mga bata. Simbolo ng Pasko ang parol,
krismas tri, keso de bola, hamon, regalo at
hindi kumpleto kung wala si Santa Claus.
Pagkasimba sa Araw ng Pasko kami ay
nagmamano kina lolo, lola, tatay, nanay, at
mga tiya at tiyo. Pagkatapos nagpupunta rin
kami sa mga ninong at ninang.
A. Ang Pasko
B. Sabi ni Lola Mameng
C. Simbolo ng Pasko
5. Si Mariang Sinukuan ay diwata ng Bundok
Arayat. Mabait at maganda siya. Siya ay
mahal ng mga tao. Ang kanyang ama ay
tinatawag ng lahat na Apo. Ang kagandahan ni
Mariang Sinukuan ay hinahangaan ng mga
kalalakihan. Kapag may liwanag na
nagmumula sa bundok, si Mariang
Sinukuan ay namamasyal sa paligid ng
Bundok Arayat. Ang bundok ay nasa
Pampanga.
A. Diwata ng Bundok
B. Si Mariang Sinukuan
C. Bundok Arayat
Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang poster tungkol sa iyong


nararanasan sa kasalukuyan. Gawin ito sa
malinis na coupon bond at kulayan.
Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong
iginuhit.

You might also like