Professional Documents
Culture Documents
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
Tekstong Deskriptibo
CHARADE
Panuto: Pangkatin ang klase sa dalawa: babae at lalaki. Bawat
pangkat ay magkakaroon ng isang kinatawan na siyang
magpapahula ng mga salitang mabubunot gamit ang
paglalarawan sa mga ito. Bibigyan lamang ng isang minuto
bawat grupo. Bawat tamang sagot na mahuhulaan ay may
katumbas na 5 puntos. Paramihan ng mahuhulaan.
PAGLALARAWAN:
TEKSTONG DESKRIPTIBO
ALAM MO BANG…
Sa karaniwang paglalarawan:
• Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi
dapat isinasama.
• Gumagamit lamang ito ng mga tiyak, payak o karaniwang
salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o mga
partilular na detalye sa payak na paraan.
MGA URI NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Sa masining na paglalarawan:
• Ang mga detalyeng inihahayag dito ay nakukulayan ng
imahinasyon, pananaw, at opinyong pansariling
tagapagsalaysay.
BA S A H I N AT U RI IN MO!
MASINING KARANIWAN
KATANGIAN NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
OBHETIBO • SUBHETIBO
• May direktang pagpapakita • Maaaring kapalooban ng
matatalinghagang paglalarawan at
ng katangiang makatotohanan naglalaman ng personal na
at hindi mapasusubalian. persepsiyon o kung ano ang
• Ito’y may pinagbabatayang nararamdaman ng manunulat sa
inilalarawan.
katotohanan.
• Nakabatay lamang sa mayamang
• Karaniwang paglalarawan imahinasyon at hindi nakabatay sa
isang katotohanan.
GAWIN MO!
KARANIWAN MASINING
APAT NA MAHAHALAGANG
KASANGKAPANG GINAGAMIT SA
MALINAW NA PAGLALARAWAN
1. WIKA
2. DETALYE
3. PANANAW
3. IMPRESYON
WIKA
•Ito ay ginagamit upang makabuo ng
isang malinaw at mabisang paglalarawan
ng karaniwang ginagamitan ng pang-uri
at pang-abay.
DETALYE
• Ito ay ginagamit upang maging malinaw ang
paglalarawan sa mga suportang detalye na
magpapatibay ng pagpapahayag.
• Kapag maayos ang pagkakalahad ng mga detalye,
ang bumabasa ay nagkakaroon ng pagkakataon na
pakilusin ang kanyang imahinasyon upang
mailarawan sa isip ang mga bagay-bagay na inilalarawan .
PANANAW
•Magkakaiba-iba ang paglalarawan
subalit kailangang pinakaangkop sa
lahat ng paglalarawan ang gamitin para
ibahagi ang malawak na pananaw ng
manunulat na nasasaklaw at nailalagay
ang sarili sa lugar ng mambabasa.
IMPRESYON
• Layunin ng paglalarawan ang makabuo ng malinaw
na larawan sa imahinasyon ng mambabasa, kaya
mahalaga na ang manunulat ay makabubuo ng imahen
sa imahinasyon ng mambababsa mula sa paraang
paglalarawan. Dito na nagsama-sama ang bisa ng
wika, maayos na paglalahad ng detalye at pananaw ng
naglalarawan upang maging epektibo ang naisulat ng
manunulat sa inilalarawan sa isipan ng mambabasa.
LAKBAY MO, ISULAT MO
Umisip ng isang hindi mo makakalimutang lugar na
iyong napuntahan. Ilarawan ito sa isang masining na
paraan. Ilakip ang larawan ng lugar na iyong napuntahan
at lagyan ng pamagat. Isulat ang tesktong deskriptibo sa
isang malinis na papel (yellow pad), at ang larawan
naman ay naka-print sa short bondpaper. Gawing gabay
ang pamantayan sa paggawa ng tesktong deskriptibo.