Talumpati 2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

PAGSULAT AT PAGBIGKAS

NG TALUMPATI
Mga Layunin
• Naisa-isa ang mga hakbang sa paggawa ng
talumpati
• Naipaliliwanag ang mga dapat tandan sa pagsulat
ng sanaysay
• Napauunlad ang kanilang kaalaman tungkol sa mga
talumpati ayon sa pamamaraan sa pagbigkas
Mga Hakbang sa
Paggawa ng Talumpati
Pagpili ng Paksa

•Kailangang suriin ang sarili kung ang


paksang napili ay saklaw ang
kaalaman, karanasan at interes
Pagtipon ng mga Materyales
•Maaring pagkunan ng impormasyon ang
dating kaalaman at mga karanasan na
may kinalaman sa paksa, mga
babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili
Pagbabalangkas
ng mga Ideya

•Ang talumpati ay nahahati sa tatlong


bahagi: panimula, katawan at
pangwakas
Paglinang ng
mga Kaisipan
•Dito nakapaloob ang mahalagang
impormasyon na sumusuporta sa
mga pangunahing kaisipan na
inilahad sa balangkas
Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng Talumpati
1.Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong
gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig
2.Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa
isusulat na talumpati
3.Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o
salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng mga
ideya sa talumpati
Talumpating Ayon sa
Pamamaraan ng
Pagbigkas
Isinaulong Talumpati
• Karaniwang binibigkas sa mga timpalak sa talumpati
• Ang nilalaman ay maaaring hindi gawa ng nagsalita
• Inihanda at isinaulo para bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig
• May mahabang panahon ang nakalaan para sa
ganitong paraan ng talumpati sapagkat ibinibigay
ang piyesa sa mananalumpati para makapaghanda
• Isinasaulo at pinipili na lamang ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagdeliver o pagbigkas
sa harap ng mga tao
Binasang Talumpati
• Maaring gawa o di-gawa ng nagsasalita
• Habang binabasa ito sa harap ng madla,
kinakailangan ipadama sa madla ang
katotohanang nilalaman niyon sa paraang
maliwanag at natural
•Nihanda at inayos ang pagsulat upang
basahin nang malakas at malinaw sa
harap ng mga tagapakinig
Talumpating
Extemporaneous
• Ito ay talumpating hindi pinaghandaan sapagkat
hindi isinulat ng nagtalumpati bago bigkasin sa madla
• Sa isipan lamang binubuo ng nagsasalita ang kabuuan
ng talumpati upang maayos niyang maihanay ang
kaisipang nais niyang iparating sa nakikinig
• Binibigyan ng maikling panahon ang
mananalumpati upang maghanda
pagkatapos maibigay ang paksa o tanong sa
kanya
Talumpating
Impromptu
• Ito ay halos katulad ng extemporaneous na talumpati
sapagkat walang paghahanda
• Ni sa isipan ay hindi siya nakabuo ng balangkas sapagkat
ang ganitong talumpati kinakailangang tunay na
malawak ang kaalaman o karanaan ng nagsasalita upang
hindi siya mag-apuhap o mangapa sa sasabihin sa madla
• Sa paraang ito, walang pagkakataong
makapaghanda o makapagbasa ang
mananalumpati sapagkat sa pagkakataong ito ay
gaya lamang ng simpleng okasyon nagaganap
tulad ng: sa paaralan, kaarawan at iba pa
ANG PAGTATALUMPATI
MGA DAPAT ISAALANG-
ALANG SA
PAGTATALUMPATI
• Kailangang mabigyan-pansin ang paraan ng pagbigkas ng mga salita,
maging sa kanyang pananamit, sa kanyang asal sa entablado, sa kumpas ng
kamay
• Dapat tandan na ang mananalumpati ay nasa harap at pinakikinggan at
pinanonood ng mga tao
• laging isaisip na ikaw na mananalumpati ang sentro o pokus ng mata ng
mga tao na handing tularan ang iyong ginagawa
• Bigyang-pansin ang asal sa pakikihalubilo sa harap ng mga tao lalo na kung
ika’y nasa entablado na handing magbigay ng inspirasyong pananalita
• Pakaisiping Mabuti na ang ikatatagumpay ng pagtatalumpati ay nakasalalay
sa sariling kaparaanan
MGA KATANGIANG DAPAT
TANDAAN NG ISANG
MANANALUMPATI
Tinig

• Napakahalagang sangkap ang tindi ng tinig ng isang mananalumpati


• Nakatutulong ang paglalapat ng paglakas at paghina ng tinig sa pagbigkas
ng talumpati ngunit iangkop lamang sa pinakaideya nito
Tinig

• Isaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita, pagbibigay-


diin sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng
tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at
paghina ng tinig
Tinig

• Iwasan ang matining na tinig o pasigaw na pananalita sa harap ng


tagapakinig
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Tinig

1. Dapat lamang na iangkop sa piyesa ang uri ng tinig na gagamitin


2. Pakaisipin ang tuwirang mangusap sa madla
3. Kailangan ang malinaw na pagbigkas upang maunawaan
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Tinig

4. Huwag kalimutan ang taimtim na mangusap sa mga nakikinig


5. Napakahalagang iwasan ang paggamit ng mga mapagkunwaring
pananalita
6. Lakas ng loob o tiwala sa sarili ang kailangan
Tindig
• Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig military na parang naninigas
ang katawan
• Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks
• Iwasan ang matagal na paghinto sa pagbigkas ng talumpati
Tindig
• Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad ang atensiyon
ng mga tagapakinig sapagkat sa pagtayo pa lamang nasusuri o
nakapagpapahiwatig ng kahandaan ng tagapagsalita
Galaw
• Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo
at katawan
• Lahat ng ito ay nakatutulong sa paghahatid ng mensahe bilang pagkuha ng
atensyon ng tagapakinig
Kumpas ng Kamay
• Ginagamit ito sa pagbibigay-diin o pantulong sa sinasabi
• Ginagamit din bilang di-berbal na komunikasyon o bilang panumbas sa
ideya ng mananalumpati
Kumpas ng Kamay
• Kailangang tumpak, tiyak at maayos ang kumpas ng mga kamay sapagkat
dito makikita ang iyong kahandaan sa pagsasalita sa harap ng tagapakinig
Mga dapat tandan sa pagkumpas

a. Dapat na galing sa kalooban o natural na pagkumpas


b. Dapat wastong kumpas ang gagamitin sa mga salitang binibigkas
c. Ang bisig at sikong tuwid na tuwid ay hindi makadaragdag ng diin
Mga dapat tandan sa pagkumpas

d. Dapat ang pagkumpas ay nauuna kaysa pananalita


e. Ang pagkumpas ay nagsisimula sa balikat at nagtatapos sa dulo ng daliri
f. Hindi dapat makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay
habang nagsasalita
Mga dapat tandan sa pagkumpas

g. Kapag nauuna ang kanang paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang gamitin
sa pagkumpas. Kapag nauuna ang kaliwang paa, ang kaliwang kamay ang
gamitin sa pagkumpas. At kapag dalawang kamay ang ginagamit, dapat
na magkapantay sa pagkakatayo ang mga paa
Mga Uri ng Kumpas

1. Palad na itinataas habang nakataob


- nagpapahiwatig ng dakilang damdamin

2. Nakataob na palad at biglang ibababa


- Nagpapahayag ng marahas na damdamin
Mga Uri ng Kumpas

3. Palad na bukas at marahang ibinababa


- Napapahiwatig ng mababang uri ng kaisipan o damdamin

4. Kumpas na pasuntok o kuyom ang palad


- Nagpapahayag ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban
Mga Uri ng Kumpas

5. Paturong kumpas
- Nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak

6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting itinitikom


- Matimping damdamin
Mga Uri ng Kumpas

7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita


- Ito ay pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita

8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad


- pagtanggi, pagkabahala at pagkatakot
Mga Uri ng Kumpas

9. Kumpas na pahawi o pasaklaw


- Pagsaklaw ng isang diwa, tao o pook

10.Marahang pagbaba ng dalawang kamay


- Ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas

You might also like