Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

PAGBAS

A
• ang pagtugon ng damdamin at kaisipan sa
mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina
na nangangailangan ng masusing pag-iisip
sa ipinahayag na mensahe ng sumulat
• isang proseso ng aktibong pakikipag-ugnayan
o interaksyon ng bumabasa sa nakalimbag
na mga titik sa bawat pahina ng babasahin
KAHALAGAHAN NG
PAGBASA
1. Nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay
2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang
mga di-inaasahang suliranin sa pangaraw-
araw
3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa
mga babasahin
4. Nagbib igay ng impormasyon na nagiging
daan sa kabatiran at karununggan
5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan
6. Nakapagdudulot ng iba't ibang karanasan sa
buhay
7. Nagsisilbing susi sa malawak na
karunungan na natipon ng daigdig sa
mahabang pan ah on.
MGA LAVUNIN NG PAGBASA
Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang
layunin kung bakit nagb ab asa. Sa
pangkalahatan, nagbabasa tayo upang
makakuha ng mga impormasyon, mapalawak
ang ating mga kaalaman, at mag-aliw.
Iba’t ibang Pananaw sa Proseso ng
Pagbasa
Teoryang Bottom – Up
Ayon sa teoryang ito pinoproseso ng mga nagbabasa
ang grapema (simbolo ng tunog ng wika o mga titik)
sa oras na pagkakita nito. Tinatawag itong Bottom –
Up dahil sa pag unawa ng isang bagay ay nagsimula
sa bottom o sa ibaba at napupunta sa itaas o sa
utak. Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang
behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang
malinis na papel o tabula rasa.
Teoryang Top – Down
Ito ay sumasalungat sa direksyon ng komprehensyon
na binanggit sa unang teorya. Ito ay hango naman
sa sikolohiyang Gestalt. Ang teoryang ito ay
nagsasabing ang pagbasa ay isang laro ng
panghuhula sa sikolohiya ng tao. Ito ay nakabatay sa
kung ano ang nauunawaan o nakuha batay sa kung
ano ang iskema ng tagabasa.
Teoryang Interaktibo at
Kompensatori
Ipinapahiwatig na ang mga teksto ay pinoproseso sa
pamamagitan ng paggamit ng sabay sabay na mga
impormasyong nagmula sa iba’t-ibang
pinagkukunan.
Samakatuwid sa teoryang ito, ang tagabasa ay
gumagamit ng estratehiya sa paglilipat-lipat ng
batayan sa pag-uunawa ng teksto.
Maaaring batay sa teksto o batay sa kanyang dating
kaalaman o batay sa dalawang nabanggit.
MGA TEKNIK NG PAGBASA

Ayon kay Badayos, may mga teknik sa pagbasa


na dapat isaalang-alang:
1. lskaning
• Mabilis na teknik ito ng pagbasa na
ang pokus ng mambabasa ay makuha
/among ang mga espesipikong
impormasyon.
2.
•lskiming
Gaya ng iskaning, ang iskiming ay mabilis na
teknik din ng pagbasa, subalit pangkalahatang
impormasyon naman ang ating hinahanap.
3. Kaswal
• Ang teknik na ito ay tinatayang pang -
ubos oras lamang ng pagbasa. Sa madaling
sabi, wala kang tiyak na layunin at
intensyon kaugnay sa iyong binabasa.
4. Kritikal
• nangangahulugang pagsusuri at pagsasala ng
mga impormasyong iyong natatanggap.
lbig sabihin, ikaw ay lumilikha ng sarili mong
pamantayan upang paniwalaan o hindi
paniwalaan ang isang bagay na nabasa mo.
5. Komprehensibo
• tumutukoy sa pagkuha ng lahat ang detalye
maging ito man ay maliit o malalaking
detalye.
6. Pribyuwing
• Ang mambabasa ay tanging kinukuha lamang
ang lahat ng mahahalagang impormasyon
ng isang babasahin.
7. Replektib
• Replektib na teknik ang pagbasa kung
maisasabuhay ng isang mambabasa
ang kanyang binabasa at nauunawaan
niya ito nang lubos.
8. Muling -
Basa
• Tinatawag ito sa Ingles na re-reading at
tumutulong sa mga mambabasa na maging
pamilyar sa mga detalye ng binabasa tungo sa
lubos na pag - unawa.
9. Pagtatala
• Notetaking naman ito kung tawagin sa Ingles
na malaki ang naiaambag sa mambabasa.
Nagagawa kasi nitong mabigyang emphasis o
haylayt ang iyong binabasa. Kadalasan itong
isinasagawa sa pamamagitan ng
pagsasalungguhit sa teksto, paglalagay ng
asterisk, paggamit ng haylayter at iba pa.
ANG APAT NA ANTAS NG PAGBASA

1. Literal na Pang-unawa
• Ang pang-unawang ito ay ang
kakayahang pansinin ang katotohanan o
opinyon sa binasa. Mahalaga ang
kakayahang ito upang
malaman ang pinakadiwa ng binabasa batay
sa mga patunay o saliksik.
2. Pagbasa sa Pagitan ng Salita
{Inferential Level}
• ang kakayahang maintindindihan o unawain
ang kaakibat na kahulugan ng mga nakalimbag
na salita.
3. Pang-unawang Kritikal
• nangangailangan ng malawak na kaalaman sa
paksang binabasa upang mapagtanto at
makabuo ng matatag na pananaw.Ang mga
bagay na maaaring makatulong sa bumabasa
sa larangang ito ay ang pagsasaalang-alang
kung sino ang may akda, ang paninindigan
nito, mga karanasan at ang may kinalaman
o patungkol sa may akda.
4. Malikhaing Antas ng Pagbasa {Creative Level
of Comprehension)
• ang kakayahang maiugnay sa buhay ang mga
binasa. Sa antas na ito, nagaganap ang
pagbabago sa buhay o pananaw ng isang
mambabasa, ito ang pinakamahalagang
antas ng pagbabagong naidudulot.
MGA HAKBANG SA PAGBASA

1. Komprehensyon o pagkaunawa
• Higit pa ito sa pagkilala ng mga salita dahil
sa nangangaghulugan ito nang lubos na
pag­ unawa sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
salita sa loob ng mga pangungusap sa isang
talata ng isang buong akda o artikulo.
2.Persepsyon o pagkilala
• Nakapaloob dito ang pagkilala sa mga salita.
3.Reaksyon
• Kinapapalooban ito ng dalawang hakbang:
Una ay ang pa-emosyunal na ang bumabasa
ay humahanga In sa estilo at nilalaman ng
akdang kanyang binabasa at ang ikalawa
ay paintelektwal, na ang bumabasaay
nakapagpapasya sa kawastuhan at
tinataglay nitong lohika sa kanyang akdang
binab asa.
4.
•Asimilasyon
Hakbang ito ng pagkuha sa mga
impormasyon o kaalaman na iuugnay at
isasantabi muna pansamantala sa isipan upang
muling balikan sa oras ng pangangailangan.
5. Kabilisan/Kabagalan ng Pagbasa
• tumutukoy sa panahon o oras ng isang
mambabasa. lpinaliliwanag dito, ang kabilisan o
kabagalan ng isang mambabasa taglay ang
layunin at dahilan niya sa pagbasa, pagpapalawak
ng vokabularyo, at marami pang iba,at higit sa
lahat ang ginagamit na wika.
6. Kasanayan at Kaugalian sa Pag-aaral
• lpinapaliwanag dito, na ang kasanayan at
kaugalian sa pagbabasa ay nakasalalay sa
isang mahusay na atityud o sistema
ng pagbabasa ng isang indibidwal.
MGA DAPAT TANDAAN TU NGO SA
MABISANG PAGBASA
1. Pumili ng lugar na makakaramdam
ng komportabiIidad.
2. Tiyakin na walang hadlang ang lugar
na pinili.
3. lwasang magbasa sa lugar na
sobrang komportable.
4. Alamin angoras kung saan alerto
ang isip an .
5. Tiyakin na laging may oras sa
6. Laging isaisip ang layunin kung bakit
nagbabasa upang lalong tumaas
ang motibasyon sa pagbasa.
7. Magkaroon ng barayti ng babasahin
upang hindi ito kasawaan.
8. Ang diretsong tatlong oras na pagbasa ay
mainam. Subalit, matapos ang tatlong
oras, maglaan ng dalawampung minutong
break. Sabi nga sa Ingles, breaking the
monotony.
9. Sa tuwing nagbabasa, iwasan ang
paghawak sa susunod na pahina ng
binabasa. Nagbubunsod itong pagmamadali
sa pagbabasa na maaring magresulta sa
mababang antas ng komprehensyon.
Nagtataglay ito ng epektong sikolohikal.
10.Laging tandaaan, mataas ang posibilidad na
kaunti lamang ang maunawaan sa tuwing
binibilisan ang pagbabasa kung ihahambing sa
mabagal na magbasa at pilit na inuunawa ang
binabasa.
11. lwasan ding bilangin o tingnan kung gaano
karami ang pahinang babasahin. Nagdudulot
din ito ng hindi magandang saloobin
tungo sa
mabisang pagbasa.
12. Para sa mga magbabasa nang tahimik,
siguraduhing iwasan ang sumusunod:
a. Lipping
• Madalas na paggalaw na labi na kung minsan
ay nagiging hadlang sa mabisang pagbasa.
Upang maiwasan ito, kumuha ng bolpen o
lapis at itapat ito sa iyong labi sa paraang
horizontal. Gawin ito sa loob ng isa hanggang
dalawang linggo hanggang sa tuluyan na itong
maalis.
b. Tongue - Warbling
• Madalas na paglalaro ng dila sa loob ng
bibig na nagdudulot ng tunog at
nagsisilbing hadlang din sa mabisang pagb
asa.
c. Jawing
• Madalas na paglalaro naman ito
ng panga dulot din ay hadlang

You might also like