Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

DEBATE O PAGTATALO

• Ang pangangatwiran ng dalawang koponan mula sa


magkasalungat na panig tungkol sa makabuluhang
paksang napagkaisahang pagtalunan sa tiyak na oras at
lugar ng pangyayarihan.
MGA KASAPI SA DEBATE
1. Proposisyon o panig ng sumasang-ayon
2. Oposisyon o panig na sumasalungat
3. Moderator o tagapamagitan upang maging maayos ang daloy ng
debate
4. Time Keeper o tagabantay ng oras na inilalaan sa bawat panig sa
paglalahad ng patotoo at pagpapabulaan o rebuttal
5. Hurado ang magpapasya kung kaninong panig ang higit na
nakapanghikayat
KATANGIAN NG MAHUSAY NA DEBATER:

• Nilalaman- may malawak na kaalaman ang isang debater patungkol


sa paksa.
• Estilo- makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng
tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng
pangungusap sa kanyang babanggitin sa debate.
• Estratehiya- makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsagot sa
mga argumento.
PANGUNAHING URI NG DEBATE:
1.Impormal na debate. Ito ay uri ng debate kung saan
ang mga kalahok ay bibigyan ng tagapangulo ng isang
paksa na pagtatalunan. Ang mga kalahok ay binibigyan
ng maikling oras upang paghandaan ang napag-usapang
paksa. Sa debateng ito ang mga nagdedebate ay
malayang maghayag ng kanilang kaisipan, palagay at
kuro kuro tungkol sa paksa. Pagdating sa panuntunan,
kakaunti lamang ang isinasaalang-alang dito.
Pormal na debate. Ang mga kalahok ay masusing
pinagtatalunan ang isang paksa. Ang pormal na debate
ay isinasagawa sa itinakdang panahon, araw, at oras.
Pagdating sa panuntunan, maraming dapat isaalang-
alang ang kalahok sa debating ito, tulad ng haba ng
diskusyon, wastong paggamit ng mga salita, at tibay ng
mga ebidensya.
IBA PANG URI NG DEBATE:
• Sa debateng Oxford, ang bawat kalahok ay magsasalita
lamang ng minsan, maliban na lang sa unang
tagapagsalita ma wala pang sasalaging mosyon kaya’t
mabibigyan ng isa pang pagkakataong magbigay ng
kanyang pagpapabulaan sa huli. Sa pagtinding ng bawat
kalahok upang magsalita ay magkasama na niyang
inilalahad ang kanyang patotoo at pagpapabulaan.
• Sa debateng Cambridge, ang bawat kalahok ay
dalawang beses titindig upang magsalita. Una
ay para ipahayag ang kanyang patotoo at sa
ikalawa ay para ilahad ang kanyang
pagpapabulaan.

You might also like