Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

IKATLONG

MAHABANG
PAGSUSULIT
FILIPINO 8
S.Y. 2023-2024
Panuto: Paghambingin ang
dalawang teksto sa ibaba batay sa
paksa, layon, pananaw, paraan ng
pagkakasulat, at pagbuo ng
salita. Piliin ang titik ng tamang
sagot.
____ 1. Batay sa dalawang tekstong nabasa,
may pagkakatulad ba ang paksang
tinatalakay rito?
A.Opo, dahil parehong tungkol ito sa ating
kapaligiran.
B.Hindi, dahil magkaiba ang kanilang
pinapaksa
C.Hindi ko alam
D.Wala sa nabanggit
____ 2. Ano ang layon ng unang
tekstong nabasa?
A.Magbigay-alam
B.Manghikayat
C.Magbigay-aliw
D.Lahat nang nabanggit
____ 3. Anong pananaw ang iyong makikita sa
dalawang tekstong nabasa?
A.Hindi pa huli ang lahat upang sagipin ang ating
kapaligiran.
B.Maaari tayong maging kabahagi sa pagsagip sa
mundo sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.
C.Gumising na tayo sa katotohanang habang
umuunlad ang bansa ay unti-unti ring nasisira
ang paligid natin.
D. Lahat nang nabanggit
____ 4. Alin sa sumusunod ang maaari mong
gawin upang makatulong sa paglutas ng
patuloy na pagdumi ng karagatan.
A.Itapon kung saan-saan ang basura.
B.Ilagay sa tamang tapunan ang mga basura.
C.Sa mga tubigan itapon ang mga langis at
mantika.
D. Wala sa nabanggit
Panuto: Bigyang kahulugan
ang mga lingo na ginagamit sa
mundo ng multimedia sa
pamamagitan ng pagpili ng
titik ng tamang sagot.
____ 5. Ito ay ang internasyonal na
network na pang-kompyuter na nag-
uugnay sa mga indibidwal na nasa iba’t
ibang panig ng mundo.
A. World Wide Web
B. Techie
C. Upload
D. Internet
____ 6. Ano ang tawag sa
taong bihasa sa teknolohiya?
A. World Wide Web
B. Techie
C. Upload
D. Internet
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pahayag na nakalahad sa bawat
bilang. Pagkatapos ay gamitin sa iba’t
ibang sitwasyon sa ibaba ang mga
salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon. Isulat ang letra ng
tamang sagot.
____ 7. Umuwi ka sa inyong probinsya
dahil magkikita-kita kayong
magkakamag-anak. Anong salitang
impormal ang gagamitin upang lubos
kayong magkaunawaan?
A.Lalawiganin
B.Balbal
C.Kolokyal
D.Banyaga
____ 8. Hinahanap mo ang bahay ng iyong
kaklase ngunit nahihirapan kang makita ito
kaya napagpasyahan mong magtanong sa
mga nakatambay sa kanto. Anong salitang
impormal ang gagamitin mo upang madali ka
nilang maintindihan?
A.Lalawiganin
B.Balbal
C.Kolokyal
D.Banyaga
____ 9. Dumating ang lola mo na galing sa
ibang bansa para magbakasyon dito sa
Pilipinas. Nais mo na magkaunawaan
kayong dalawa. Anong salitang impormal
ang gagamitin mo?
A.Lalawiganin
B.Balbal
C.Kolokyal
D.Banyaga
Panuto: Bigyang
kahulugan ang mga
salitang ginagamit sa radio
broadcasting. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
____ 10. Ito ang midyum na
dinaraanan ng signal ng radio o
telebisyon na kilala ring
spectrum.
A.Airwaves C. AM
B.Amplifier D. Announcer
____ 11. Ano ang tawag sa taong
naririnig sa radyo na may
trabahong magbasa ng script o
mga anunsyo.
A.Playlist C. Announcer
B.Clutter D. Transmitter
____ 12. Ang pagbibigay ng oportunidad
sa mga kabataan na maipahayag ang
kanilang saloobin kaugnay sa isang
napapanahong isyu ay tinatawag na
________?
A. Komentaryo
B. Dokumentaryo
C. Konsepto
D. Pagpapahayag
Panuto: Gamitin ang
angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto
ng pananaw upang mabuo
ang pahayag.
____ 13. _____________ ay hindi
uulan ngayon kaya hindi ako
nagdala ng payong.
A.Akala ko
B.Sa kabilang dako
C.Sa tingin ko
D.Samantala
____ 14. Marami ang naapektuhan sa
naganap na pandemya na tinaguriang
COVID-19, ________ ito ay nagbigay ng
matinding aral at paalala sa lahat.
A.Akala ko
B.Sa kabilang dako
C.Sa tingin ko
D.Batay sa
Panuto: Gamitin nang
wasto ang mga ekspresyong
hudyat ng kaugnayang
lohikal sa bawat
pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
15. Nag-aral si Joe ng mabuti sa
asignaturang Filipino _________ nang
lumabas ang resulta ng kanilang
pagsusulit ay nakakuha siya ng
maatass na marka.
A. kaya naman
B. sapagkat
C. kasi
D. dahil
16. Mataas ang pangarap ng mag-aaral
na si Leo. Pinapangarap niya maging
isang tanyag na arkitekto sa ating bansa.
Para maisakatuparan ang kaniyang
pangarap, lumuwas siya ng Maynila
_______ mag-aral sa Unibersidad ng
Pilipinas.
A. para C. dahil
B. upang D. sapagkat
Panuto: Suriin ang maiksing
bahagi ng pelikulang “Hello,
Love, Goodbye.” batay sa
paksa/tema, layon, gamit ng
salita at mga tauhan nito.
Piliin ang titik ng tamang
sagot.
“Hello, Love, Goodbye.”

Si Joy ay isang babaeng walang panahon sa pag-ibig. Maging sa sarili niya ay wala
siyang panahon. Lahat ng oras niya ay napupunta sa pagtatrabaho. Halos hindi na
siya natutulog sa dami ng trabahong pinasukan niya kumita lang ng malaking halaga
para sa mga papeles na kakailanganin niya sa pagtatrabaho sa Canada.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay dumating sa buhay niya si Ethan na


nagparamdam sa kaniya kung gaano kasarap ang magmahal at mahalin. Si Ethan ang
nagpakita sa kaniya na kahit na gaano siya kaabala ay meron at meron pa rin siyang
oras na mailalaan sa pag-ibig at para sa kaniyang sarili.

Ngunit tila ba hindi pa sapat na dahilan ang pagmamahal ni Ethan sa kaniya para
manatili siya sa Hongkong. Pinili pa rin niya sa huli na ituloy ang pangarap niyang
magtrabaho sa Canada kahit pa ayaw ni Ethan na umalis siya. Bilang mahal siya ni
Ethan ay sinuportahan siya nito sa desisyon niya. Imbes na pigilan siyang umalis ay
sinulit na lamang nila ang nalalabi pa nilang oras na magkasama. Sa huli ay mas pinili
ni Joy na ituloy pa rin ang noon pa niya planong pagpuntang Canada.
Buod mula sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye.”
Nina: Alden Richards at Kathryn Bernardo
17. Ano ang paksa/tema ng binasa?
A. Pagpapakita ng lubos na pagmamahal sa
kabila ng hindi pagiging tapat sa isa’t isa.
B. Pagpapakita ng kahirapan ng bawat pamilya at
malulutas ito sa pamamagitan ng pagiging OFW.
C. Ipinakita ang pagiging mahina, paglalahad ng
mga hindi kanais-nais na nararanasan habang
mag-isa sa buhay.
D. Ipinakita ang reyalistikong mga sitwasyon sa
buhay ng mga OFW, paglalahad ng mga hindi
kanais-nais na bunga ng paglayo sa pamilya para
kumita nang malaki sa ibang bansa.
18. Paano nakatulong ang mga salitang ginamit
upang mabigyang-kahulugan ang nais ipahiwatig ng
pelikula?
A. Ilan sa mga salitang ginamit sa pelikulang ito ay
ang pambansang salita dahil sa pagiging romantiko
nito.
B. Gumamit ng mga direktang salita para lubos na
maipahayag ang damadamin o emosyon ng mga
pangunahing tauhan.
C. Punong-puno ng hugot at iba’t ibang klaseng
emosyon na may masasagi sa bahagi ng iyong puso
na talaga namang matatangay ka ng mga linya.
D. Lahat ng nabanggit.
19. Ano ang layunin ng pelikulang ito sa bawat
manonood/mambabasa?
A. May kaniya-kaniyang sitwasyong
pinagdadaanan ang bawat isa.
B. Kailangang maging positibo at maingat sa lahat
ng hakbang upang sa gagawing desisyon ay hindi
magkamali.
C. Kapag mahal ka ng isang tao hahayaan ka
muna niyang tuparin ang pangarap mo, dahil
kapag nagmamahal ka, kailangan ay marunong
kang magsakripisyo.
D. Lahat ng nabanggit.
Panuto:
Bigyang kahulugan ang
mga salitang ginagamit sa
mundo ng pelikula. Piliin
ang titik ng tamang sagot.
20. Ito ay tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kuwento sa
pelikula at ipinamamalas nito ang
tunay na layunin ng kuwento.
A. Sinematograpiya
B. Sequence Iskrip
C. Pagdidirihe
D. Tunog at Musika
21. Pagkuha sa wastong anggulo
upang maipakita sa manonood ang
tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera.
A. Sinematograpiya
B. Sequence Iskrip
C. Pagdidirihe
D. Tunog at Musika
22. Pagpapalutang ng bawat
tagpo at pagpapasidhi ng
ugnayan ng tunog at linya ng
mga dayalogo.
A. Sinematograpiya
B. Sequence Iskrip
C. Pagdidirihe
D. Tunog at Musika
Panuto: Mula sa mga linya ng
pelikulang, “Hello, Love, Goodbye.”
Gamitin ang kahusayang gramatikal
sa pamamagitan ng tamang baybay
at bantas upang maging
magkakaugnay ang mga pahayag.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
“ethan ngayon ko lang pipiliin
yung sarili ko. kailangan kong
subukan. i just want you to
give me the chance. babalik
din naman ako eh.”
– Joy
23. A. “Ethan, ngayon ko lang pipiliin yung sarili ko.
kailangan kong subukan. i just want you to give me the
chance. babalik din naman ako eh. – Joy
B. “Ethan, ngayon ko lang pipiliin yung sarili ko.
kailangan kong subukan. i just want you to give me the
chance. Babalik din naman ako eh. – Joy
C. “Ethan, ngayon ko lang pipiliin yung sarili ko.
kailangan kong subukan. I just want you to give me the
chance. babalik din naman ako eh.” – Joy
D. “Ethan, ngayon ko lang pipiliin yung sarili ko.
Kailangan kong subukan. I just want you to give me the
chance. Babalik din naman ako eh.” – Joy
“lahat ng plano mo para
sakin. pero hindi mo ko
tinanong kung anong gusto
ko kung anong kailangan ko.”
– Joy
24. A. “Lahat ng plano mo, para sakin. pero hindi mo ko
tinanong kung anong gusto ko, kung anong kailangan
ko. – Joy
B. “Lahat ng plano mo, para sakin. Pero hindi mo ko
tinanong kung anong gusto ko, kung anong kailangan
ko.” – Joy
C. “Lahat ng plano mo, para sakin. pero hindi mo ko
tinanong kung anong gusto ko, kung anong kailangan
ko. – Joy
D. “Lahat ng plano mo, para sakin. pero hindi mo ko
tinanong kung anong gusto ko kung anong kailangan
ko. – Joy
Panuto: Ipaliwanag ang mga
salitang angkop na gamitin sa
pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan sa
pamamagitan ng pagsagot sa
mga katanungan sa ibaba.
25. Ang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) ay isang instrumento
sa pagpapalaganap ng bagong
_______________upang magkaroon ng
kamulatan ang publiko sa lipunang kanilang
ginagalawan.
A. Impormasyon
B. Kasanayan
C. Kaisipan
D. Pahayag
26. “Paninigarilyo… Huwag mong gawing abo ang
buhay mo”, naaangkop ba ang salitang
nakasalungguhit sa kampanyang panlipunang (social
awareness campaign) ito?
A. Hindi, dahil hindi lahat ng namamatay ay
nagiging abo.
B. Oo, dahil maaaring umikli ang iyong buhay dulot
ng labis na paninigarilyo.
C. Hindi, dahil sa pahayag na ito, sigarilyo lang ang
maaaring maabo at hindi ang buhay.
D. Oo, dahil maaaring magkaroon ng abo ang iyong
baga sa labis na paninigarilyo.
27. Makatutulong nang malaki ang
paglalagay ng ______________, dahil kung

minsan, mas malakas ang dating nito sa


publiko kaysa paggamit ng mga salita.
A. Larawan o simbolo
B. Lobo ng usapan
C. Makukulay na papel
D. Salitang naghuhumiyaw
Panuto: Gamitin ang angkop
na mga komunikatibong
pahayag sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan
(social awareness campaign).
Piliin ang titik ng tamang
sagot.
28. Anong komunikatibong pahayag ang
ginamit sa kampanyang panlipunang ito
mula sa DOH, “Buhay ay ingatan, paputok
ay iwasan”.
A. Paggamit ng salawikain/kasabihan
B. Paggamit ng salitang naghuhumiyaw
C. Paggamit ng iba’t ibang anyo ng
pangungusap
D. Paglalapat ng damdamin sa mga
pahayag na binuo
29. “Droga ay iwasan, salot ito sa bayan”,
anong komunikatibong pahayag ang ginamit
sa kampanyang panlipunang ito?
A. Paggamit ng malawak na suporta
B. Paggamit ng iba’t ibang uri ng
pangungusap
C. Paggamit ng iba’t ibang anyo ng
pangungsap
D. Paggamit ng salawikain/kasabihan
na makikita sa poster
30. Ang paggamit ng salitang naghuhumiyaw ay
pinaka-angkop na komunikatibong pahayag
tungkol sa mga dapat gawin kapag may banta ng
pagputok ng bulkan dahil __________.
A. Madali itong maunawaan ng mga
mambabasa
B. Maging kaakit-akit ang poster o flyer na
gagawin
C. Mas nailalapat ang damdamin sa mga
pahayag na binuo
D. Mapansin at maihatid agad sa mga
mambabasa ang mensahe nito
BINABATI KITA!

You might also like