Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
MR. JOSE PAULO D. DE JESUS
Kahulugan ng Pagbasa

Ang Pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa


mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin
ay pag-unawa sa wika ng aktor sa pamamagitan ng mga nakasulat
na simbolo. Ito ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na dapat
nating matutuhan dahil ito ang isa sa pinaka-epektibong paraan ng
pagkuha ng impormasyon. Ayon sa sikat na manunulat na si
Goodman, “ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe
o kaisipan na hinango sa tekstong binasa“. Dahil dito, nakabubuo
tayo ng ating sariling opinyon o kaisipan tungkol sa mga
mahahalagang paksa o isyu sa ating lipunan. Isang halimbawa nito
ay ang mga napapanahong sakit na tulad ng Covid-19
Katangian ng
Pagbasa
Ayon kay Block at Pressley (2001), Harvey at Goudvis
(2000), ang pagbasa ay isang katangian ng pagkilala sa mga
sagisag, titik o mga simbolong naka-imprinta. Ang isang
mahusay na mambabasa ay ginagamit ang mga sumusunod
na mga katangian;
1. Iniuugnay ang sarili sa binabasa.
2. Binabasang masusi ang mga mahahalagang mga detalye.
3. Nakabubuo ng mga katanungan ayon sa tekstong binasa.
4. Nagbabasa ng mga iba't ibang uri ng babasahin.
5. Iniintindi ang tekstong binabasa.
6. Malugod na binabasa ang isang teksto.
KAHALAGAHAN NG PAGBASA
nakalilibang
gabay sa mga kinakaharap na
pagpapasiya
batayan ng mga moral na
pangangatwiran at pananaw
patnubay sa pagbalik sa kasaysayan
Proseso ng Pagbasa
Ayon sa “Ama ng Pagbasa” na si
William S. Gray, may apat na
proseso ang pagbabasa.
•hakbang sa pagkilala sa mga
nakalimbag na simbulo at
maging sa pagbigkas nang
wasto sa mga simbulong
nababasa
1. Persepsyon
•pagproproseso ito ng mga
impormasyon o kaisipang
ipinahahayag ng simbulong
nakalimbag na binasa.
2. Komprehensyon
•hinahatulan o pinagpapasyahan ang
kawastuhan,kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong
binasa.
3. Reaksyon
•isinasama at iniuugnay ang
kaalamang nabasa sa mga dati
nang kaalaman o karanasan.
4. Asimilasyon
•hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa
pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa
1. Persepsyon
•pagproproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang ipinahahayag
ng simbulong nakalimbag na binasa.
2. Komprehensyon
•hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,kahusayan at
pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
3. Reaksyon
•isinasama at iniuugnay ang kaalamang nabasa sa mga dati nang
kaalaman o karanasan.
4. Asimilasyon
Mga Pamamaraan o Istilo sa
Pagbasa
1.ISKANING
- Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay
nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad
ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at
subtitles. Dito, ang mahalagang salita ay di binibigyan-
pansin. Pinagtutuunan lang ng ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan,
halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin
kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng
winning number ng lotto at iba pa.
2. ISKIMING
- Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang
makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon,
o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito
rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang
impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper o
pamanahong papel, riserts at iba pa.
3. INTERPRETING
- Nakakatulong ito upang unawain ang
mga detalye, masabi ang kaibhan ng
pangunahain at sekundaryang ideya,
malaman ang lahat tungkol sa teksto;
ang rason ng pagkakasulat nito, ang
mga functional na salitang ginamit at
iba pang bokabularyo.
4. PREDIKTING
-Nakatulong ito upang magamit ng
mambabasa ang mga klu o
pananda. Nahihinuha niya ang
maaaring kalalabasan ng binabasa.
PAMAMARAAN
NG PAGBASA
Kaswal
– Pansamantalang pagbasa ito
sapagkat pampalipas-oras ang
layunin ng ganitong teknik kung
kaya’t magaan lamang gawin.
Komprehensibo
– Iniisa-isa rito ang bawat detalye at inuunawa
ang bawat kaisipan. Epektibo ito para sa
akademikong pagbabasa dahil sinusuri,
binibigyang-opinyon, tinataya, binubuod,
binabalangkas, sinusukat, at hinihimay ang mga
detalye ng teksto. Layunin nito ang lubos na
pagkatuto mula sa masinsinang pagbabasa.
Kritikal
– Tinitingnan sa teknik na ito ang
kawastuhan at katotohanan ng tekstong
binabasa na magagamit nang personal
upang maiangkop sa mga paguugali at
maisasabuhay nang may pananagutan.
Pamuling-Basa
– Hindi nahihinto ang mga aral na dulot nito
habang paulit-ulit na binabasa. Halimbawa
nito ang mga klasikong teksto tulad ng
Bibliya, mga akda nina Jose Rizal, William
Shakespeare, at ng iba pang dakilang
manunulat.
Basang-Tala
– Teknik ito ng pagbabasa kasabay ng
pagsusulat. Itinatala ang mga nasusumpungang
kaisipan o idea upang madaling makita kung
sakaling kailanganin muli ang impormasyong
itinala. Gumagamit din ng highlighter at marker
ang mambabasa (kung pagmamay-ari ang aklat)
para madaling makita at balikan ang mga
impormasyong nais bigyang-diin.
Karaniwang Suliranin sa Pagbabasa
1.Malabong paningin
2. Kakulangan sa kaalamang pangwika
3. Kakulangan sa kaalamang kultural
4. Kakulangan sa kaalaman, impormasyon, at
karanasan na may kaugnayan sa
impluwensiyang pampisikal,
pangkapaligiran, at panlipunan
Pumili ng isang tekstong babasahin na
nakapagbibigay ng inspirasyon batay
sa iyong track na kinabibilangan
(akademik, isports, sining at disenyo,
tech-voc). Pagkatapos ay gumawa ka
ng editoryal kartun batay sa kaisipang
nakapaloob sa teksto

You might also like