Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

DIOSCORO L.

UMALI
Nobyembre 17,1917- Hulyo 1, 1992
Ang Talambuhay
ni Dioscoro L.
Umali
Si Dioscoro L. Umali ang
tinaguriang “Ama ng Siyensya sa
Pagpapalahi ng Halaman sa Pilipinas.”
Pinangunahan niya ang
pinakamahahalagang pananaliksik sa
plant breeding
upang makalikha ng mas mahusay na
uri ng palay, mais, gulay, abaka, niyog,
iba’t ibang butil at palamuting
halamang komersiyal. Isa rin siyang
batikang edukador, administrador,
lingkod bayan at itinuturing na
kampeon ng maliliit
na magsasaka at mangingisda. Dahil
dito, iginawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Agham noong
Hulyo 11, 1986.
Nagsimula ang seryosong
pananaliksik sa pagpapalahi ng
halaman sa Pilipinas nang itatag
ni Umali ang Division of Plant
Breeding sa Unibersidad ng Pilipinas.
Noong 1984, sinimulan niya ang
paglikha ng iba’t ibang uri ng Doñas.
Nagamit ang halamang ito sa
buong Asia bilang premyadong
palamuti sa
loob ng tahanan at mga hardin.
Makaraan ang dalawang taon,
pinangunahan naman niya ang Abaca
Varietal Improvement Program.
Nakalikha siya ng hybrid na abaka na
may kakayahang lumaban sa
karaniwang peste at
sakit. Kasabay nito, sinimulan ni
Umali ang pagpapalahi ng iba’t ibang
butil ng palay at mais.
Si Umali ay maningning na
ehemplo ng isang siyentistang may
panlipunang malasakit.
Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, ang
mga programa ng Kolehiyo ng
Agrikultura sa UP ay tuwirang
nagbigay lunas sa mga kongretong
suliranin ng maliliit na magsasaka at
mangingisda. Pinalawak niya ang
programang
ekstensiyon ng UP at pinaunlad ang
pagtatag ng mga panlipunang
laboratoryo sa mga lalawigan ng
Laguna, Batangas at Bulacan.
Isinilang si Umali noong 17
ng Nobyembre sa Laguna at anak nina
Kapitan Cesario Umali at Edilberta
Gana Lopez. Nagtapos siya ng
Batsilyer sa Agronomiya sa UP noong
1939 at kaagad nagturo ng kemistri at
agronomiya.
Noong 1946, ipinadala siya sa Cornell
University bilang isang University
Fellow at nagtapos ng doktorado sa
Genetics at Plant Breeding noong
1949. Kaagad siyang nagbalik sa
Pilipinas upang ipagpatuloy ang
pagtuturo
at pananaliksik. Ginugol ni Umali
ang kaniyang buhay sa
pagpapaunlad ng sektor ng
agrikultura sa Pilipinas.
SALAMAT !!!

You might also like