ng karanasang napagdaanan. Maituturing din natin na ang isang tao ay kaibigan kung taglay at naramdaman natin sa kanila ang mga sumusunod:
Pagkakasundo sa mga maraming bagay o
pagkakataon; Pag-aalaga at pag-aalala sa isa’t-isa; Pag-unawa sa saloobin o damdamin ng bawat isa; Pagkakaroon ng katapatan; Pakikinig at pagdamay kung kinakailangan. Tatlong Uri ng Pakikipagkaibigan Pakikipagkaibigan batay sa pangangailangan
• Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay
nakabatay sa pangangailangan dahil mauunawaang kinakaibigan lamang siya sapagkat may kailangan ito sa kanya. Pakikipagkaibigan batay sa pansariling kasiyahan • Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay batay sa pansariling kasiyahan ay mas tumatagal kaysa naunang uri ngunit hindi rin pangmatagalan dahil sa pagkakataong mawawala na ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa dalawa ay maglalaho rin ang pagiging magkaibigan. Pakikipagkaibigan batay sa kabutihan
• Ang ganitong uri ng pakikipagkaibigan ay
batay sa kabutihan ay pangmatagalan dahil walang kondisyon ang bawat panig sa kanilang samahan.