Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Araling Panlipunan 7

Ikatlong Markahan
Ang Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal
at Makabagong Panahon (16-20 siglo)
Aralin 1 – Kolonyalismo at Imperyalismo
sa Timog at Kanlurang Asya
• Content Standards-Ang mag -aaral ay… naipamamala ang pag - unawa sa
pagbabago, pag - unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo)
• Performance Standards-Ang mag -aaral ay… nakapagsasagawa ng kritikal na
pagsusuri sa pagbabago, pag - unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang
Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika -16 hanggang ika -20 siglo)
MELC-Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika -16 at ika -17 siglo)
pagdating nila sa Timogat Kanlurang Asya.
MGA LAYUNIN
• A. Naipaliliwanag ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating sa Timog at
Kanlurang Asya.
• B. Naiisa-isa ang mga dahilan at pamamaraan ng kolonyalismo at
imperyalismo sa unang yugto sa Timog at Kanlurang Asya.
• C. Nasusuri ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto pagdating sa Timog.
Gamit ang data Retrieval chart, Isulat kung ano ang mga mahahalagang naging kontribusyon ng bawat
rehiyon sa Asya (Silangan, Kanluran, Timog at Timog-Silangang Asya) .Icomment ang iyong sagot.
GAWAIN 2 :Kilalanin mo Panuto:Suriin mo ang mga larawan at sagutan sa mga pamprosesong
tanong. Ano anong mga bansa ang nagmamay-ari ng mga watawat?

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kaugnayan ng mga bansang ito sa mga Asyano?
2. Paano nakarating ang mga bansang ito sa Asya?
3. Aling bansa ang may pinakamalaking impluwensya sa atin?
KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT
KANLURANG ASYA

Halina't palalimin ang iyong kaalaman sa aralin sa


pamamagitan ng panonood ng link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=TiUthdaazkY
KOLONYALISMO
- nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig
sabihin ay magsasaka.
- ito ay patakaran ng isang bansa na mamahala ng mga
sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga
sinakop para sa pansariling interes.
- ang bansang nanakop ay nagtatatag ng pamahalaang
kolonyal, nagpapataw at nagtatakda ng paniningil ng
buwis, nagsasagawa ng mga batas na makabubuti sa
mananakop.
IMPERYALISMO

- nagmula sa salitang Latin na imperium na ang ibig


sabihin ay command.

- dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa


aspektong pangpolitika, pangkabuhayan, at kultural na
pamumuhay ng mahina at maliit na bansa.
PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang kolonyalismo at imperyalismo?
2. Naranasan ba ito ng rehiyon ng Timog at Kanlurang Asya?
3. Ano ang pagkakaiba ng pananakop sa Timog at Kanlurang Asya sa
bagong siglo hanggang sa pananakop noong ika – 16 hanggang ika – 20
siglo. Paano naktaulong sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang
pananakop ng mga kanluranin?
4. Paano ito nakatulong sa mismong mga Kanluranin na mananakop?
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang dahilan ng pagpapakita o pagsasakatuparan ng mga
simulain at gawaing nasyonalistiko ng mga bansa sa Timog (India) at
Kanlurang Asya?
2. Ano-ano ang pamamaraang ginamit ng Timog (India) at Kanlurang
Asya para matamo ang kanilang kalayaan?
3. Ano-ano ang manipestasyon ng nasyonalismo sa Timog at
Kanlurang Asya?
4. Alin sa mga pamamaraang ginamit ng Timog at Kanlurang Asya
ang naging mabisa sa pagkamit ng kanilang Kalayaan? Ipaliwanag.
Mahalaga ba ang unang yugto ng
imperyalismo at kolonyalismo ng mga
kanluranin sa asya?Sa mga Asyano?
TAYAHIN:REPLEKSIYON KO
Sa iyong palagay ano ang naging dahilan ng pananakop ng mga bansa sa (ika -16 at ika -17 siglo) sa Timog at
Kanlurang Asya. Sumulat ng maikling talata ang rubrik sa pagmamarka ay ipaliliwanang ng Guro.Maari
mong gamitin ang template at icomment ang gawa sa comment section.
MARAMING SALAMAT!
HANDANG ISIP,HANDA BUKAS…

You might also like