Aralin27diamondwithpics 140619032027 Phpapp02

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

ARALIN

27
Ang
Rebolusyong
Industriyal
 Ang mga kinakailangang salik
para sa pagkakaroon ng
Rebolusyong Industriyal ay
unti-unti nang naitatag simula
pa noong ika-15 siglo.
Pag-usbong ng Reboulusyong Industriyal sa Great Britain

 Ang terminong Rebolusyong Industriyal ay


iniuugnay sa mga kaganapang panlipunan at pang-
ekonomiya na humantong sa pagbago mula sa
lipunang agrikultural at komersiyal tungo sa
modernong lipunang industriyal.
 Nakasalalay ang rebolusyong ito sa paggamit ng
makinarya sa halip na mga tool o kagamitan.
 Naganap ito sa Great Britain noong kalagitnaan ng
ika-18 siglo hanggang sa kalagitnaan ng ika-19
siglo.
 Lumaganap ito sa ibang bahagi ng Europe
hangggang sa malaking bahagi ng daigdig.
 Marami itong taglay na likas na yaman tulad ng

deposito ng uling at bakal.


 Bukod dito, mahalaga ring salik na hindi

napasailalaim sa puwersa ni Napoleon ang Great


Britain sa paggamit ng makinarya sa mga
pabrika upang dumami at bumilis ang
produksiyon.
Mga Salik sa Pag-unlad ng
Rebolusyong Industriyal

 Ang pag-unlad ng sistemang pabrika ang siyang


pangunahing katangian ng Rebolusyong Industriyal.
Iba’t - ibang salik:
 paglaki ng populasyon
 enclosure movement
 Rebolusyong Agrikultural
 Katangian ng ekonomiya , mga imbensiyong
teknolohikal at sistema ng transportasyon at
komunikasyon.
Paglaki ng Populasyon
 Ang paglaki ng populasyon sa Great Britain ay lubhang
nakatulong sa pagsasakatuparan ng Rebolusyong
Industriyal.
 Naganap ito sa panahong malaki ang pang-ngailangan
ng Great Britain sa lakas paggawa upang matugunan
ang ekonomiyang nakabatay sa industriya at makinarya.
 Ang paglaki ng populasyon ay may ibat-ibang salik.
Bumaba ang bilang ng mga namatay (mortality rate) at
hindi tumaas ang bilang ng mga ipinanganak (birth rate).
 Ang paglaki ng populasyon ay may ibat-ibang salik.
Bumaba ang bilang ng mga namatay (mortality rate)
at hindi tumaas ang bilang ng mga ipinanganak (birth
rate).
 Nakatulong sa paglaki ng populasyon ang pagbuti
ng pagkain ng mga British dahil sa pagdami ng
sariwang gulay at karne sa panahon ng taglamig.
 Ito ay dahil sinimulan nilang pakainin ng halamang
–ugat (root crops) tulad ng singkamas.
 Gumamit sila ng mga mumurahing sabon at damit
panloob na yari sa bulak kaya naiwasan ang mga
sakit na dulot ng maruming kapaligiran.
 Ang mga bagong tuklas sa medisina , lalo na pag-

oopera ay lubhang nakatulong sa pagbaba ng


bilang ng mga namatay.
 Ang paggamit ng ladrilyo at tisa sa paggawa ng

bahayay naging hadlang sa pagkakaroon ng mga


pesteng may dalang sakit.
Enclosure Movement
 Ang enclosure movement ay isa sa mga
nagdudulot ng malaking pagbabago sa
kapaligiran (landscape) ng mga kabukiran sa
Great Britain. Sa pamamagitan ng prosesong
ito, ang sistema ng regulasyon at
pagsasamantala sa mga lupain ay napalitan ng
sistema ng pamahalaang pribado sa lupain.
Dumaan ito sa legal at pisikal na pagbabago.
 Sa pamamagitan ng nito, pitong milyong ektarya
ng lupaing dati ay bukas sa publiko ang binakuran
o pinaderan at naging pagmamay-ari ng
mayayaman.
 Pinasimulan ni Charles Townshead , isang may-

ari ng lupa at may kaalaman sa pagsasaka, ang


pagtatanim ng singkamas at trebol (clover) upang
magbigay ng sustansiyasa lupa, tumaas ang
produksiyon at may makain ang mga hayop sa
panahon ng taglamig.
Rebolusyong Agrikultural
 Ito ay nagbigay-diin din sa Rebolusyong Industriyal.
 Ito ang nagsasalarawan sa panahon ng pag-unlad sa
Britain sa pagitan ng ika-17 hanggang ika-19 na
siglo kung kailan nagkaroon ng matinding pagdami
ng produksiyong agrikutural at kita.
 Nakatulong din sa Rebolusyong Agrikultural ang
pagkakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka
tulad ng pagpapaunlad sa ararong yari sa bakal, seed
drill, at McCormick Reaper.
 Ginagamit ang seed drill para magtanim ng
maliit na binhi tulad ng wheat, oats, at
barley. Sa tulong din nito, maayos na
maitatanim ang binhi nang may tamang
lalim sa lupa at agwat sa isa’t isa.
 Samantala, pinabilis ng McCormick reaper

ang pag-ani ng pananim. Pinalitan nito ang


pag-ani gamit ang kamay.
Katangian ng Ekonomiya
 Ang pagkatatag ng Bank of England noong 1694
ay nakatulong din nang malaki sa tagumpay ng
Rebolusyong Industriyal.
 Ang pagkakaroon ng stock exchange ay

naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtatatag ng


London Stock Exchange noong 1773.
 Ang kaakibat na pagbaba ng interest rate sa Great

Britain dahil sa pagdagsa ng kapital ay humikayat


sa pagsigla ng gawaing pangnegosyo.
Mga Imbensiyong Teknolohikal
 Simula noong ika-17 siglo ay mayroon ng sistema ng
pagprotekta sa imbensiyon ang Great Britain. Tinawag
itong patent system kung saan nahikayat ang mga
imbentor sa malaking premyo para sa mahusay na
imbensiyon.
 Mahalaga sa Rebolusyong Industriyal ang paggamit ng
steam para sa pagbibigay ng enerhiya sa mga
makinarya.
 Malaki ang naitulong ng steam engine (1769) ni James
Watt na nagbigay-daan upang mapalitan ng makinarya
ang mga hand tool.
Steam Engine
Ang mga ss. ay ilan pa sa mga imbensiyon
noon sa industriya ng paggawa ng tela:

 Cotton gin – naimbento ni Eli Whitney noong


1793 na nakatulong sa madaliang paghihiwalay
ng buto ng bulak mula sa hibla nito.
 Flying shuttle – naimbento ni John Kay noong

1733 na nagpabilis sa pag-ikid ng sinulid.


 Spinning jenny – naimbento ni James

Hargreaves noong 1764 ay nagpabilis nang


walong beses sa pag-ikid ng sinulid. (higit na
maraming sinulid na ang nagagawa)
Cotton gin
Flying Shuttle
 Water frame – naimbento ni Richard Arkwright
noong 1769 na nakapaghabi nang mas manipis subalit
mas matibay na sinulid. Gumagamit ito ng enerhiya o
lakas mula sa tubig upang mapatakbo ang mga
spinning wheel.
 Spinning mule – naimbento ni Samuel Crompton
noong 1779 ay nagpasama ang katangian ng spinning
jenny at water frame.
 Power loom – ni Edmund Cartwright na binigyan ng
patent noong 1783 na nagpabilis naman ng pagtaas ng
produksiyon.
McCormick Reaper
Spinning Jenny
Water Frame
Spinning Mule
Power Loom
Sistema ng Transportasyon at
Komunikasyon
 Naimbento ni Richard Trevithick noong 1804 ang
unang steam-powered locomotive na nagbigay-daan
sa pagbubukas ng riles.
 Mas mabuting makina ang nabuo ni George
Stephenson at kanyang anak (Robert Stephenson) na
unang ginamit sa pampublikong riles ng tren noong
1830. Sila din ay nagpagwa ng unang komersiyal na
riles, ang linyang Stockton-Darlington noong 1825.
 Kasunod nito ang pagbukas din ng linyang
Manchester at Liverpool.
 Gayunpaman, naging laganap ang pagpapagawa ng
riles ng tren sa iba’t ibang bahagi ng Europe.
 Kaugnay nito, ang imbensiyon ni Samuel F.B.

Morse na telegraph noong dekada 1830 na


nagpaunlad naman sa sistema ng komunikasyon.
 Nagkaroon din ng pagbabago sa mga sasakyang

pandagat.
 Noong 1845, nagawa naman ang unang steamship

na may iron hull o steamship na ang katawan nito ay


bakal.
Epekto ng Rebolusyong Industriyal

 Nagbago ang pamumuhay ng mga mamamayan.


 Lumaki at bumilis ang paglaki ng populasyon ng

Europe.
 Umunlad maging ang bilang at laki ng mga

lungsod malapit sa mga pabrika, minahan, at


daungan.
 Nagsimula ang pagsasamantala sa mga

manggagawa na karamihan ay mga kabataan at


kababaihan.
 Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubong ng araw,
nagtatrabaho sila sa mga pabrika sa mas mababang kita.
 Gayunpaman, marami ring patakarang ipinatupad ang
pamahalaan na nagpabuti sa kondisyong pangkapaligiran
tulad ng maayosna kalsada, tubig, at sewerage system.
 Dalawang uri ng panlipunan na nakilala dahil sa
Rebolusyong Industriyal – ang proletariat o mga
manggagawa at ang gitnang uri o bourgeoisie na binubuo
ng mga mangangalakal, may-ari ng pabrika, mananalapi,
abogado, at iba pang propesyonal.
 Lumaki ang agwat ng mayaman at mahirap.
 Sa kalagitnaan ng ika-19 na siglo lumaganap ang

Rebolusyong Industriyal sa Belgium, France,


Germany, United States at Japan .
 Dahil din sa Rebolusyong Industriyal, nahikayat

ang mga Kanluranin na pag-intingin ang panakop


ng mga kolonya.
 Isinagawa nila ang ikalawang yugto ng

imperyalismo sa huling bahagi ng ika-19.

You might also like