Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

ESTRUKTURA

NG PAMILIHAN
PANUTO: SURIIN ANG MGA SUMUSUNOD NA
MGA LETRA AT SIMBOLO UPANG MAKABUO
NG ISANG SALITA.
PAMILIHAN
Ang pamilihan ay ang lugar kung saan nagtatagpo ang
mga taong lumilikha o nagbebenta ng mga produkto at
ang mga bumili nito. Ito ay isang kaayusan kung saan
nagkakaroon ng interaksiyon ang mga mamimili at
nagtitinda upang magpalitan ng iba’t ibang bagay.
GANAP NA KOMPETISYON
Ang pamilihan ay sinasabing may ganap
na kompetisyon kapag ang sinumang
negosyante ay walang kapangyarihan na
palitan o baguhin ang presyo sa
pamilihan.
MGA KATANGIAN NG GANAP NA
KOMPETISYON
1. Magkakatulad ang mga produkto
2. Marami ang mamimili at tindera ng produkto
3. May kalayaan sa paglabas at pagpasok sa negosyo
4. Malayang paggalaw ng mga salik ng produksyon
5. Sapat na kaalaman at impormasyon
MGA KATANGIAN NG DI-GANAP NA
KOMPETISYON
1. May kumokontrol sa presyo
2. May hadlang sa pagpasok ng negosyante at tindera sa
industriya
3. Nabibilang ang dami ng mamimili at negosyante
4. Limitado ang pagpipiliang produkto
MONOPOLYO
Ito ay estruktura ng pamilihan na iisa ang nagbebenta ng
produkto ibig sabihin may isang prodyuser ang
kumukontrol ng malaking porsyento ng supply ng produkto
ng pamilihan.

MGA KATANGIAN NG MONOPOLYO


1. Iisa ang prodyuser- dahil iisa ang nagbebenta, ang presyo
at dami ng supply ay idinidikta batay sa tinatawag na profit
max rule o pagnanais ng prodyuser na makakuha ng
malaking kita.
2. Kakayahang hadlangan ang kalaban sa negosyo- dahil sa
mga patent, copyright at trademark gamit ang Intellectual
Property Rights, hindi makakapasok ang ibang nais maging
bahagi ng industriya.
Copyright- tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng
isang tao na maaaring kabilang sa akdang pampanitikan o
akdang pansining( aklat, musika, paintings, iskultura,
pelikula, computer programs at advertisement)
Patent- ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor
upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta,
iangkat at iluwas ang imbensiyon niya kapalit ng
pagsisiwalat sa publiko sa detalye ng kaniyang imbensyon.
Trademark- paglalagay ng mga simbolo o marka sa
produkto at serbisyo na nagsisilbing pagkakilanlan ng
kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito.
3. Produkto na walang kapalit- Ang mga produkto ay
walang kapalit kaya nakokontrol ang presyo at dami ng
supply.

Mga halimbawa ng monopolyo: kompanya ng kuryente,


tubig at tren
MONOPSONYO
Ito ang estruktura ng pamilihan na kabaliktaran ng
monopolyo. Mayroon lamang isang mamimili ng produkto.
Marami ang maaaring lumikha ng produkto at serbisyo,
ngunit iisa lamang ang mamimili sa pamilihan.
Ang mabisang halimbawa ng ganitong anyo ng pamilihan
ay ang pamahalaan na nag-iisang kumukuha ng serbisyo at
nagpapasahod sa mga pulis, sundalo, bumbero, traffic
enforcer at iba pa.
OLIGOPOLYO
Ito ang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o
iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad
o magkakaugnay na produkto at serbisyo. Sa ganitong uri
ng pamilihan, may kakayahan ang prodyuser na
maimpluwensiyahan ang presyo.
Sa ganitong sistema, maaaring magkaroon ng
pagsasabwatan ng mga kompanya upang matamo ang
kapakinabangan sa negosyo na tinatawag na collusion.
Kartel- ay grupo ng mga kompanya o negosyante na
nagkaisa upang limitahan ang produksiyon, magtaas ng
presyo at magkamit ng pinakamalaking tubo.
Mga halimbawa ng oligopolyo: gasolina, kotse, bakal,
airline companies
MONOPOLISTIKONG
KOMPETISYON
Ito ang estruktura ng pamilihan na may maraming kalahok
na prodyuser ang nagbebenta subalit marami rin ang mga
konsyumer. Dahil sa product differentiation ang katangian
ng mga produkto ay magkakapareho ngunit hindi eksaktong
magkakahawig. Sila ay nagkakaiba-iba sa packaging,
labeling, presentasyon at maging sa lasa o flavor.
Mga halimbawa ng monopolistikong kompetisyon:
toothpaste, sabong panlaba at pampaligo, pabango,
shampoo, softdrinks, fastfood restaurant, beauty at cosmetic
PANGKATANG GAWAIN
RUBRIK SA PAGMAMARKA
MGA PAMPROSESONG TANONG:
1. Ano ang mga pangunahing katangian ng estruktura
ng pamilihan na iyong ipinakita?

2. Paano ninyo binigyang buhay ang katangian ng


estruktura ng pamilihan para maengganyo ang mga
mamimili?
3. Batay sa inyong mga nabatid na kaalaman, alin ang
naangkop na uri ng estruktura ng pamilihan para sa
ating bansa? Bakit?
TAKDANG ARALIN

Ibigay ang kahulugan ng


price ceiling at floor price.
PANAPOS NA GAWAIN

"Good marketing makes the company look


smart. Great marketing makes the customer
feel smart."
MARAMING
SALAMAT!

You might also like