Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 60

IKATLONG MARKAHAN

WEEK 5 - DAY 1
Pagtukoy at Paggamit nang
Wastong Magkakasingkahulugan ,
Magkakasalungat at Magkakasintunog
(mga salitang may iba’t-ibang
kahulugan)
Balik-aral
Panuto: Isulat ang tsek (√) kung tama ang pahayag at ekis (X) kung
mali.
___1. Sundin ang pamantayan sa pagsusulat.
___2. Lagyan ng tamang bantas ang
pangungusap.
___3. Malaking letra ang ginagamit sa lahat ng
salita.
___4. Pagdikit-dikitin ang mga salita sa
pangungusap.
___5. Panatilihing malinis ang iyong sulatin.
Pamilyar ka ba sa ipinapakita ng larawan?

Ano ang madalas na laman nito?


Pakinggan ang
babasahin na tula ng
inyong guro at
sagutin nang pasalita
ang mga tanong.
Tanong:

1. Sino ang lumikha ng mga bagay dito sa


mundo?
2. Ano ang ibinibigay ng kalikasan sa atin?
3. Paano ka makakatulong para
mapangalagaan ang kalikasan?
4. Bakit kaya nilikha ng Diyos ang kalikasan?
5. Kanino ka dapat magpasalamat sa mga
kaloob ng kalikasan?
Gamitin natin ang mga salita mula sa tula. Ipares
natin sa mga salita na kasingkahulugan nito

liwanag - sikat
lulunasan- papawiin, aalisin
tanglaw - ilaw
enerhiya - lakas
ningning - kislap
lumikha – gumawa
Talakayan:

Ang salitang magkasingkahulugan ay


tumutukoy sa mga salitang may parehas
na kahulugan, depenisyon o tinutukoy.
Panuto: Piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang nakatala sa bawat bilang.
Isulat sa patlang ang iyong sagot.
Panuto: Bilugan ang kasingkahulugan ng bawat salita.
TANDAAN:
Ang salitang magkasingkahulugan ay
tumutukoy sa mga salitang may parehas na
kahulugan, depenisyon o tinutukoy.
Halimbawa:
ama – tatay
matalim - matulis
Panuto: Bilugan ang mga salita na may parehong kahulugan.
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 5 - DAY 2
Pagtukoy at Paggamit nang
Wastong Magkakasingkahulugan ,
Magkakasalungat at Magkakasintunog
(mga salitang may iba’t-ibang
kahulugan)
Panuto: Piliin ang salitang kasing-kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit
at isulat ang titik na may tamang sagot sa patlang.

___1. Si Aling Lita ang nanay ko.


A. ina B.
ate C. ama
___2. Matulin tumakbo ang kabayo.
A. mabagal B. mabilis
C. masaya
___3. Ang ulam na adobo ay malinamnam.
A.masarap B. matulis
C. malaki
___4. Ang estudyante ay nagbabasa.
Tignan ang pinagkaiba ng dalawang larawan.
Anong pangungusap ang maaari mong mabuo?
Talakayan:
Pansinin ang mga initiman na salita mula sa
binasa. Ito ay mga halimbawa ng salitang
magkasalungat.

malaki – maliit
maikli – mahaba
mabilis - mabagal
Talakayan:

Ang salitang magkasalungat ay


tumutukoy sa mga salitang
magkabaliktad o kabaliktaran ang
kahulugan.
Panuto: Suriin ang dalawang pares ng salita. Isulat ang tsek (√)
kung magkasalungat ang mga salita at ekis (x) kung hindi.

___1. mabaho-mabango
___2. mabigat-magaan
___3. tatay-ama
___4. tamad-masipag
___5. gutom-busog
Panuto: Gumuhit ng bagay na kasalungat ng nakasulat o sinasabi sa loob ng kahon.
TANDAAN:
Ang salitang magkasalungat ay
tumutukoy sa mga salitang
magkabaliktad o kabaliktaran ang
kahulugan.
Halimbawa:
mainit – malamig
masaya – malungkot
Panuto: Tingnan ang
mga larawan. Piliin ang
kasalungat na saita sa
mga pagpipiliian sa
kanan.
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 5 - DAY 3
Pagtukoy at Paggamit nang
Wastong Magkakasingkahulugan ,
Magkakasalungat at Magkakasintunog
(mga salitang may iba’t-ibang
kahulugan)
Balik-aral
Panuto: Isulat ang MN kung ang pares ng salita ay
magkasingkahulgan at MT kung magkasalungat.
____ 1. maganda – marikit
____ 2. tirahan – tahanan
____ 3. mabilis – mabagal
____ 4. tamad – batugan
____ 5. masaya – malungkot
Tignan ang mga larawan. Ano ang kahulugan ng
dalawang larawan?
Ang Gabi
ni Gina Sm. Villaflores
Magtatanim ng gabi si Lolo sa bukid. Maagang gumising si
Lolo. Kinuha niya ang pala at lagadera. Inalisan niya ng mga
kalat at damo ang lupang pagtataniman. Hinukay niya ang
lupa at inilagay ang usbong ng gabi. Tinabunan niya ang
parteng may ugat. Nilagyan ng tubig ang lagadera at diniligan
ang tanim. Bago sumapit ang gabi ay natapos niya ang
pagtatanim at masayang umuwi ng bahay na tila hindi
napapagod sa maghapong
paggawa.
Tanong:

1. Ano ang itatanim ni Lolo?


2. Ano-ano ang paraan sa pagtatanim?
3. Anong salita sa talata ang may
parehong anyo?
Talakayan
Maraming salita sa wikang Filipino ang
magkatulad ang baybay o anyo ngunit magkaiba
naman ang diin at kahulugan.
Ang diin ay ang bigat sa isang pantig ng salita
kapag ito ay binibigkas. Ito ay nagpapabago sa
bigkas ng salita at kahulugan .
Talakayan
Ang kahulugan ng salitang may parehong anyo ay
nababatay sa gamit nito sa pangungusap.
Halimbawa:
baga- parte ng katawan
baga - umaapoy na uling
gabi- halaman
gabi- pagdilim
Panuto: Basahin ang bawat pares ng pangungusap. Bilugan ang ang mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang bigkas at kahulugan.

1. Ang puno ng niyog ay mataas.


Ang timba ay puno ng tubig.
2. Maliwanag ang mga tala sa langit
Maraming tao ang may karamdaman ayon sa tala.
3. Magluluto si nanay ng ginisang gulay na may pako.
Kailangan ni tatay ng pako at martilyo sa gagawing bahay.
4. Makinis ang balat ng sanggol.
Itim ang balat ni Lito sa pisngi.
5. Ang baba ng grado ko sa pagsusulit.
Punasan mo ang dumi sa iyong baba.
Panuto: Ikabit sa Hanay B ang mga salitang magkasintunig ng nasa Hanay A. Isulat ang titik na may
tamang sagot.
TANDAAN:
May mga salitang magkapareho ng
anyo, ngunit magkaiba ng kahulugan o
maraming kahulugan. Ito ay base sa
gamit nito sa pangungusap at paraan
ng pagbigkas o diin.
Alin ang salitang tinutukoy? Piliin ang sagot sa kahon.

Tuyo Lobo Sawa Pako Binasa

_____ 1. isang uri ng laruan _____ 4.


tinapunan ng tubig
isang uri ng hayop
tinignan

_____ 2. isang uri ng halaman _____5. ayaw na


gamit ng karpentero
isang uri ng ahas
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 5 - DAY 4
Pagtukoy sa Panahunan
ng Salitang Kilos sa
Pangungusap
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
____1. Si Ana ay marunong. Mataas ang nakuha niya sa pagsusulit. Ano ang
kasing-kahulugan ng marunong?
A. matalino B. mabait
C. masaya
____2. Mahalimuyak ang bulaklak. Ano ang ibig sabihin ng mahalimuyak?
A. masarap B. maingay
C. mabango
____3. Mainit ang kape. Ano ang kasalungat ng mainit?
A.mataas B.malamig
C. maitim
____4. Kung ang elepante ay malaki. Ang daga ay _____.
A. mataba B.maliit
C. makapal
____5. “Prrrt” ang tunog ng matinis na píto. Alin ang kahulugan ng píto batay
Basahin ang mga salita:

Kumain
Kumakain
Kakain
Ano ang pinagkaiba ng tatlong salita?
Basahin muli ang mga salita:

Kumain Kumakain Kakain


1. Kumain ako ng almusal bago pumasok sa eskwela.
2. Kumakain ang kaklase mo habang ang guro ay nagtuturo.
3. Kakain mamayang reses si Bea ng kanyang baon na
sandwich.

Ang salitang kumain ay nagawa na o natapos na ang gawain.


Ang salitang kumakain ay kasalukuyang ginagawa.
Ang salitang kakain ay gagawin pa.
Panahunan ng Salitang Kilos
1. Panahunang Naganap
- salitang kilos na tapos na o nangyari na. Ang
unang pantig ng salitang ugat ay hindi inuulit.
Salitang ugat: tulog
Unlapi: na
Halimbawa: Ang bata ay natulog.
Panahunan ng Salitang Kilos
2. Panahunang Nagaganap
- salitang kilos na kasalukuyang nangyayari.
Ang unang pantig ng salitang ugat ay inuulit.
Salitang ugat: tulog
Unlapi: na
Halimbawa: Ang bata ay natutulog.
Panahunan ng Salitang Kilos
3. Panahunang Magaganap
- salitang kilos na mangyayari pa lang sa
hinaharap. Ang unang pantig ng salitang ugat ay
inuulit at ang unlapi ay nagiging “ma”.
Salitang ugat: tulog
Unlapi: ma
Halimbawa: Ang bata ay matutulog.
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang salitang kilos na may salungguhit ay
nasa panahunang pangnagdaan, K kung ito ay pangkasalukuyan at H kung ito
ay panghinaharap.

___ 1. Gigising ako ng maaga bukas.


___ 2. Nagsindi ng ilaw si lola sa kusina
kagabi.
___ 3. Aalis na ang bisita sa bahay namin.
___ 4. Si Ate Beth ay nagluluto ng masarap na
hapunan.
___ 5. Naliligo sina Ethan at Robi sa ulan.
1. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginawa na.
____ a. Pupunta
____ b. tumawa
____ c. sumayaw
2. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na ginagawa pa.
____ a. dumadaan
____ b. dadalhin
____ c. natulog
3. Lagyan ng tsek sa patlang ang mga salitang kilos na gagawin pa lang.
____ a. tatalon
____ b. inulit
____ c. lalakad
TANDAAN:
Isulat sa patlang ang T kung ang salitang kilos ay naganap na,
K kung nagaganap pa lang at H kung magaganap pa lang.

___1. Kumakaway ang bata sa kaniyang


nanay.
___2. Naglaba ng kumot si Ate.
___3. Pupunta kami sa simbahan sa Linggo.
___4. Matutulog ako nang maaga mamaya.
___5. Nagbasa ako ng libro kanina.
IKATLONG MARKAHAN
WEEK 5 - DAY 5
Pagtukoy sa Panahunan
ng Salitang Kilos sa
Pangungusap
Basahin ang mga salitang kilos na naganap, nagaganap at
magaganap pa lamang at magbigay ng halimbawa ng
pangungusap mula dito.

Nagbasa
Nagbabasa
Magbabasa
Panuto: Ilagay sa tamang Hanay ang mga salitang kilos na nasa ibaba.
Panahunan ng Salitang Kilos
1. Panahunang Naganap
- salitang kilos na tapos na o nangyari na. Ang
unang pantig ng salitang ugat ay hindi inuulit.
Salitang ugat: tulog
Unlapi: na
Halimbawa: Ang bata ay natulog.
Panahunan ng Salitang Kilos
2. Panahunang Nagaganap
- salitang kilos na kasalukuyang nangyayari.
Ang unang pantig ng salitang ugat ay inuulit.
Salitang ugat: tulog
Unlapi: na
Halimbawa: Ang bata ay natutulog.
Panahunan ng Salitang Kilos
3. Panahunang Magaganap
- salitang kilos na mangyayari pa lang sa
hinaharap. Ang unang pantig ng salitang ugat ay
inuulit at ang unlapi ay nagiging “ma”.
Salitang ugat: tulog
Unlapi: ma
Halimbawa: Ang bata ay matutulog.
Gamitin sa pangungusap ang mga larawan sa ibaba. Bilugan ang salitang kilos na
ginamit. Isulat ito sa hiwalay na papel.
Sagutan ang crossword puzzle. Gawing gabay ang mga larawan sa bawat bilang.
TANDAAN:
Panuto: Piliin ang wastong pandiwa na ipinapakita sa bawat bilang.

You might also like