Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ano ang Pagbasa?

Ang Pagbasa ay pagkilala , pag-unawa , pagpapakahulugan at


pagtataya ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo.Ito ay
proseso ng pag-unawa sa mga kaisipang hatid ng awtor sa mga
mambabasa .

Ang Pagbasa ay isa ring kognitibong proseso ng pag-unawa sa


mensaheng nakalimbag o ng anumang wikang nakasulat .
Ang Proseso ng Pagbasa

Ang Pagbasa ay isang Proseso ng Pagbibigay – kahulugan ng


mga simbolo at salita. Bilang proseso , ito ay may apat na
hakbang ayon kay William S. Gray , ang kinikilalang Ama
ng pagbasa .
Persepsyon , komprehensyon, Reaksyon, Integrasyon.
Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na
PERSEPSYON simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.

Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o


KOMPREHENSYON
salita .

Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng


REAKSYON kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama.

Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at


INTEGRASYON paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at bagong
karanasan .
MGA TEORYA NG PAGBASA

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay


nagtatanging ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot
at mat kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng
pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito.
MGA TEORYA NG PAGBASA

A.TEORYANG ITAAS-PABABA
B.TEORYANG IBABA-PATAAS
C.TEORYANG INTERAKTIBO
D.TEORYANG ISKEMA
TEORYANG ITAAS-PABABA

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay


nagmumula sa isipan ng mambabasa na mayroon nang
dating kaalaman at karanasan.
Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman
ng mambabasa patungo sa teksto.
TEORYANG IBABA-PATAAS
Proponent: (Rudolf Flesch at Philip B. Gough )

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwala ang pag-


unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng
salita, pangungusap,larawan , diyagram o iba pang
simbolo.
Ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa
kundi teksto.
TEORYANG INTERAKTIBO
Proponent:(David E. Rumelhart at Rebecca Barr )

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom – up at top-down sapagkat


ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon.
TEORYANG ISKEMA
Proponent:(Richard Anderson at David Pearson )

Ang dating kaalaman ang unang kailangan sa pag-unawa


sa binasa upang maunawaan ang binasang teksto.
Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng
tatlong uri.
 Kaalaman ng mambabasa sa
kanyang sariling kahinaan at
kalakasan sa pagbasa .

 Kaalaman ng mambabasa  Kaalaman ng mambabasa sa


kung aling estratehiya ang pagsubaybay sa kanyang
angkop na gamitin ayon sa pag-unawa kung kailan siya
sitwasyon. hindi nakauunawa .
KASANAYAN SA PAGBASA

Kasanayan sa Bilis Kasanayan sa Pagbasa


 Pagpansin o pagtingin nang  Paglilinang ng talasalitaan
higit na malawak ang agwat  Pag-unawa ng talata
 Pagtingin sa higit na  Pagsunod sa hudyat o
maraming salita pahiwatig na palimbag
 Pagbasa nang higit na mabilis  Pagbasa nang pahapyaw at
 Pagkakaroon ng mas pagsuri
kakaunting pagbabalik mata  Pagbasa at pag-unawa sa
mahihirap na babasahin
KASANAYAN SA PAGBASA

Ayon kay Lalunio , ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng


mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng
salitang nabasa sa loob ng isang minuto. Ang mambabasa na
may katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat
minuto. Ang mahusay na mambabasa ay may bilis na 500-600
salita bawat minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may
bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto.
ANG SQ3R NA ESTRATEHIYA SA PAGBASA

Ang SQ3R na estratehiya sa pagbasa ay binuo ni Francis


Robinson na nangangahulugang Survey, Question, Read,
Recite, at Review. Ang estratehiyang ito ay napatunayan nang
epektibo upang malinang ang kasanayan sa pagbasa at pag-aaral
ng estudyante.
ANG SQ3R NA ESTRATEHIYA SA PAGBASA
SQ3R PALIWANAG MGA HAKBANG

S-URVEY  Ito ang paraan upang  Pagtingin muna sa


masanay ang kaalaman ng pamagat
estudyante sa mga  Pagbasa sa Paunang salita
malalawak na balangkas,  Pagbasa sa simula at lagom
pamagat ng kabanata, ng kabanata
simula, paksa at buod.  Pahapyaw na pagbasa

Q-UESTION  Ang mga tanong ay  Pagsulat sa mga tanong na


nagiging batayan sa nalinang bago bumasaa,
pagkuha at paglilinaw ng habang bumabasa o
dahilan ng pagbasa. pagkatapos bumasa .
ANG SQ3R NA ESTRATEHIYA SA PAGBASA
SQ3R PALIWANAG MGA HAKBANG

R-EAD  Ito’y masusing pagbabasa  Pagtugon ng pansin sa


upang magkaroon ng tiyak mga pangunahing ideya o
na layunin sa pagbasa at kaisipan ng teksto.
malinaw na bigyan ng
kahulugan ang suliraning
lutasin.

R-ECITE  Ito ay pagsubok sa sarili  Pagbuo ng sariling sagot .


upang sagutin ang mga
tanong na hindi ibinatay sa
mga naisulat .
ANG SQ3R NA ESTRATEHIYA SA PAGBASA

SQ3R PALIWANAG MGA HAKBANG

R-EVIEW  Ito ay isang kritikal na  Pagtatalakay


reeksaminasyon tungo sa  Paglalagom
pag-uugnay ng nilalaman  Paulit na pagbasa
at sa paglalahad.
 Pag-iisa-isa o Enumerasyon – Ang paglilista o enumerasyon ay tumutukoy sa
talaan o listahan ng mga ideya, katotohanan o detalye tungkol sa pangunahing
ideya.
 Pagsusunod-sunod – Ito ay naglalayon ding ipabatid sa mga mambabasa ang
isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng mga impormasyon.
 Paghahambing at pagkokontrast – Ang tekstong ito ay nagbibigay diin sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kaalaman, konsepto, pangyayari, tao at iba
pa.
 Problema at Solusyon – Binibigyang pansin sa hulwarang ito ang pagtatalakay
sa ilang problema o suliranin at paglalapat ng solusyon o kalutasan.
 Sanhi at Bunga- Ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring
humantong sa isang bunga.

You might also like