ESP 9 Modyul 12-Q3

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Aralin 12

PAMAMAHALA SA PAGGAMIT
NG ORAS
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI
inililimos.
Balik-aral:
• Ang kasipagan ang tumutulong sa isang tao upang
mapaunlad niya ang kanyang pagkatao.
• Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, at
pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.
• Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maabot o
makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay.
• Kailangan na tratuhin ang pag-iimpok na isang
obligasyon at hindi opsiyonal ayon kay Francisco
Colayco.
Panimula
• “Time is gold” sabi nila.
• Ano ang oras para sa iyo? Ano
ang pananaw mo sa paggamit ng
oras? Bakit kaya nasabi ng
karamihan na time is gold?
Pamamahala sa Paggamit ng Oras
• Ang oras ay kaloob na
ipinagkakatiwala sa tao. Tayo
ay ginawang katiwala ng
Diyos sa maraming bagay -
isa na rito ang oras.
• Bilang katiwala, may tungkulin
tayo na gamitin ang oras na may
pananagutan sapagkat ito ay
HINDI na maibabalik kailanman.
Pamamahala sa Paggamit ng Oras
• Ang oras ay di tulad ng salapi na maaring
ipunin.
• Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa
epektibo at produktibong paggamit nito sa
paggawa. Ito ang pagkontrol sa dami ng oras na
gugugulin sa isang tiyak na gawain.
• Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit
ng oras tataas ang produktibidad, pagkamabisa
at kagalingan sa paggawa.
Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa

SPECIFIC
MEASURABLE
ATTAINABLE
REALISTIC
TIME BOUND
Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa
1. Specific (Tiyak). Tiyak ang iyong tunguhin
kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong
nais na mangyari sa iyong paggawa.
2. Measurable (Nasusukat). Dapat
pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa
iyong mga kakayahan sapagkat kung hindi
ay HINDI mo rin ito maisasakatuparan.
Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa
3. Attainable (Naaabot). Ang tunguhin mo
ay makatotohanan, maabot at
mapanghamon.
4. Realistic (Makatotohanan). Mahalagang
tignan ang kaangkupan ng iyong gawain sa
pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa
at timbangin kung ito ay higit na makakabuti.
Pagtatakda ng Tunguhin sa Paggawa
5. Time Bound (Nasusukat ng Panahon).
Kailangan na magbigay ng takdang panahon
kung kailan mo maisasakatuparan ang iyong
tunguhin.
Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras
• Pagsisimula sa Tamang Oras – ang bawat
gawain ay kailangang simulan sa itinakdang
oras.
• Pamamahala sa Pagpapabukas (Mañana
habit) – ang mañana habit ay ang puwang mula sa
oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa
aktuwal na oras ng paggawa. Makabubuting alamin
ang mga sirkumstansiya at mga dahilan ng iyong
pagpapabukas nang sa gayun ay mapamahalaan mo
ito.
Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras
• Prayoritasyon – ito ang pagtatakda kung anong
mga gawain ang dapat gawin at tapusin sa takdang
oras. Sa pamamagitan nito, mapamahalaan mo ang
paggamit ng iyong oras at matupad ang iyong mga
tunguhin.
Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras
• Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay ng
direksiyon sa nais mong matupad. Magplano
para sa iyong buhay.
• Pagtukoy sa kung ano ang iyong
pangangailangan sa kinahaharap na gawain.
• Pagtasa sa mga gawain. Kung ito ay malawak,
simulan sa pinakamaliit na gawain. Ang pagsisimula
sa pinakapayak at madaling gawain ay
makapagdudulot ng kasiyahan o sense of
achievement.
Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras
• Pag-aayos ng mga kongkretong hakbang o plano ng
pagkilos upang matapos nang maayos. Magtakda ng
araw kung kailan tatapusin ang gawain. Iwasang
malihis sa ibang gawain. Mag-focus.
• Gumawa. Itakda ang oras. Gantimpalaan ang
sarili sa tuwing may natatapos na gawain.
• Tasahin kung nagawa ang nararapat gawin. Maging
matiyaga at kapaki-pakinabang.Huwag susuko.
Pamamahinga at Paglilibang
• Ang paglalaan ng
oras para sa
pamamahinga at
paglilibang
pagkatapos ng iyong
paggawa ay
magbibigay balanse
sa iyong buhay.
Pagbubuod:
Ang pagsasapuso mo sa kahalagahan ng
pamamahala sa paggamit ng iyong oras ay
nakaaapekto sa iyong sariling pag-unlad, sa iyong
kapwa, sa lipunan at sa iyong ugnayan sa Diyos
na Siyang nagkaloob ng lahat ng bagay kabilang
na ng oras.
TAKDA
: PAGPAPAHALAGA

• Magbigay ng mga dahilanan ng


nakakapag-aksaya ng oras at panahon mo?
Paano mo ito nalalabanan?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• esp_9_lm_draft_3.31.2014-2
• https://www.eagleonline.com/the-power-of-to-do-lists/
• http://www.ruwhim.com/?p=49072
• http://www.springboardtraining.com/products/list-
articles-columns/success-language-unlimited/tech-
time-mgmt
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. NO
ERASURES.
1. Ang oras ay kaloob ng Diyos na
ipinagkakatiwala sa tao.
2. May tungkulin ang tao na gamitin ang
oras ayon sa kanyag nais.
3. Ang oras ay tulad ng salapi na
maaring ipunin.
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa. NO
ERASURES.
4. Ang pamamahala sa oras ay ang
kakayahan sa epektibo at
produktibong paggamit nito sa
paggawa.
5. Ang pagsisimula sa pinakapayak at
madaling gawain ay makapagdudulot ng
kasiyahan.
SAGOT:

1. TAM
A
2. MALI
3. MALI
4. TAM
A

You might also like