Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

"Not all women needs a man nor a prince

charming to save them"


PAGSULONG,
PAGTANGGAP AT
PAGGALANG SA
KASARIAN
LAYUNIN:

• Nakakatukoy ng mga batas at mga tao na nagtaguyod


sa pagsulong, pagtanggap at paggalang sa kasarian.
• Nakakagawa ng sariling opinyon batay iyong
paninindigan ukol sa pagtanggap at paggalang sa
kasarian.
1
ANO ANG MAGNA CARTA FOR WOMEN?

• Ito ay isang batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan laban


sa iba‟t-ibang uri ng diskriminasyon, at itaguyod ang pagkakapantay-
pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
• Ito ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention
on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW.

2
LAYUNIN:
Itaguyod ang husay, galing at potensyal ng bawat
babae bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad sa
pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa
katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.

3
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN
• Pangunahing tagapagtupad (primary duty bearer) ng komprehensibong
batas na ito.
• Tuwirang responsibilidad nila na proteksyunan ang kababaihan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang karapatan.
• Naglilikha at nagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na
nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae tungo sa
kanilang kahusayan at kabutihan.

4
• Nagrerepaso o nag-aalis ng mga batas, patakaran, programa,
at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa
kababaihan.
• Basagin ang mga stereotype at tanggalin ang mga istrukturang
panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita
at gawi na nagpapahiwatig ng hindi pantay ang mga babae at
lalaki.

5
SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?
• Ang saklaw nito ay ang lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang
edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon,
uri o pinagmulan.
• Binibigyan nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga
batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t-
ibang larangan, marginalized women, at women in especially
difficult circumstances.

6
MARGINALIZED WOMEN
• mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan
• mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga
batayang pangangailangan at serbisyo
• mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod,
magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at
kababaihang Moro at katutubo.

7
WOMEN IN ESPECIALLY DIFFICULT
CIRCUMSTANCES

• mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip


na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso,
karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking, at
mga babaeng nakakulong.

8
SINO SI EMMA
WATSON?
EMMA WATSON
Si Emma Watson ay isang aktres mula sa United Kingdom na
nakilala sa kanyang mga pagganap sa mga pelikula ng Harry
Potter series bilang Hermione Granger. Itinalaga si Watson ng
UN Women, isang ahensya ng United Nations para sa
pagkakapantay-pantay ng mga kasarian at sa ikabubuti ng mga
kababaihan, bilang UN Goodwill Ambassador. Pinangungunahan
niya ang kampanyang HeForShe.
ANO ANG HEFORSHE
NA ORGANISASYON?
9
Pagtataya (10 minuto)
Panuto: I- Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang
isulat sa sagutang pape
1. Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso, karahasan at armadong sigalot?
a. Marginalized Women b. Women with peculiar experiences
c. Marginal women d. Women in especially difficult circumtances 2. Sino
ang kilalang aktres mula sa United Kingdom na itinalagang UN Goodwill Ambassador?
a. Emille Watson c. Emma Watson
b. Emma Waston d. Emily Waston
3. Sino ang pangunahing tagapagtupad ng komprehensibong batas na Magna Carta for Women?
a. Pamahalaan b. GABRIELA c. simbahan d. Paaralan
4. Sino ang saklaw ng Magna Carta?
a. mga lalaki b. mga bata c. mga babae d. wala sa nabanggit
5. Ano ang tawag sa mga babaeng mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga
batayang pangangailangan at serbisyo?
a. Marginal Women b. Women in especially difficult circumtances
c. Marginalized women d. Women with peculiar experience
6. Anong batas ang nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan laban sa iba„t-ibang uri ng
diskriminasyon, at itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay?
a. Convention on the Elimination of all forms of Discrimination Against Women
b. Convention on the Elevation of all forms of Discrimination Against Women
c. Magna Carta for Women
d. Magna Carta for Men
7. Ano ang tawag sa kampanya ng UN Women para sa pagkakapantay-pantay ng kasarian?
a. Magna Carta b. UN Women c. CEDAW d. HeforShe.org
8. Ang mga sumusunod ay ang responsibilidad ng pamahalaan sa pangangalaga ng karapatan ng mga
kababaihan maliban sa isa.
a. Responsibilidad nila na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon.
b. Paigtingin ang mga stereotype at istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita
at gawi na nagpapahiwatig ng hindi pantay ang mga babae at lalaki.
c. Nagrerepaso o nag-aalis ng mga batas, patakaran, programa at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon
laban sa kababaihan.
d. Nagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng
mga babae.
9. Ano ang layunin ng Magna Carta for Women?
a. Itaguyod ang husay at galing ng mga babae.
b. Linangin ang potensiyal ng bawat babae bilang alagad ng pagbabago.
c. Ang karapatan ng kababaihan ay dapat hiwalay sa karapatang pantao.
d. A at B
10.Kailan naisabatas ang Magna Carta for Women?
a. Hulyo 8, 2008 b. Hulyo 8, 2018 c. Hunyo 8, 2008 d. Hunyo 18, 2000

You might also like