Noli Me

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

KALIGIRANG

PANGKASAYSAYAN
NG
NOLI ME TANGERE
NOLI ME TANGERE
kauna-unahang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal

 Magdadalawampu't apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito.


Ang nobelang ito ay maituturing na walang kamatayan kung paanong walang
kamatayan ang kabayanihan ni Rizal.
Dr. Ferdinand Blumentritt
 ang Noli Me Tangere ay “isinulat sa dugo ng puso."
"Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San
Lucas (na dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay
nangangahulugang "Huwag mo akong Salingin.”

Ang Noli Me Tangere ay pahayag na Latin na ang ibig sabihin ay


“Huwag Mo Akong Salingin”. Hango rin ito sa Ebanghelyo ni San
Juan Kabanata 20, Talata 17 mula sa pahayag ni Hesus na “Huwag mo
akong salingin pagkat di pa ako nakakaakyat sa aking Ama. Ang
pahayag ay bahagi lamang ang kinuha.
Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay walang
sinumang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay na iyon ay napakaselan
kaya't walang makasaling man lamang. Pinangahasan kong gawin ang di
mapangahasang gawin ng sinuman. Sinagot ko ang mga paninirang-loob na
daan-daang taon ay ikinulapol sa amin at sa aming bayan. Inilarawan ko ang
kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay roon, ang aming mga
paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan, mga pagdadalamhati.
Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balatkayong relihiyon ay siyang
nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ipinakilala ko ang kaibahan ng tunay sa di-
tunay na relihiyon sa relihiyong ang kinakalakal ay ang Banal na Kasulatan upang
magkasalapi, upang kami'y papaniwalain sa mga kaululang sukat ikahiya ng
Katolisismo kung kanya lamang malalaman.
Iniangat ko ang tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya
at nakasisilaw na pangako ng aming pamahalaan. Sinabi ko sa aming mga
kababayan kung ano-ano ang aming mga kapintasan, ang aming mga bisyo, ang
aming pagwawalang bahala sa mga pagdaralita roon na nagpapakilala ng
karuwagan at tunay na masisisi sa atin. Saanman ako makakita ng kabaitan, ito'y
aking ipinagbabansag at pinag-uukulan ng karampatang paggalang. Ang mga
pangyayaring aking isinaysay ay pawang katotohanan at nangyayari; ang mga
iyon ay maaari kong patunayan. Maaaring ang aklat ko ay may mga
kapintasan kung sining at ganda ang pag-uusapan, iyan ay hindi ko itatanggi:
datapwat ang hindi matutulan ay ang kawalan ng pagkiling ng aking
pagsasalaysay.
Nasiksihan at naging biktima rin ng kalupitan at kawalang-katarungan ang pinakamamahal
niyang ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo ito sa maling paratang na kasabwat ng kapatid na
si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nito.

Hindi pa napapawi ang kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni Donya


Teodora ay nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos, Gomez, at
Zamora, kasama ang ibang lider na Pilipino.Ang tatlong paring martir ay binitay sa
pamamagitan ng garote sa Bagumbayan.
 Matatamo lang ang pagbabago sa pamamagitan ng karunungan at ng edukasyon matatamo.

The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag)


 nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.

Kaya bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid, Espanya at doo'y
natapos niya ang kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at
natapos ang sangkapat na bahagi. Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng
nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salaping naging daan upang
makapagpalimbag ng 2000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin, Germany noong
Marso 29, 1887.

Una, nais niyang bumalik sa Pilipinas dahil sa hangarin niyang maoperahan ang
kanyang ina sa lumalalang panlalabo ng mga mata nito pangalawa ay upang
mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kanyang
mga sulat mula taong 1884 hanggang 1887; at panghuli, ibig niyang malaman
kung ano ang naging bisa ng kanyang nobela sa kanyang bayan at mga
kababayan.
Unang pagkakataon umuwi sa Pilipinas ay noong Agosto 6, 1887, si Rizal ay agad na nagtuloy
sa Calamba upang maoperahan ang kanyang ina.

Bilang hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay


Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kanyang mga
kaaway.

Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1988.


nagpunta siya sa Hongkong, Japan, San Francisco at New York sa Estados Unidos, at London
sa United Kingdom.
*Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kanyang panahon sa pagsulat ng
mga tugon sa mga tuligsa sa kanya.
tinugon niya ang mga polyeto ni Fray Rodriguez laban sa kanyang Noli Me
Tangere. Inilagay niya sa katawa-tawang anyo ang naturang pari sa sinulat
niyang La Vision de Fray Rodriguez. Ang kanya namang Por Telefono ay
laban kay Fray Salvador Fort na nanguna sa lupong nagsiyasat at gumawa ng
ulat upang ipagbawal na basahin ang Noli me Tangere ng sinumang Pilipino.
APAT na BATAYAN sa pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng klasikong
nobelang Noli Me Tangere.
•Una, ang pagbagsak ng Espanya bilang mananakop. Nakaranas
ito ng pagkalugi sa mga “Galleon Trade”. Nariyang lusubin ng
mga pirata kaya`t sa patuloy na pagkalugi`y nawalan ng panustos
sa mga paglalayag na hudyat ng kawakasan ng pamamayagpag sa
daigdig bilang kolonisador. Nagsilbing batayan ito kay Rizal upang
mailarawan ang mga maling bunga ng kolonyalismong
pamamahala.
• Pangalawa, ang nasaksihang pang-aabuso ng mga prayle. Nariyan ang malawakang
pangangamkam ng mga lupain at pagpapairal ng mga mapaniil na batas.
• Pangatlo, pagsibol ng kaalamang kaugnay sa prinsipyo ng kalayaan. Palibhasa’y saksi siya
sa mga pangyayaring batayan sa pagtatamo ng mga kaisipang hahango sa pagkaalipin ng
Pilipinas.
• Ikaapat, ang impluwensiya ng pangkabataang karanasang nakapaloob sa mga isinulat na akda.
 Sa Aking mga Kababata

 Maikling tula na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling wika.

 Ang Alamat Tungkol sa Tsinelas


 Maikling kuwento hinggil sa pagtatamo ng kaisipang higit na malayo kaysa sa
kaniyang kagulang. Dahil sa halip na umiyak sa pagkahulog ng tsinelas sa ilog itinapon
ang isa pa upang magkaroon ng kapakinabangan sa makakakuha nito.
Ang Batang Gamugamo

• Isang pabula. Di dapat padalos-dalos sa pagdedesisyon ang pinaka-aral ng nasabing


akda.
• Kaya’t sa edad na 24, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere noong
1887. Isinulat ang unang bahagi sa Madrid Espanya, ang unang ikaapat na bahagi ay sa
Paris Pransya at ang natitirang ikaapat ay sa Wilhemsfield Alemanya.
• Bukod sa tinurang dahilan, nagsilbing inspirasyon ang mga aklat na:

“The Wondering Jew” ni Eugenio Sue – tungkol ito sa lalaking kumutya kay Jesus habang
siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ay pinarusahang maglakad sa buong mundo ng
walang tigil.
“Uncle Tom’s Cabin” – tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga
Negro, Dahil dito tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Pagsusulit! 
Panuto:Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

HANAY A HANAY B

___1.Ang Noli me Tangere ay isinulat sa orihinal na


salitang_______ a.Espanyol
___2.Isang aklat na tungkol sa pagmamalupit ng mga
puting Amerikano sa mga Negro. b. Ebanghelyo ni San Juan
___3. Dahil sa aklat na ito ay nabuo sa puso ni Rizal ang
pagsulat ng isang nobelang gigising sa natutulog na c.Latin
damdamin ng mga Pilipino
___4.Saan sinipi ang pamagat ng unang nobela ni Rizal?
d.Maximo Viola
___5.Nagpahiram ng pera kay Rizal upang
makapagpalimbag siya ng 2000 kopya ng kanyang e.Inang Bayan
nobela.
Panuto:Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

HANAY A HANAY B

___6.Sila ang nagmalupit sa lahing Pilipino na naging


inspirasyon ni Rizal na tapusin ang kanyang nobela. f.Huwag Mo Akong Salingin

___7.Kanino inihandog ni Rizal ang kanyang nobela?


g.Uncle Tom’s Cabin
___8.Ito’y isang pabula na may aral na “di dapat
padalos-dalos sa pagdedesisyon “ h. The Wandering Jew

___9.Ang Noli Me Tangere ay nangangahulugang___


i.Ang Batang Gamugamo
___10.Sa anong klaseng sakit inihalintulad ni Rizal ang
kanyang nobela? j.Kanser
Panuto:Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

HANAY A HANAY B

___11. Ilang taon si Rizal ng umpisahang isulat ang Noli


Me Tangere k. Dr. Ferdinand Blumentritt

___12. Ang nagsabi na ang Noli Me Tangere ay “isinulat


sa dugo ng puso."
l.garote
___13. Anong paraan ng pagkitil sa buhay ng tatlong
paring martir m. Fray Rodriguez

___14. Para kanino ang Por Telefono.


n. Fray Salvador Fort
___15. Inilagay niya sa katawa-tawang anyo ang naturang
pari sa sinulat niyang La Vision de Fray ________. o. dalawampu’t apat

You might also like