Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Linggo 2: Paksa 1:

Mga anyo ng Panitikan at


Halimbawa
Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan
 May 5 salik na mahalaga na siyang nakapangyayari sa
panitikan.
1) Ang klima- Malaki ang nagagawa ng init o lamig, bagyo o unos,
baha at ulan sa isipan at damdamin ng tao.
2)Ang Hanapbuhay o Tungkulin ng mga tao- Ang mga salita at
pahayag sa panitikan ay kaugnay ng hanapbuhay ng mga
mamamayan.
3)Ang Pook o kinatitirhan- ang heograpiya ay malaki ang
nagagawang impluwesya sa isipan at damdamin ng tao.
 4) Lipunan at Pulitika- Ang sistema ng pamahalaan ,ang
ideolohiya at ugaling panlipunan gayon din ang kultura ng mga
tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa.
 5) Edukasyon at Pananampalataya- Ang saklaw at laman ng
panitikan ay naaayon sa edukasyon at pananampalataya ng mga
mamamayan. Kung busog ang isipan, dala ng malawak na
edukasyong natutuhan , ang mga ito ay mababakas sa panitikan
ng lahi. Gayon din naman ang pananampalataya. Ito ang laging
pinapaksa ng mga kilalang makata at manunulat.
Pag-uuring
Pampanitikan A. Ayon sa Pagsasalin:
1) Pagsasalindila- paraan ng paglipinat ng panitikan
mula sa dila at bibig ng tao.
2) Pasalinsulat- isinatitik, isinulat, inukit o iginuhit
ng mga ninuno ang kanilang panitikan.
3) Pasalintroniko- bagong kaparaanan ng pagsasalin
sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko
na dulot ng teknolohiyang elektroniko gaya ng
paggamit ng compact disc, diskette,recorder, mga
aklat na elektroniko at kompyuter
B. Ayon sa Anyo

1)Tuluyan o Prosa
2) Patula
1. TULUYAN- anyo ng panitikang nagpapahayag ng mga kaisipan at
damdamin na nasulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap.
• Mga Uri ng Tuluyan:
a) Alamat
b) Pabula
c) Parabula
d) Anekdota
e) Talambuhay
f) Maikling Kwento
g) Sanaysay
h) Talumpati
i) Dula
j) Nobela
2) PATULA
May Tatlong Uri:
-Anyo ng panitikang a) Tulang Liriko-
nagpapahayag ng • Dalit- mga tulang nagsasaad ng papuri sa
Mahal na Birhen o sa Panginoon
mga kaisipan at • Soneto- mga tulang naglalaman ng 14 na
damdamin na may taludtod; Hal. Mga Soneto ni Jose Garcia
Villa sa Ingles
bilang ng mga • Oda- mga tulang paghanga o pgpuri sa
pantig, tugma at isang bagay.; nasusulat sa masining na
pahayag.
aliw-iw.
b) Tulang pasalaysay- nagsasalaysay ng buhay ng mga kaharian.
Tatlong Uri:
1) Epiko-
Hal. Biag ni Lam-Ang
2) Awit
Hal. Florante at Laura
3) Kurido
Hal. Ibong Adarna
c) Tulang Padula- isinulat at itinatanghal sa
dulaan sa entablado. Ang usapan ng mga
gumaganap ay patula.
Hal. “La India Elegante y El Negrito
Amante” ni Farncisco Baltazar
Ilang Akdang pampanitikan na Nagdala ng Malaking
Impluwensya sa Daigdig
1) Banal na Kasulatan o Santa Bibliya- batayan ng pananampalatayang Kristiyano
2) Koran o Qúran – ng Arabia na Bibliya o Banal na Aklat ng mga Muslim.
3) Iliad at Odyssey- ni Homer ng Gresya na siyang kinatutuhan ng mga mitolohiya at mga
alamat
4) Maha-Bharatas ng India- na siyang kasaysayan ng kanilang pananampalataya
5) Divina Comedia ni Dante ng Italya na nagpahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano ng pabahong iyon.
6) Ang Aklat ng mga Araw ni Confucius ng Tsina na siyang nagging batayan ng kalinangan at
pananampalatayang Intsik.
7) Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto na kinapapalooban
ng mitolohiya at teolohiya ng mga taga-Ehipto.
8) Ang Counterburry Tales ni Chaucer ng Inglatera na
naglalarawan ng mga ugaling Ingles at ng kanilang
pananampalataya.
9) Ang El Cid Campeador ng Espanya na nagpapahayag ng kanilang
mga alamat, pag-uugali at kasaysayan.
10) Ang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados
Unidos ng Amerika na nagbukas ng mata ng mga Amereikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at ang simula ng paglaganap ng
demokrasya sa daigdig.
 11) AngSanlibo’t Isang Gabi ng Arabia at Persya, na
nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
panlipunan, pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga
Silanganin.
 12)Ang Awit ni Rolando- na kinapapalooban ng
Roncevalles at Doce Pares ng Pransya na nagsasalaysay
ng gintong panahon ng sangkakristyanuhan at ng
makulay na kasaysayan ng mga Pranses.
1) Paano nakakaimpluwensya ang klima, hanapnuhay, pook na
kinatitirhan, pulitika at lipunan, pananampalataya at edukasyon sa
panitikan ng isang bansa?
2) Paano naiimpluwensyahan ng panitikan ang buhay, kaisipan at ugali
ng tao?
3) Ano ang ginagampanan ng panitikan sa kasaysayan ng bansa?

You might also like