Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

CENTRAL LUZON

STATE UNIVERSITY
“Nurturing a Culture of Excellence”
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY

Aralin 1: Batayang Kaalaman sa


Komunikasyon

Inihanda ni:
EMILY A. CONCEPCION
PANIMULANG TANONG
• Naniniwala ka ba na
ang pagsi-selfie at
pag-post nito sa
iyong social media
accounts ay may
kaugnayan sa
komunikasyon?
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
WIKA
• Sa Ingles, ito ay language na mula sa salitang Latin
na lingua na ang ibig sabihin ay dila.
• Ito ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na
ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan. -Wikipedia
• Ayon kay Webster (1974 sa Bernales, 2011), ang
wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan
ng mga tao sa pamamagitan ng mga pasulat o
pasalitang simbolo.
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
WIKA
• Ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang
kultura.- Gleason (1988)
• Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog o kaya’y mga pasulat na
letra na iniuugnay sa mga kahulugang nais
ipabatid sa ibang tao.- Emmert at Donagby (1981)
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
KOMUNIKASYON
 Paraan o proseso ng pagpapahayag,pagbabahagi o
pagpapalitan ng ideya, damdamin, impormasyon sa
pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalita o pagsenyas.

- UP Diksyonaryong Filipino
 Aktong pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita
at pasulat na paraan.

- Webster
 Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng
impormasyon na kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo. CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy at
nagbabago.
- Dance
Ang komunikasyon ay isang aktibong gawain sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng pagpapalitan ng damdamin,kuro-
kuro,saloobin,paniniwala at kaisipan sa pagitan ng dalawang tao o
pangkat ng mga tao gamit ang simbolong berbal o di berbal.
-Cantillas,2016

Ito ay proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan


ng ideya, impormasyon, ideya at karanasan at mga saloobin.

- San
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
LAYUNIN NG KOMUNIKASYON
Ayon kina Baird, Knower at Becker mula sa aklat nina Irabagon, et al (2003),

• Makapagbigay ng kaalaman.
• Mapagtibay ang mga umiiral na saloobin o gawi.
• Magbigay-halaga sa mga isyung nararapat talakayin at
siyasatin.
• Mabawasan ang mga pag-aalinlangan.
• Maiangkop at maihambing ang sariling ideya at saloobin sa
ideya at saloobin naman ng ibang tao kung kinakailangan.
• Makipagkaibigan at makipagkapwa-tao.

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
• Ang komunikasyon ay isang proseso. Hindi
lamang ito tumatalakay sa pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe kundi kinapapalooban pa
ito ng maraming proseso.
• Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko.
Nagiging dinamiko ang komunikasyon dahil sa
impluwensya ng pagbabago ng panahon.
• Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging
komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil sa
magkaibang persepsyon ng mga taong kasangkot sa
komunikasyon.
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
• Mensahe, hindi kahulugan ang
naipadadala/natatanggap sa komunikasyon.
Ang pagpapakahulugan sa mensahe ay laging
nakadepende sa tumatanggap nito.
• Hindi maaaring umiwas sa komunikasyon. Ang
komunikasyon ay nagaganap sa lahat ng pagkakataon
kahit pa hindi tayo nagsasalita.
• Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso
ng komunikasyon. Ang mga mensaheng ito ay mauri
bilang mensaheng pangnilalaman o Panlingwistika.
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
• Hahatiin ang klase sa 5 pangkat na may
tig8-9 na miyembro.
• Sa pamamagitan ng maikling dula-
dulaan, ipakikita ng bawat pangkat ang
iba’t ibang antas ng komunikasyon.
• Bubunot ang bawat pangkat kung anong
antas ang kanilang ipakikita.
• Tatlong kasapi mula sa pangkat ang
tatalakay sa antas ng komunikasyon na
nabunot ng pangkat.
• Ito ay hanggang 3 minuto lang. Puputulin
ang presentasyon kapag ito ay may 3
minuto na.
• Magsisilbi itong Pagganap Blg. 1.( 25 pts.)

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


• Mamarkahan ang bawat
pangkat batay sa
sumusunod na pamantayan:
• Kawastuhan at
Kahusayan (pagtalakay)-
10 puntos
• Husay at kaayusan ng
pagganap-10 puntos
• Dating sa Madla- 5
puntos
• KABUOAN-25 puntos
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
ANTAS NG KOMUNIKASYON
Intrapersonal

Nagaganap ito sa
panloob ng isang
tao.

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


ANTAS NG KOMUNIKASYON
Interpersonal
Nagaganap ito sa
pagitan ng dalawa o
mahigit pang mga tao, o
sa isang tao at isang
maliit na pangkat

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


ANTAS NG KOMUNIKASYON
Pangkatan
Nagaganap ito sa
pagitan ng mas
maraming bilang ng
partisipant na may
iisang layunin lamang.

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


ANTAS NG KOMUNIKASYON
Pampubliko
Nagaganap ito sa
pamamagitan ng isang
tagapagsalita at
maraming tagapakinig.

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


ANTAS NG KOMUNIKASYON
Pangmadla

Nagaganap ito sa
pagitan ng mga mass o
malawakang media

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Bakit kontekstwalisadong komunikasyon sa
Filipino?
CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY
KONTEKSTWALISASYON
Tumutukoy sa proseso ng pag-aaral
sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
kurikulum o aralin sa partikular na
tagpuan, sitwasyon o lugar ng paglalapat
upang gawing angkop, makabuluhan at
kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral.

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Filipino ng mga Pilipino

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Kritikal na Pagsusuri ng Pinanood
Ano ang iyong “AHA” moments sa iyong pinanood?

a. Tres Marias
b. Ang Estado ng Wikang Filipino
c. Many People,Many Places
d. Sa Madaling Salita
e. Sulong Wikang Filipino

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


Kritikal na Pagsusuri ng Pinanood
1. Papangkatin ang klase, 5 miyembro bawat pangkat.
2. Bawat pangkat ay kailangang maisagawa ang sumusunod na hakbang:
a. panuorin ang 5 video na ibibigay ng guro;
b. magsagawa ng pangkatang talakayan (brain-storming) ukol sa 5 video na
pinanuod;
c. gawan ng buod ang bawat video clip (5 pangungusap lang;
d. pag-ugnayin ang mahahalagang konsepto buhat sa limang video sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang sintesis (250-300 na salita LAMANG)
e. Ipapasa ang awtput gamit ang pormat na Tahoma 12. I-print sa A4 size na
bond paper
f. Ipapasa ito sa Marso 12, 2024, sa oras ng klase (FilKom 1100)
g. Ang hindi makikiisa sa pangkat ay gagawa ng kanyang sariling sintesis.
Kritikal na Pagsusuri ng Pinanood
3. Mamarkahan ang awtput batay sa sumusunod na krayterya:
 Balangkas (maayos ang pagkakasunod-sunod ng 3 bahagi ng isang sintesis)- 15
puntos
 Gramatika at wastong gamit ng mga salita (balarila at mga bantas) - 10 puntos
 Nilalaman-20 puntos
 Bilang ng mga Salita- 5 puntos
 KABUOAN-50 puntos.
4. Kailangang magpasa rin ng soft copy ng pinal na kopya ng gawaing ito sa
magkahiwalay na file. Gamitin ang pormat na (Group number_buod ng bawat Bidyo)
at (Group number_Sintesis).
5. Ia-upload ito sa link na ibibigay ng guro. Ang uploading ay mula ika-8 hanggang
ika-10 lamang ng gabi ng Marso 11. Matapos ang nasabing oras, hindi na maa-acces
ang link. Sinumang hindi makapagpasa ng soft copy ay hindi rin tatanggapin ang
hard copy na ipapasa sa Marso 12.
Salamat!
op@clsu.edu.ph
(6344) 456-0688
www.clsu.edu.ph
clsuofficialpage

You might also like