07 Mga Tiyak Na Siwasyong Pangkomunikasyon

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

SOFTNET

Information Technology
Center

KOMFIL
Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino

Inihanda ni: Prensisa “Ensy” Macaagir

Academic Year 2023-2024


SOFTNET
Information Technology
Center

LAYUNI
Sa N
pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay
inaasahang makatatamo ng kaalaman at kasanayan
na:
• Nagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paggamit ng
mga tiyak na gamit ng wika sa mga sitwasyong
pang-komunikasyon.
• Nakakalikha ng halimbawa sa bawat tiyak na
sitwasyong komunikasyon.
SOFTNET
Information Technology
Center

Mga Tiyak na Sitwasyong


Pangkomunikasyon
SOFTNET
Information Technology
Center

Mga Tiyak na Sitwasyong


Pangkomunikasyon :
 Forum, Lektyur, Seminar
 Workshop
 Group Discussion
 Pulong
 Video Conferencing
 Komunikasyong sa Social Media
SOFTNET
Information Technology
Center

FORUM
Isang uri ng komunikasyon sa akademya kung saan ang
mga tao ay nagpupulong upang talakayin ang isang
particular na isyu o paksa. Sa loob ng paaralan, ang
forum ay maaaring magbigay ng pagkakataon sa mga
estudyante, guro at iba pang mga kawani ng paaralan na
magbahagi ng kanilang pananaw at opinyon tungkol sa
mga isyung may kinalaman sa paaralan at edukasyon.
SOFTNET
Information Technology
Center

LEKTYUR
Isang uri ng komunikasyon sa akademya kung
saan ang isang propesor o guro ay nagbibigay ng
isang malawak at masusing paliwanag tungkol sa
isang partikular na paksa sa harap ng mga
estudyante. Ito ay ginagawa upang mapalawak
ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa
isang tiyak na paksa.
SOFTNET
Information Technology
Center

SEMINAR
Ito ay isang uri ng komunikasyon na naglalayong
magbigay ng pagkakataon sa mga tao na magbahagi
ng kanilang mga kaalaman at karanasan tungkol sa
isang paksa. Ito ay karaniwang isang interactive na
setting kung saan maaaring magtanong at magbigay
ng reaksyon ang mga tao sa isang maliit na pangkat.

Halimbawa: Seminar tungkol sa mga estratehiya sa


pagsusulat ng akademikong papel.
SOFTNET
Information Technology
Center

WORKSHOP
Isang uri ng komunikasyon sa akademya kung saan
ang mga kalahok ay nagkakaroon ng praktikal na
karanasan sa pagpapatupad ng isang konsepto o
kaalaman. Ito ay isangSEMINAR
aktibong paraan ng
pagtuturo at pag-aaral na naglalayong magbigay ng
mga kasanayan at aplikasyon sa mga kalahok. Ito ay
maaaring isagawa sa mga laboratory, field settings o
kahit sa mga online platform.
SOFTNET
Information Technology
Center

GROUP DISCUSSION
Ito ay isang uri ng komunikasyon sa akademya na
naglalayong magbigay ng pagkakataon sa mga
kasapi ng isang grupo na magbahagi ng kanilang
mga karanasan, kaalaman, at perspektiba sa isang
particular na paksa o isyu. Karaniwang ito ay
isinasagawa sa loob ng isang maliit na grupo at
may layuning maghatid ng mas malalim na pag-
unawa at solusyon sa isang suliranin.
SOFTNET
Information Technology
Center

PULONG
Isang uri ng pagpupulong kung saan ang mga
kalahok ay nagtitipon upang magtalakay o magpasya
tungkol sa mga isyu o bagay-bagay na may kinalaman
sa organisasyon o institusyon. Karaniwang mayroong
opisyal na tagapangulo o facilitator ang pulong
upang matiyak na maayos at sistematiko ang
pagpapatakbo nito. May dalawang uri ng pulong. Ito
ay ang miting at asembliya.
SOFTNET
Information Technology
Center

VIDEO CONFERENCING
Ay isang uri ng komunikasyon na nagbibigay ng
pagkakataon sa mga tao na magtalastasan sa
pamamagitan ng audio at video sa pamamagitan ng
isang online platform. Ito ay ginagamit sa iba’t ibang
mga larangan, kabilang ang edukasyon, negosyo at iba
pang industriya. Sa edukasyon, ang video conferencing
ay isang mahalagang tool na ginagamit upang
magbigay ng online na pagtuturo, mga webinar, mga
seminar, at iba pa.
SOFTNET
Information Technology
Center

KOMUNIKASYON SA SOCIAL MEDIA


Isa sa mga pinakapopular at mas madaling
paraan ng komunikasyon sa kasalukuyang
panahon. Ito ay nangangailangan ng
paggamit ng online platform tulad ng
facebook, twitter, Instagram, youtube, tiktok
at iba pa upang makipag-ugnayan at
magbahagi ng impormasyon sa ibang tao.
SOFTNET
Information Technology
Center

Sanggunian :
https://www.slideshare.net/PrancilisoGennRod/mga-tiyak-na-
sitwasyong-pangkomunikasyonpptx

You might also like