Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Magandang Buhay

mga Mag-aaral!

Mabuting tao
naman po kami.
PANALANGIN

Panginoon naming Diyos, kami po ay nagpapasalamat sa araw


na ito. Patnubayan mo po kami sa lahat ng aming gagawin.
Pagpalain mo po ang aming mga guro, at mga magulang na
patuloy na gumagabay sa amin. Maraming salamat po
Panginoon.
Amen.
ATTENDANCE
UNANG BAHAGI

MGA ISYUNG
MORAL
TUNGKOL SA
B U H AY

Q3: ESP 10- IKATLONG LINGGO


LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.

2. Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay.


‘Your Concern Is Human Rights,
Mine Is Human Lives,’

- President Rodrigo Roa Duterte


SAGUTIN NATIN:

1. Ayon sa inyong pagka-unawa, ano ang nais


ipakahulugan ng ating Pangulo sa kanyang pahayag?

2. May pagkakaiba ba ang Human rights sa Human


lives? Ano ito? At bakit?
PAGYAMANIN
Ikaw ay natatangi at espesyal sa lahat ng nilikha ng
Diyos. Ang buhay na ipinagkaloob sa Iyo ay
itinuturing na banal o sagrado at wala ni sinuman
ang maaaring kumuha nito maliban sa Kaniya. Kaya
tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan
at palaguin ang sariling buhay at ng ating kapuwa.
TANONG:
• Pabor kaba sa pagkakaroon ng
Parusang kamatayan (Death
penalty) sa ating bansa?
Ipaliwanag.
Subukin: PA N U TO :
1. Hanapin at tukuyin ang
mga isyung moral
patungkol sa buhay.
Maaring ang
mga titik ng salita ay
pahalang, patayo,
pabaliktad o padayagonal.
2. Gawing gabay ang
larawan sa kanan at isulat
ang sagot sa patlang.
MGA ISYUNG
M O R A L T U N G KO L
S A B U H AY
Ikaw ay natatangi at espesyal sa lahat ng nilikha ng
Diyos. Ang buhay na ipinagkaloob sa Iyo ay
itinuturing na banal o sagrado at wala ni sinuman
ang maaaring kumuha nito maliban sa Kaniya. Kaya
tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan
at palaguin ang sariling buhay at ng ating kapuwa.
A. PAGGAMIT NG DROGA
Ang paggamit ng pinagbabawal na
gamot ay maaaring maghatid sa tao
sa maling landas. Malaki ang
nagiging epekto nito sa pagkamit
natin ng tunay na kaganapan bilang
tao. Nararapat na ang isang
kabataang tulad mo ay magkaroon
nang sapat na kaalaman ukol dito
upang makaiwas sa mga taong
maaaring makaipluwensiya na
gumamit nito.
B. ALKOHOLISMO
Labis na pagkunsumo ng alak o anumang
inuming may alkohol.
Mga Epekto ng Alkoholismo
a. Nagpapahina ng enerhiya, nagpapabagal ng
isip, at sumisira sa kapasidad na maging
malikhain.
b. Nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng
makabuluhang pakikipagkapuwa - nauuwi sa
gulo, away, at krimen.
c. Apektado rin ang kalusugan; kaya’t nagiging
sanhi ng sakit tulad ng cancer, sakit sa atay at
kidney na maaaring mauwi sa pagkamatay.
d. Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung
paiiralin ang disiplina at pagtitimpi.
C. ABORTION
Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay
intensiyonal na pag-alis ng isang
fetus o sanggol sa sinapupunan ng
ina.
D. PAGPAPATIWAKAL (SUICIDE)

Ang pagpapatiwakal ay ang


sadyang pagkitil ng isang tao sa
sariling buhay at naaayon sa
sariling kagustuhan.
“EVERY GISING IS A
BLESSING.”
TAKDANG-ARALIN
Naunawaan mo ba ang ating aralin? Upang masubok ang lalim ng
iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong
1. Paano nakaaapekto ang mga isyung ating natalakay sa
kasagraduhan ng buhay?
2. May karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarli niyang
buhay?
3. Bakit sagrado ang buhay ng tao?
4. Paano natin mapananatili ang “kasagraduhan” ng buhay ng
tao?

You might also like