Jerom-Mags 39

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA 39:

DONYA CONSOLACION
Kapansin-pansin ang tanging bahay na kasara ang mga bintana sa
kasagsagan ng prusisyon. Ang bahay na iyon ay pagaari ng isang
Donya, si Donya Consolacion. Paano hindi siya pinayagang
lumabas at makihalubilo sa mga tao ng kanyang asawa, ang
Alperes. May mapipintog at malalaking ugat sa noo ni Donya
Consolacion at laging may nakasupalpal na malaking tabako sa
bibig. Nakilala ng Alperes ang Donya bilang isang Labandera
kaya nahihiya itong ipakilala ang Asawa sa mga kaibigan niyang
kastila at mayayamang taga lalawigan. Ikinahiya din ng Alperes
ang Donya dahil sa katawa-tawang pananamit at ang amoy nito
ay parang amoy ng mga kalaguyo ng mga sundalo.
• Ngunit para sa Donya, mas maganda siya kay Maria Clara.
Ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya ang pagmumura sa
kaniya ng Alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung
paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay
sa kanyang ng ibayong ngitngit.
• Narinig ng Donya si Sisa na umaawit sa kwartel kung saan ito
nakabilanggo. Ipinatawag ng Donya si Sisa ngunit hindi ito.
maintindahan ni Sisa sapgkat hindi tagalog ang wikang ginamit
ng Donya (spanish po ang ginamit niya). Pinipilit ng Donya ang
sarili na magsalita ng Wikang kastila at ayaw niyang ipahalata
na siya ay bihasang magsalita ng tagalog upang magmukhang
tunay na Europea.
• Nang pumanhik sa bahay nina Donya Consolacion si Sisa,
hindi man niya binati ang paraluman ng guwardiya sibil kaya
nagalit ang Donya. Kinuha ng Donya ang latigo ng Alperes at
muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa.
Dahil dito, inutusan ng Donya ang mga guwardiya sibil na
sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa
ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng
Donya at nakakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang
sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong mag tagalog
ang Donya. Napahiya ang Donya sa nangyari. Binalingan ng
Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong
magbaile o sumayaw.
• . Dahil sa pangangastila ng Donya, hindu maintindihan ni Sisa
ang iniutos nito kaya tinawag ng Donya ang kawal upang
sabihin sa baliw na sumayaw. Upang mapasunod si Sisa sa
kagustuhan, naglulundag at nag-iindak si Donya Consolacion
ngunit buong pagtataka lamang siyang pinagmasdan ni Sisa
ataya-mayang napangiti.
• Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa.
Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng
paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat.Nasisiyahan ang
Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya
kay Sisa. Nadatnan ng Alperes ang Donya habang nilalatigo si
Sisa. Pinatigil ito ng Alperes at ipinagamot si Sisa.
MGA TAUHAN:
Donya Consolacion
Maria Clara
Alperes
Sisa
Mga Sundalo

Tagpuan:
Kwartel
Bahay ni Donya Consolacion
MGA TANONG:
1.)Ano ang Kabanata 39?
2.)Kaninong bahay ang kapansin-pansin sa kasagsagan ng
prusisiyon dahil nakasara ang bintana?
3.)Sino ang narinig ng Donya na umaawit sa kwartel?
Prepared by:
Jerom Magallanes

To:
Ma’am Hellen dea Eleria

thank you for watching


subscribe


You might also like