Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 87

5 DEODATO D.C.

ARELLANO
Bayani ng Kaniyang Panahon, Inspirasyon Natin Ngayon

26 HULYO 1844 - 7 OKTUBRE 1899


DEODATO D.C. ARELLANO
Bayani ng Kaniyang Panahon, Inspirasyon Natin Ngayon

©2022 Inilathala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng


Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO -
History and Heritage Division) sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon,
Dibisyon ng Bulacan.

Walang anumang bahagi ng publikasyon ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang anyo nang walang pahintulot ng tagapaglathala.

Reserbado ang lahat ng karapatan. Unang Edisyon, 2022

Magpadala ng anumang komunikasyon sa:


Facebook: https://www.facebook.com/PhactoBHH
E-mail: sineliksikbulacan.phacto@gmail.com
Manunulat: Bernadette E. Bautista
Tagaguhit: Joan S. Buenaventura
Tagalapat: Bernadette E. Bautista

Ang ilustrasyon ng bayani sa pabalat ay iginuhit ni Billy Joe B. Marciano at ang sanaysay
patungkol sa bayani ay halaw mula sa akda ni Ericson Jose P. Dublas sa SINEliksik Bulacan
Heritage Book Vol. III “Bayani ng Kaniyang Panahon, Inspirasyon Natin Ngayon!”

Mga Tagasuri:
Dr. Jaime B. Veneracion Dr. Virgilio L. Laggui
May Arlene DG. Torres Dr. Rainelda M. Blanco
Billy Joe B. Marciano Edna Gomez

Mga Tagapamahala:
Dr. Gregorio C. Quinto, Jr. Dr. Eliseo S. dela Cruz
Dr. Virgilio L. Laggui May Arlene DG. Torres

Mga Katuwang na Tagapamahala:


Zayvie B. Tinsay Francis Dion P. Potes
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mga mag-aaral sa
kanilang pag-aaral. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan nila ang mga mahahalagang ambag ng mga piling bayani sa kasaysayan
tungo sa pagkakamit ng kalayaan ng bansa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang buoin, linangin at suriin ng mga edukador mula sa
pampublikong paaralan sa Sangay ng Bulacan at mga historyador mula sa
Panlalawigang Tanggapan ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (PHACTO) upang
gabayan ang gurong tagapagdaloy sa mabisang paghahatid sa mga mag-aaral ng
nilalaman ng modyul.

Ang modyul na ito ay inaasahang makagagabay sa mga mag-aaral upang maisagawa


ang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang inaasahang kasanayan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang kaalaman
ng mga mag-aaral sa kuwento ng kabayanihan ng itatampok na bayani.
Mayroon ding pangwakas na pagsusulit upang masukat naman ang
kanilang natutunan mula sa nilalaman ng modyul. May susi sa
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan na magkakaroon ng malalim na
pagkaunawa at pagsasabuhay ng kabayanihan ng mga bayani ang mga
mag-aaral.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito at


huwag susulatan o mamarkahan ang anomang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Narito sa ibaba ang mga bahagi at icon na dapat maunawaan ng mga


mag-aaral upang maging madali sa kanila ang paggamit ng modyul na ito.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

Simulan Mo Igayak Mo Nasyonalismong Eksplorasyon Linangin


Lunsaran ng Paksa ang Aralin

Ikintal Kaisipang Isagawa Mo Kamalayan, Talahulugan Susi sa Sanggunian


may Saysay Itanghal Mo Pagwawasto
Simulan Mo
Mabuhay, kapuwa ko mag-aaral sa ikalimang
baitang! Ako si Keña, ang iyong makakasama sa isang
makabuluhang pagbabalik-kasaysayan sa araw na ito.
Tutulungan kitang unawain at sagutan ang modyul na
ito.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman
patungkol kay Deodato Arellano, isa sa magigiting na
bayani ng ating bansa. Pagkatapos mong masagot ang
mga inihandang gawain, inaasahan na maipakikita mo
ang sumusunod na kakayahan na nasa ibaba.
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

▪ nasusuri ang kaugnayan ng pakikipaglaban ng mga


Pilipino sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino
(AP5) ;
▪ nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para
sa kabutihan ng kapuwa/bayan
(EsP5P-IIf-26) at
▪ nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o
katotohanan (Fil- F5PBIII-f-h-19)
Igayak Mo (5 minuto)
Ako naman ang kaibigan mong si Keño.
Katulad ni Keña ay sasamahan din kita sa
pagbabalik-kasaysayan na gagawin natin sa
araw na ito.
Bago natin simulan ang bagong aralin,
ating subukin ang antas ng inyong kaalaman
tungkol sa bayaning si Deoadato Arellano.
Halina! Sagutin mo ang paunang
pagsusulit sa ibaba.
Handa ka na ba? Umpisahan mo na!
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
1. Sino ang unang pangulo ng KKK?
A. Andres Bonifacio
B. Deodato Arellano
C. Marcelo H. del Pilar
D. Roman Basa
2. Ilang taon napanatiling lihim ang KKK?
A. 2
B. 3
C. 4
D. 5
3. Ano ang naging trabaho ni Deodato Arellano sa Maestranza Militar?
A. alcalde mayor
B. escribiente de la Maestranza
C. gobernador-heneral
D. polista
4. Ano ang pangalan sa Katipunan ni Deodato Arellano?
A. Santol
B. Goyo
C. Laong- Laan
D. Plaridel
5. Alin sa mga sumusunod na samahan ang HINDI naging kasapi si Deodato Arellano?
A. KKK
B. Kilusang Propaganda
C. La Liga Filipina
D. Magdalo

6 . Magkano ang nagiging ambag ng bawat kasapi ng Kilusang Propaganda sa


Cuerpo de Compromisarios?
A. Tatlong piso
B. Limang piso
C. Pitong piso
D. Walong piso
7. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng
pagbagsak ng La Liga Filipina?
A.ang pagkakatuklas sa KKK
B. ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan
C. ang pakikipaglaban ni Gregorio del Pilar sa Cordillera
D. ang pagtakas ni Marcelo H. del Pilar patungong
Espanya

8 . Bakit kinailangang tumakas patungong Espanya si Marcelo H. del Pilar


noong Oktubre 28, 1888?
A. dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga Katipunero
B. dahil sa matinding pagbatikos niya sa mga Kastila na ipinahayag sa
Diariong Tagalog
C. upang doon ipagpatuloy ang pagsusulat laban sa mga Kastila
D. upang palitan si Graciano Lopez Jaena na patnugot ng La
Solidaridad
9 . Bakit napalitan si Deodato Arellano bilang pangulo ng KKK??
A. nagkaroon siya ng karamdaman na nakamamatay
B. natapos na niya ang kaniyang termino bilang Pangulo ng
samahan
C. mas magiging epektibo siya sa ibang posisyon
D. hindi niya nakasundo si Andres Bonifacio pati na ang iba pang
kasapi ng Katipunan

10. Paano ipinagpatuloy ng mga Pilipinong nasa Europa ang


pakikipaglaban para sa ating bayan?
A. lumikom sila ng pera upang lumakas ang kanilang puwersa
B. pinadadalhan nila ng salapi ang mga Katipunero sa Pilipinas
C. isiniwalat nila sa La Solidaridad ang tunay na kalagayan ng
bansa
D. pinagbuti nila ang kanilang pag-aaral ng wikang Kastila
Nasyonalismong Lunsaran (5 minuto)

Samahan ninyo kaming tuklasin


ang ating bagong aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa ibaba. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
Dahil sa mapapait na karanasan ng mga Pilipino
sa ilalalim ng pamamahala ng mga Kastila
noong ika-19 na dantaon (1800-1898) at hindi
makatarungang pagbitay sa tatlong paring martir
na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at
Jacinto Zamora , mas umigting ang nadamang
pangangailangan sa pagbabago o reporma ng
mga Pilipino.
Sino Ako?
2

1
3

4 5
Pamprosesong Tanong:

1. Lagyan ng tsek (√) ang kahon ng mga bayaning iyong nakikilala.


Ano ang pangalan ng bayani?
____________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________________

2. Sa iyong palagay, ano kaya ang mga nagawa nila para sa ating
bayan?
_____________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
___________________________
Eksplorasyon ng Paksa (60 minuto)

Gusto mo bang makilala ang


unang pangulo ng Katipunan?
Ating basahin ang talambuhay ni
Deodato Arellano. Unawain at
tandaan ang kaniyang mga
mahahalagang ambag o
kontribusyon sa ating kasaysayan.
DEODATO D.C. ARELLANO: Bayani ng Kaniyang
Panahon, Inspirasyon Natin Ngayon

(Halaw mula sa sanaysay na “Deodato Arellano: Dakilang Tagapagdaloy ng


Kamalayang Mapagpalaya” ni Ericson Jose P. Dublas na nasa SINEliksik Bulacan
Heritage Book Vol. III)
Si Deodato Dela Cruz Arellano

ipinangangak sa Maysantol, Bulakan,


Bulacan
noong ika-26 ng Hulyo, 1844

Juan de la Cruz at Mamerta de la Cruz

nagmula sa pamilyang may-kaya


mayroon silang malawak na sakahan
at palaisdaan sa bayan ng Bulakan
ay isang Ilustrado
Ilustrado

- ang tawag sa mga nakapag-aral


na Pilipino na naniniwala sa
progreso dulot ng siyensiya o
teknolohiya.
Ang kaisipang ito ay kilala sa Espanya
bilang La Ilustracion, ang pinagmulan
ng katawagan sa mga tagasunod nito
na ilustrado.
Taglay ni Arellano ang maamong mukha
at kagalang-galang na personahe kung
pagbabasehan ang kaniyang larawan.
ong 1849, sa utos ni Gob. Hen.
eria na kumuha ng apelyido sa
an, idinagdag ang Arellano sa
ang apelyido. Upang sundin ang
pinalitan ng mga magulang ni
ano ang apelyidong de la Cruz sa
ano.
Nag-aral siya ng pagliligpit ng mga ulat at
pinansya (bookkeeping). Matapos ang
kaniyang kolehiyo, nanilbihan siya sa
Maestranza Militar bilang escribiente de la
Maestranza o clerk sa arsenal sa hukbong
artilyera ng mga Kastila sa Maynila. Sa
kaniyang pagtatrabaho rito, maraming gawain
ang kaniyang natutuhan. Sinasabing nagamit ni
Arellano ang mga kaalamang ito nang siya ay
naging bahagi ng kilusang mapagpalaya.
Namatay ang unang asawa ni Deodato
Arellano na nagngangalang Paula
Rivera. Nang muli siyang nag-asawa,
pinakasalan niya ang kapatid ni
Marcelo del Pilar na si Hilaria del Pilar
noong Abril 22, 1877.
Sa pangyayaring ito, napabilang si
Arellano sa malawak na kamag-anakan
ng mga Del Pilar sa Bulakan. Ilang Del
Pilar ang naglingkod bilang
gobernadorcillo (Punong Bayan). Kasama
si Marcelo H. del Pilar, naging aktibo si
Arellano sa masoneriya.
Pakikisangkot ni Deodato Arellano sa
Gawain ng La Propaganda o Kilusang
Propaganda
Taong 1882 itinatag ni Marcelo del Pilar ang
Diariong Tagalog, isang makabayang
pahayagang nasa wikang Tagalog at Espanyol.
Pinamatnugutan ni Marcelo del Pilar ang
Diariong Tagalog at naglathala ng pagsulong ng
reporma sa Pamahalaang Kastila at ng mga
daing ng mga inaaping Pilipino.
Isiniwalat ni Marcelo H.
del Pilar sa pahayagang
Diariong Tagalog ang pang-
aabuso ng mga Kastila. Dahil
napag-initan siya ng
Marcelo H. del Pilar
pamahalaan, kinailangang
lumikas ni Marcelo H. del
Pilar noong Oktubre 28,
1888 patungong Espanya.
Sa pag-alis ni Del Pilar, binuo
ni Deodato Arellano at mga
kasama ang Comite de La
Propaganda. Layunin nito na
lumikom ng salapi bilang
pagsuporta sa mga
propagandistang nasa Espanya
na nagsusulong ng reporma sa
Pilipinas.
Mahusay na ginampanan ni Arellano ang
kaniyang tungkulin sa Comite de La
Propaganda. Nakarating nang palihim sa
Pilipinas ang mga lathala ng La
Solidaridad. Siya at ang kaniyang mga
kasama ang gumagawa ng paraan para
makalusot sa koreo ang mga pakete na
pinaglalagyan ng La Solidaridad. Ginamit
niya ang kaniyang koneksiyon sa
Maynila.
Matagumpay nilang nailulusot nang
legal sa pamamagitan ng pag-iipit ng La
Solidaridad sa mga importadong
babasahin na ibinabagsak sa tindahan
ng kanilang kasabwat. Kung minsan
naman ay kanilang sinusuhulan ang
mga tauhan sa koreo upang makalusot
ang mga paketeng pinaglalagyan ng
pahayagan.
Ang kaniyang pangkat ang nagsilbing
mata at tainga ng kilusan sa loob ng
Pamahalaang Kastila sa Pilipinas.
Kasama niya si Gregorio del Pilar sa
gawaing ito. Ngunit dahil sa
kakulangan ng pondo ay nagwakas
noong 1895 ang pondo para sa
paglalathala sa pahayagan.
Pagsapi ni Deodato Arellano sa La Liga Filipina
Hunyo 26, 1892, bumalik si Jose Rizal
kasama ang kaniyang kapatid na si Lucia
sa Pilipinas. Sa kaniyang pagbabalik, gabi
ng ika-3 ng Hulyo,1892, itinatag niya
ang La Liga Filipina, isang samahang
naglalayong mapagsama-sama ang mga
Pilipino; maipagsanggalang sila sa mga
pang-aabuso at katiwalian ng mga Kastila;
at mapabuti ang edukasyon, pagsasaka at
kalakalan sa kolonya.
Nabuo ito bilang isang samahang
sibiko - na ang mga kasapi ay
nagtutulungan sa isa’t isa (mutual aid)
o nasa konsepto ito ng kooperatiba sa
iba’t ibang antas - mula sa barrio,
hanggang probinsiya at pambansa.
Maraming naakit sumapi sa La Liga
Filipina, kasama na si Arellano at
Andres Bonifacio. Karamihan sa kanila
ay mason.
Sa kasamaang palad, ilang araw
pagkatapos maitatag ang La Liga
Filipina, nadakip at ipinatapon si Jose
Rizal sa Dapitan, Zamboanga del Norte
noong ika-6 ng Hulyo sa utos ni
Gobernador Heneral Eulogio Despujol.
Ang pagkakatapon kay Rizal sa
Dapitan ang pangunahing sanhi ng
pagbasak ng La Liga Filipina. Nais ng mga
kasapi na ipagpatuloy ito, subalit nahati
ang kanilang hanay. May sumusuporta sa
Kilusang Propaganda sa Espanya.
Tinawag itong Cuerpo de
Compromisarios na ang ibig sabihin ay
ang pagbibigay ng butaw (kompromiso)
para sa paglalathala ng pahayagang La
May kasapi naman ang La
Liga Filipina na piniling
maging aktibo sa pagkuha
ng kasapi sa pamamagitan
ng opisyal na pagtatatag ng
Kataastaasang Kagalang-
galang na Katipunan ng
mga Anak ng Bayan Andres Bonifacio

noong ika-7 ng Hulyo,


Sa una, ang KKK ay isang lihim na
samahan na naglayon na wakasan ang
pananakop ng mga Kastila sa pamamagitan
ng puwersa o dahas. Tinipon ni Andres
Bonifacio ang mga progresibong kasapi ng
La Liga Filipina na sina Teodoro Plata,
Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Jose Dizon at
si Deodato Arellano upang itatag ang
nasabing lihim na samahan. Bukas ito sa
lahat ng uri ng lipunan, ilustrado man o hindi.
Sa tirahan mismo ni
Deodato Arellano sa 72
Kalye Azcarraga na
kilala ngayon na Claro
M. Recto Avenue
itinatag ang Katipunan.
Larawan ng tirahan ni Deodato Arellano
May pagkakatulad ang
layunin at istruktura ng
Katipunan sa La Liga
Filipina.
Ang Katipunan ay kapatirang
magbubuo ng mga selda (ayon sa
prinsipyo ng trianggulo). Sa sistemang
ito, ang orihinal na kasapi ay kukuha
ng dalawang kasapi na hindi
magkakilala. Ito ay magpapatuloy
hanggang sa magkaroon nang sapat
na lakas upang ilunsad ang
Himagsikan.
Bilang simbolo ng
katapatan, sila ay
nagsasagawa ng
ritwal na tinatawag na
Sanduguan.
Isinusulat nila ang
kanilang pangalan at
lalagda gamit ang
Sanduguan o Blood Compact
kanilang dugo.
Si Deodato Arellano ang nahalal na
unang pangulo gamit ang sagisag na
Santol. Sa kaniyang pamumuno,
kinuha niyang modelo ng organisasyon
ang nasa saligang batas ng La Liga
Filipina tulad ng pagkakaroon ng mga
Sangguniang Pampook, Sangguniang
Pambayan at Sangguniang Pambansa.
Nakita ni Andres Bonifacio na
nararapat si Arellano sa ibang
posisyon sa kilusan. Sa
kahilingan ni Andres
Bonifacio, kaniyang tinipon
ang mga unang kasapi ng
Roman Basa samahan at inihalal si Roman
Basa bilang kapalit ni
Arellano.
Noong Abril 1893, kasabay ng
pagiging opisyal ng Katipunan, sinikap
ni Deodato Arellano kasama si Juan
de Zulueta na tipunin ang mga
nagkawatak-watak na miyembro ng La
Liga Filipina.
Inorganisa niya ang mga
konsehong panlalawigan sa
Bulacan at Maynila. Bilang resulta,
matagumpay niyang nare-organisa sa
ikatlong pagkakataon ang La Liga
Filipina noong 1893.
Naghalal sila ng bagong mga opisyales.
Si Arellano ang naging kalihim at
ingat-yaman ng samahan.
Nagampanan niyang mainam ang
kaniyang tungkulin dahil na rin sa
kaniyang kaalaman sa pag-aaral ng
bookkeeping sa kolehiyo.
Pagkalipas ng anim na buwan, noong
Oktubre 1893 ay hinalughog ang mga tahanan ng
mga kasaping nasa selda at kinumpiska ng mga
Kastila ang mga mahahalagang dokumento ng La
Liga Filipina. Kaya’t nagpasiya ang karamihan sa
mga kasapi na buwagin na ito.
Gayunpaman, ipinagpatuloy ni Arellano ang
trabaho ng pagsuporta sa Kilusang Propaganda
sa Espanya sa pamamagitan ng Cuerpo de
Compromisarios na ang bawat kasapi ay nag-
aambag ng buwanang kontribusiyon na limang-
piso. Nagpatuloy ang gawaing ito hanggang taong
1895.
Sa sumunod na taon, natuklasan ng
mga Kastila noong Agosto 19, 1896
ang lihim na samahang Katipunan sa
pamamagitan ng isang miyembro nito
na si Teodoro Patiño. Sa
pagkakadiskubre ng Katipunan,
nagkaroon ng malawakang pag-aresto
at pagpapahirap sa mga hinihinalang
kasapi nito.
Noong Agosto 23, 1896,
sinimulan ng Katipunan ang
Himagsikan. Bilang tanda ng
paghiwalay sa Espanya,
sabay-sabay nilang inilabas
ang kanilang sedula at
pinunit ito kasabay ang
pagsigaw ng “MABUHAY
ANG PILIPINAS”. Nakilala ito
sa tawag na Sigaw sa
Pugadlawin/ Balintawak.
Nadakip si Deodato Arellano ng mga
Kastila noong Oktubre 10, 1896. Hindi
nagtagal lumaya si Arellano at bumalik siya
sa kaniyang bayan sa Bulakan. Sumali siya
sa hukbo na itinatag ni Gregorio del Pilar na
kaniyang pamangkin. Kasama din siya ng
Brigada del Pilar sa mga pagkilos nito sa
Bulakan hangggang sa Pangasinan at
Cordillera. Dito ay naging pagador
(tagapagpasahod) si Arellano sa mga hukbo
Bukod sa pagiging pagador, ay naging
komandante siya ng batang Heneral.
Magandang katangian ni Arellano na
tinatanggap niya ang anumang gawain na
alam niyang may kakayahan siya. Siya ay
walang yabang o hubris. Ayos lamang na
sumunod siya kay Hen. Gregorio del Pilar
bagama’t mas bata sa kaniya. Si Hen. Gregorio
del Pilar ay isa sa mga pinakabatang heneral
sa kaniyang panahon.
Isang dokumento ang nasamsam
ng mga Amerikano ang nagpapakita
na si Arellano ay tumanggap pa ng
suweldo mula sa Pamahalaang
Republika ng Pilipinas noong taong
1899.
Nagkaroon ng karamdaman na
tuberculosis si Arellano noong panahon
ng digmaan. Namatay siya sa sakit na
iyon noong Oktubre 7, 1899 habang
nakikipaglaban ang kaniyang mga
kasamang rebolusyonaryo sa
kabundukan ng Bontoc sa Hilagang-
Luzon. Inilibing si Arellano ng kaniyang
mga kasama sa libingang bayan ng La
Trinidad, Benguet.
Ang paggunita kay Deodato Arellano ay
hindi lamang dapat nagtatapos sa
pariralang siya ay isa sa mga unang
nagtatag ng Katipunan at unang naging
pangulo nito. Bahagi lamang ito ng
kaniyang buhay. Nakita rin natin ang
kaniyang kabayanihan sa mahalagang
ginampanan niya sa gawaing
propaganda hanggang sa panahon ng
himagsikan.
Tandaan na may mga makabuluhan pa
siyang nagawa, bago at noong
kasagsagan ng Himagsikan. Isang
parte lamang ito ng kaniyang pagkatao
at kabayanihan. Mas nararapat siyang
kilalanin bilang dakilang
tagapagdaloy ng kamalayang
mapagpalaya para sa kapakanan ng
bayan.
Kung babasahin ang
kabuuan ng
kasaysayan ni
Arellano, lubos na
mapahahalagahan ang
aral mula sa kaniyang
buhay at iniwang
pamana. Deodato D.C. Areallano
Ang pinakamahalaga
rito ay ang pagtanggap
ng tungkulin, mataas
man ito o mababa,
nang walang agam-
agam at taos-puso,
upang matamo ang
dakilang mithiin. Deodato D.C. Areallano
Linangin ang Aralin (20 minuto)
Ngayong alam mo na ang mga
mahahalagang impormasyon tungkol
sa buhay ng bayaning si Deodato
Arellano, samahan mo akong gawin
ang mga inihandang pagsasanay.

Handa ka na ba? Simulan na natin!


Gawain 1

Alamin ang Katotohanan

Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang MK kung


may katotohanan ang isinasaad ng pangungusap at WK kung walang
katotohanan ang isinasaad. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

__________1. Si Mamerta dela Cruz ang ina ni Deodato Arellano.

__________2. Ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria ang


pagpapalit ng apelyido.

__________3. Pumanaw si Deodato Arellano sa gulang na 45.


__________4. Sa Unibersidad ng Sto. Tomas nag-aral ng kolehiyo si Arellano.

__________5. Si Paula Rivera ang unang asawa ni Deodato Arellano.

__________6. Sa Maynila ipinanganak nina Juan de la Cruz at Mamerta de la


Cruz si Arellano.

__________7. Santol ang pangalan sa Katipunan ni Deodato Arellano.

__________8 Kabilang sa uring Ilustrado si Arellano.

__________9. Ang KKK ay isang lihim na samahan na naglayon na wakasan


ang pananakop ng mga Kastila.

__________10. Si Deodato Arellano ang kauna-unahang pangulo ng KKK.


Gawain 2
Buhay ni Deaodato…

Panuto: Buoin ang Timeline. Isulat sa loob ng


bilog ang mahahalagang nangyari sa mga
petsang nakasulat. Piliin ang sagot sa
kahon.
Gawain 3
Larawang Walang Kupas ang Kabayanihan

Panuto: Gumuhit ng isang Poster na nagpapakita ng adhikain ng ating mga


bayani. Sa mga patlang ay sumulat ng maikling paliwanag ukol sa iginuhit.

BATAYANG 6-10 3-5 1-2


PUNTOS (Pinakamahusay) (Mahusay) (Pagtatangka)

Angkop at eksakto May kaugnayan Walang


ang kaugnayan sa sa paksa at kaugnayan sa
paksa at maganda malinis ang paksa at hindi
PAMANTAYAN
ang pagkakagawa. pagkagawa. malinis ang
pagkagawa.
Gawain 3
Larawang Walang Kupas ang Kabayanihan

(Gumamit ng bukod na papel….)


Ikintal Kaisipang may Saysay (10 minuto)

Binabati kita! Matagumpay mong


naisagawa ang mga pagsasanay.
Ngayon naman, subukin nating
alalahanin lahat ng ating nalaman
tungkol sa buhay ng ating bayaning si
Deodato Arellano. Halika, sagutin na
natin ang gawain bilang ating paglalahat!
Panuto: Punan ng impormasyon tungkol sa buhay ni Deodato
Arellano ang Fact Storming Web. Sagutin ang mga tanong na nasa
ibaba.

Fact Storming Web


Mga Tanong:

A. Ibigay ang impormasyon tungkol sa kaniyang pamilya.


1. Ngalan ng ama
2. Ngalan ng ina
3. Ngalan ng unang asawa
4. Ngalan ng ikalawang asawa
B. Ibigay ang ngalan ng mga samahan na kaniyang sinalihan.
5.
6.
7.
C. Isulat ang mga pangyayari sa mga huling yugto ng kaniyang buhay.
8. Naging karamdaman
9. Petsa ng kamatayan
10. Lugar ng libingan
D. Isulat ang mga naging katungkulan niya sa mga samahan na kaniyang sinalihan.
11.
12.
Isagawa mo (10 minuto)

Mahusay! Matagumpay mong


nasagutan ang paglalahat ng
aralin.
Ngayon naman, tulungan mo
akong sagutin ang pagninilay para
sa aralin.
Tara na! Gawin na natin!
Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng pananakop ng


mga Kastila, makikianib ka ba sa mga samahang binuo na
tinalakay sa aralin? Bakit?

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang naging pinakaugat ng paghingi ng
reporma ng mga Pilipino?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
__________________________________

3. Sang-ayon ka ba na nagpatuloy pa rin si Deodato Arellano sa pagsali


sa Katipunan kahit na siya ay pinalitan bilang pangulo? Ipaliwanag ang
iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________
Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng


tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ano ang naging katungkulan ni Deodato D.C. Arellano sa KKK?


A. ingat-yaman C.
klerk
B. kalihim
D. pangulo

2. Kailan nadakip at ipinatapon si Rizal sa Dapitan? Ilang araw lang ito


matapos itatag ang La Liga Filipina.
A. Hulyo 3, 1892
B. Hulyo 4, 1892
3. Saan nanilbihan bilang escribiente si Deodato D.C. Arellano matapos
ang kaniyang kolehiyo?
A. Ateneo de Manila C. Kilusang
Propaganda
B. Bulacan D.
Maestranza Militar

4. Ano ang sagisag na gamit ni Deodato D.C. Arellano nang siya ay nahalal
na pangulo ng KKK?
A. Dimasalang C.
Plaridel
B. Goyo
D. Santol
6. Ano ang tawag sa ritwal na isinasagawa sa pagsapi sa KKK?
A. Binyag C. Panata
B. Kumpil D.
Sanduguan
7. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagwawakas ng paglalathala
sa pahayagang La Solidaridad?
A. ang pagkakatuklas sa KKK
B. ang kakulangan ng pondo
C. ang pagkakapalit kay Deodato bilang pangulo
D. ang pagtakas ni Marcelo H. del Pilar patungong Espanya
8. Bakit napalitan si Deodato Arellano bilang pangulo ng KKK??
A. nagkaroon siya ng karamdaman na nakamamatay
B. natapos na niya ang kaniyang termino bilang pangulo ng samahan
C. mas magiging epektibo siya sa ibang posisyon
D.hindi niya nakasundo si Andres Bonifacio pati na ang iba pang kasapi ng
Katipunan
9. Bakit kinailangang tumakas patungong Espanya si Marcelo H. del Pilar noong
Oktubre 28, 1888?
A. dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga Katipunero
B. dahil sa matinding pagbatikos niya sa mga Kastila na ipinahayag sa
Diariong Tagalog
C. upang doon ipagpatuloy ang pagsusulat laban sa mga Kastila
D. upang palitan si Graciano Lopez Jaena na patnugot ng La Solidaridad

10. Paano ipinagpatuloy ng mga Pilipinong nasa Europa ang pakikipaglaban para sa
ating bayan?
A. lumikom sila ng pera upang lumakas ang kanilang puwersa
B. pinadadalhan nila ng salapi ang mga Katipunero sa Pilipinas
C. isiniwalat nila sa La Solidaridad ang tunay na kalagayan ng bansa
D. pinagbuti nila ang kanilang pag-aaral ng wikang Kastila upang makausap
ang mga Espanyol
Kamalayan Itanghal Mo (5 minuto)

Binabati ka namin! Matagumpay


mong napag-aralan ang nilalaman ng
modyul at naisagawa ang mga
inihandang pagsasanay.
Upang mapalalim pa ang iyong
kamalayan sa kabayanihan ni Deodato
Arellano, halina at sagutin ang isa pang
gawain. Basahin mong mabuti ang
panuto.
Panuto: Sagutin ang tanong batay sa sarili mong pananaw.

Tulad ni Deodato D.C. Arellano, paano mo


gagawing inspirasyon ang kabayanihan at
mabuting katangiang ipinamalas niya upang
maging isang magiting na Pilipinong maka-
Diyos, makatao, makakalikasan at makabansa
sa ating kasalukuyang panahon.
Maka-Diyos Makakalikasan

_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________

DEODATO D. C. ARELLANO
26 HULYO 1844- 7 OKTUBRE 1899

Makatao “Tulad ni Deodato, tayo ay


Makabansa
magpatuloy sa mga bagay
na ating nasimulan at
_______________________ _______________________
maging tagapagdaloy ng
_______________________ mapagpalayang kamalayan _______________________
_______________________ sa ating lipunan.” _______________________
_______________________ \ _______________________
Ericson Jose P. Dublas
May-akda ng Sanaysay
RUBRIK SA PAGBIBIGAY NG OPINYON
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
Pamantayan pa ng Kasanayan
4 3 2 1
Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng Ang nilalaman ng
opinyon ay 100% opinyon ay 90% opinyon ay 80% opinyon ay 70%
Nilalaman ang kaugnayan sa ang kaugnayan sa ang kaugnayan sa ang kaugnayan sa
paksa paksa paksa paksa

Naibigay ang 100% Naibigay ang 90% Naibigay ang 80% Naibigay ang 70%
na konsepto ng na konsepto ng na konsepto ng na konsepto ng
Konsepto paksa sa ibinigay paksa sa ibinigay paksa sa ibinigay paksa sa ibinigay
na opinyon na opinyon na opinyon na opinyon

Ang opinyon ay Ang opinyon ay Ang opinyon ay Ang opinyon ay


kinakitaan ng 100% kinakitaan ng 90% kinakitaan ng 80% kinakitaan ng 70%
Kalinisan at Kaayusan kalinisan at kalinisan at kalinisan at kalinisan at
kaayusan sa kaayusan sa kaayusan sa kaayusan sa
pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat

KABUOANG
MARKA/PUNTOS
Susi sa Pagwawasto

Igayak Mo Nasyonalismong Lunsaran


Linangin ang Aralin
1. B 6. B 1. Roman Basa
2. C 2. Deodato D.C. Arellano
7. B 3. Jose P. Rizal Gawain I
3. B 4. Andres Bonifacio
8. B 5. Marcelo H. del Pilar
4. A 1. MK 6.
9. C IKalawang Tanong: WK
5. D 10.C 2. MK 7. MK
. Nakadepende sa guro ang
pagmamarka. 3. WK 8. MK
4. WK 9. MK
Linangin ang Aralin

Gawain 2

Linangin ang Aralin


Hulyo 26, 1844- Ipinanganak si
Gawain 3
Arellano sa Maysantol, Bulakan,
Bulacan
Nakadepende sa guro
Hulyo 3, 1892- tinatag ang La Liga
ang pagmamarka.
Filipina. Naging kaapi siya nito.
Gamitin ang rubriks.
Hulyo 7, 1892- Itinatag ang
Katipunan sa kaniyang bahay.
Abril 1893- Nireorganisa niya sa
ikatlong pagkakataon ang La Liga
Filipina
Oktubre 7, 1899- Namatay noong
Digmaang Pilipino-Amerikano sa
Bontoc
Ikintal Kaisipang may Saysay Isagawa mo at
Tasahin Mo
1. Juan de la Cruz
2. Mamerta de la Cruz Gawain 1
3. Paula Rivera Nakadepende sa Kamalayan Itanghal Mo
4. Hilaria del Pilar guro ang
5. Kilusang Propaganda pagmamarka. Nakadepende sa guro
6. La Liga Filipina ang pagmamarka.
7. KKK Gawain 2
8. Tuberculosis
9. Oktubre 7, 1899 1. D
10. La Trinidad, Benguet 6. D
11. KKK- pangulo 2. D
12. LLF- kalihim 7. B
3. D
8. C
4. D
9. B
5. B
10. C
Sanggunian

Dublas, Ericson Jose P. “Deodato Arellano: Dakilang Tagapagdaloy ng


Kamalayang Mapagpalaya”, SINEliksik Bulacan Heritage Book Vol. III” Bayani
ng Kaniyang Panahon, Inspirasyon Natin Ngayon!”, Lungsod Malolos:
Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan-Panlalawigang Tanggapan ng
Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo (History and Heritage Division), 2021,
pah. 147-173.

Most Essential Learning Competencies (MELCs) pah.14

You might also like