Lesson 2 q3 Week 2 Tula o Awiting Panudyo Tulang de Gulong Bugtong Palaisipan

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Rafael L.

Lazatin Memorial High School


Kagawaran ng Edukasyon

IKATLONG MARKAHAN
FILIPINO 7
Inihanda ni:
Bb. Jenny Lou T. Santos
Tugmang de
gulong
Tugmang de gulong

Ito ay mga paalala


na maaaring makita
sa mga pampublikong
sasakyan tulad ng
dyip, bus at traysikel.
Tugmang de gulong
Karaniwa’y ito’y batay sa
nakatutuwa, lalo na’t ang
karamihan sa mga tugmang
ito ay nakabatay sa mga
kasabihan o salawikain na
dati nang batid ng mga
Pilipino.
Halimbawa:
1. Ang di magbayad mula sa
kanyang pinanggalingan ay di
makabababa sa paroroonan.
(Batay sa: Ang hindi
marunong lumingon sa
pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan.)
Halimbawa:
2. Aanhin pa ang gasolina
kung jeep ko ay sira na.
3. Ang di magbayad walang
problema, sa karma pa lang,
bayad ka na.
4. Bayad muna bago bumaba
nang di ka mapahiya.
Halimbawa:
5. Sitsit ay sa aso,
Katok ay sa pinto,
sambitin ang “para”
sa tabi tayo’y hihinto.
6. Huwag dumi-kwatro
sapagkat dyip ko’y di mo
kwarto.
Halimbawa:
7. Miss na sexy, kung gusto
mo’y libre, sa drayber ka
tumabi.
8. Sa pagtaas ng gasolina,
kaming mga drayber ay nag-
hahabol ng hininga.
Halimbawa:
9. Basta't driver, sweet lover.
10. Pasaherong masaya, tiyak
na may pera.
11. God knows hudas not pay.
Halimbawa:
Halimbawa:
Tula o
Awiting
panudyo
Tula/Awiting panudyo

Ito ay isang uri ng


akdang patula na ang
kadalasang layunin ay
manlibak, manukso o
mang-uyam.
Halimbawa:

1. Ako ay isang
lalaking matapang
huni ng tuko ay
kinatatakutan
Halimbawa:

2. Pedro Penduko,
matakaw sa tuyo,
nang ayaw maligo,
kinuskos ng gugo
Halimbawa:

3. Ang amoy mo ay
parang isda,
kasing-amoy ng patay
na daga
Halimbawa:

4. Ang tunay na lalaki


ay matigas tignan
tulad ng kahoy na nasa
tanan
Halimbawa:

5. May dumi sa ulo


ikakasal sa Linggo,
inalis, inalis ikakasal
sa Lunes
Bugtong
Bugtong

Ito ay binubuo ng 1 o
2 taludtod na maikli na
may sukat at tugma.
Ang pantig naman nito
ay apat hanggang
labindalawa.
Bugtong

Ito ay isang
pangungusap o tanong
na may doble o
nakatagong kahulugan
na nilulutas bilang
isang palaisipan.
Halimbawa:

1. Isang butil ng palay,


Sakop ang buong
bahay.

Sagot: Ilaw
Halimbawa:

2. Itim ng binili ko,


naging pula ng ginamit
ko.

Sagot: Uling
Halimbawa:

3. Sa buhatan ay may
silbi, sa igiban ay
walang sinabi.

Sagot: Basket
Halimbawa:

4. Bulaklak muna ang


dapat gawin, bago mo
ito kainin.

Sagot: Saging
Halimbawa:

5. Hindi hari, hindi pari


nagdadamit ng sari-
sari.

Sagot: Sampayan
Palaisipan
Palaisipan

Ito ay isang suliranin


o uri ng bugtong na
sinusubok
ang katalinuhan ng
lumulutas nito.
Palaisipan

Ito ay mga tanong


na kadalasang
nakalilito sa mga
tagapakinig.
Palaisipan

Sa una akala mo’y walang


sagot o puno ng kalokohan
ngunit kung susuriin, ang
palaisipan ay nagpapataas ng
isip at kadalang nagbibigay
ng kasanayang lohikal sa
mga nagtatangkang sumagot.
Halimbawa:
1. Anong meron sa aso na
meron din sa pusa, na wala sa
ibon, ngunit meron sa manok na
dalawa sa buwaya at kabayo na
tatlo sa palaka?

Sagot: Letrang A.
Halimbawa:
2. May isang bola sa mesa.
Tinakpan ito ng sombrero.
Paano nakuha ang bola nang ‘di
man lang nagagalaw ang
sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng
sumbrero
Halimbawa:
3. Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya. Ang
kanyang ama ay Amerikano, at ang kanyang
ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa
bansang Pransiya, nang siya ay lumaki ay
nakapangasawa siya ng Haponesa at doon
nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng
kamatayan siya ay inabot sa Saudi.
Tanong: Ano ang tawag kay Pedro?
Sagot: bangkay
Halimbawa:
4. Nang aking bilhin ito ay
parisukat, nang aking buksan ito
ay naging pabilog, At nang aking
kainin ito ay naging tatsulok. Ano
ito?

Sagot: pizza
Halimbawa:
5. Sina Singko ay limang
magkakapatid. Kung ang
panganay ay si Uno, sino ang
bunso sa kanila?

Sagot: si Singko

You might also like