Professional Documents
Culture Documents
Araling Panlipunan
Araling Panlipunan
Araling Panlipunan
PANLIPUNAN 2
ARALING
PANLIPUNAN 2
WEEK 1 - DAY 1
Ang Pinagmulan ng Aking
Kalamidad
Panuto: Isulat ang tsek ☑ sa
iyong sagutang papel kung ang
pangungusap ay tumutukoy ng
tama tungkol sa komunidad at
ekis ☒ kung hindi.
___1. Ang komunidad ay tumutukoy sa
pangkat ng mga namumuhay nang sama-sama
sa isang tiyak na lokasyon at nakikibahagi sa
uri ng pamumuhay, kultura at interaksiyon.
___2. Ang populasyon ay tumutukoy sa
bilang ng mga taong naninirahan sa
komunidad.
___3. Ang mga tao sa isang komunidad ay
gumagamit ng iisang wika lamang.
___4. Ang paaralan, simbahan, parke, ospital,
palengke at barangay hall ang bumubuo sa
isang komunidad.
___5. Ang bawat komunidad ay walang tiyak
na lokasyon.
Masdan ang larawan sa ibaba.
Ano ang iyong nakikita sa
larawan?
Tama! Ipinapakita sa
larawan ang isang lol ana
nagkukuwento tungkol sa
isang lugar.
Madalas din bang magkuwento ang iyong
lolo o lola tungkol sa isang lugar?
https://youtu.be/xlvlBRHxKPA?
si=GZjM9L2pU9qKw6-1
Mahalagang malaman at maunawaan mo
ang pinagmulan ng iyong komunidad. May
mga pagkakataon na nababago ang pangalan
ng komunidad, batay sa pagbabago ng
pamumuhay ng mga tao at ng kapaligiran.
Mga tanong:
1. Ano ang kuwento tungkol sa pinagmulan ng
pangalan ng iyong komunidad?
2. Ano-ano ang makasaysayang bantayog, lugar,
estruktura, at bagay sa iyong komunidad?
3. Bakit maksaysayan ang mga ito?
4. Paano binibigyang halaga ang mga ito sa iyong
komunidad?
Magbigay ng mga bagay na
maaaring pagmulan ng pangalan
ng isang komunidad batay sa
kuwento nito.
Panuto: Ipakilala ang pinagmulan ng sariling
komunidad sa pamamagitan ng paglikha ng
isang Story Map ng iyong komunidad. Isulat
ang mahahalagang detalye tulad ng dáting
pangalan, makasaysayang istruktura at lugar
na mayroon sa iyong komunidad.
Panuto: Sumulat ng 1-2 pangungusap
kung paano pinahahalagahan ang mga
makasaysayang bantayog, estruktura,
lugar, at bagay na makikita sa iyong
komunidad.
Tandaan:
Ang pangalan ng bawat komunidad ay may kani-
kaniyang kuwentong pinagmulan.
May mga makasaysayang bantayog, estruktura,
lugar, at bagay sa bawat komunidad na dapat
ingatan at pahalagahan.
Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ang pinagmulan ng komunidad ay mababatid
sa pamamagitan ng pag-alam sa _____ nito.
a. kasaysayan
b. kabuhayan
2. Ang mga impormasyon tungkol sa
kasaysayan ng isang komunidad ay
nababatid sa pamamagitan ng _____.
a. pananaliksik
b. pagmamasid
3. Nalalaman natin ang tawag sa
isang komunidad sa pamamagitan ng
_____ nito.
a. palengke
b. pangalan
4. Maliban sa pananaliksik, napagkukunan
din ng impormasyon tungkol sa
pinagdaanan ng isang komunidad ang
_____.
a. bahay
b. matatanda
5. Ang lahat ng komunidad ay
dumaranas ng _____.
a. kakisigan
b. pagbabago
Takdang-aralin:
Gawin ang mga sumusunod.
1. Mangalap ng mga impormasyon tungkol sa
makasaysayang bantayog, lugar, estruktura at bagay na
makikita sa iyong komunidad.
2. Iguhit ang larawan ng mga ito.
3. Idikit sa papel ang bawat larawan at sumulat ng 2-3
pangungusap tungkol ditp.